LCP31: Tagaytay Trip.

71 3 0
                                    

SHANIKKA'S POV

Ang tagal nila, ah. Or maaga lang talaga ako? Magmemeet daw kami ng 6:30 am.

Time check! 5:00 am.

Ang aga ko nga pala. Hays! Umupo muna ako at nagbasa ng story.

******

Huhu! Lagi na lang nasasaktan si Kayleigh ng dahil sa punyemas na si Noah!

"Hey!" Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko, bigla ba namang kulbitin ako.

"Tinakot mo ako ah." I said. Then he smiled at me. Umupo sya sa tabi ko, pero lumayo ako ng konti.

Oo na, gwapo sya. His hair was 'one island' cut. Bagay sa kanya yung shirt nya na white, isang tenga nya may earphone na nakalagay. Naka-black jeans at black vans.

"Hey! Lapit ka ng konti, gusto ko din magbasa." Gusto nya? May cp naman sya ah.

"Ayoko nga, may CP kang iyo, oh!" I said irritatedly.

"Eh wala namang story." He said in bored tone.

"Bahala ka." Sabi ko. Then tumahimik na ako. Ang lapit nya sakin, tapos ang bango pa.

"Ilipat mo na, tapos kana?" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Huh?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Basta basta na lang kasi umiimik.

"Tapos kana ba sa pagbabasa sa page na yan?" Ahh. Yung story pala, nakikibasa pala sya este nakikisilip.

"Wait lang!" I said.

******

"Grabe ang sakit nun, ah!" Sabi ni Rhuis. Pinabasa ko na din kasi sya.

"Oo nga. Ang lupet ni Noah, no?" Sobra kasing sakit nun.

"Yiiiiie! Kayo ha." Napatalon ako sa gulat. Pagtingin ko, si Allieha lang pala.

"Naku naku!" Nakangiting sabi ni Sheena, lukang to makikisali pa eh.

"Ewan ko sa inyo. Ako'y tigil-tigilan nyo ah." Masungit kong sabi sa kanila. Para tumigil na.

Teka, napansin kong parang haggard si Sheena at hindi nakabuntot si Justin sa kanya.

"Nasan si Justin?" Nakita ko ang pagtungo ni Sheena. I smell something fishy.

"Sabay daw sila ni Elvino." Rhuis said.

And nagulat ako sympre. Grabe! Galit na galit nga ata si Justin, tas naiiyak pa tong si Sheena.

"Girls, CR tayo." Sabi ni Allieha. Then tumingin si Allieha kay Sheena.

"C'mon." Hinila ko si Sheena.

Habang nasa daan kami, kino-comfort ni Allieha si Sheena.

"Kaya mo yan, Sheena." Allieha said while Sheena's crying.

Nang makarating kami ng CR, bigla na lang humagulhol si Sheena. Nagcomfort lang si Allieha para damayan at patahanin.

Umiinit yung ulo ko. Grrr! Why Justin actin' like a jerk? Yeah, nasaktan sya ni Sheena pero wala syang karapatang magalit kung gusto ni Sheena na manligaw si Kurt. Wala syang karapatang saktan ng ganun si Sheena! Nakakaasar! Malilintikan si Justin sakin mamaya! >//<

JUSTIN'S POV

Sabay kaming pumunta sa school ni Elvino. Oo, umiiwas ako. Bakit? Gusto ko eh... Nasasaktan ako... Ayoko saktan si Sheena, pero mas nasasaktan ako eh.

Gusto ko lang naman syang pasayahin, ayokong bumalik sya sa punyemas na p*tang Kurt na yun. Sheena deserves better. Sheena deserves a man who'd love her and not hurt her. Ang nakakaasar, gusto nyang masaktan! Ugggh!

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon