LCP7: Friends? Friends.

145 6 1
                                    

SHEENA'S POV

Nagising na lang ako, nandito ako sa clinic. Nakita ko si Rhuis, nakaubob sa tabi ng kama ko.

Hinawakan ko yung mukha nya. Pinagmasdan ko at tama nga sila, gwapo nga si Rhuis. Lalo na sa malapitan. Mahaba yung kanyang pilik at mapulang labi.

Bigla syang gumalaw at napabitaw ako. Sana di nya ako mahalata. Nagtulog-tulugan ako. Hinawakan nya yung kamay ko at...

"I know your not sleeping." Hala! Bakit nya alam? Kainin mo na ako lupa. Kakahiya.

Nagmulat ako dahan dahan ng mata ko. Nahihiya ako eh. Tapos nung nakita ko sya, nakangiti sya sakin. Gwapo nya talaga.

"Sadya naman akong gwapo, lalo na sa malapit." Luh! Nabasa nya yung sinasabi ko sa isip ko? Mind reader ba to?

"Huh? Pinagsasasabi mo?" Suplada kong sabi at natawa tuloy sya.

"You're blushing, Sheena." OMG! Sobrang hiyang hiya na ako.

"No. I'm not." Tumatawa na sya. "Yah! Why are you laughing at me?" Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi pa din sya tumitigil.

"Because you're cute when you're blushing." Tumatawa pa din sya habang sinasabi nya yun.

"Sama ng ugali mo, sige pagtawanan mo pa ako." Nagsad face kunware ako.

"Haha. I'm just kidding, you know."

"I know, right." Kulit talaga ni Rhuis.

"Uhm, friends?" Tanong nya sakin. Tapos inabot sakin yung kamay nya. Sabay kamot sa batok.

Hindi mo na ako umimik, tiningnan ko muna yung kamay at mukha nya. Natatawa ako sa expression nya. Mukha syang bata na nagmamakaawa. Pinipigilan ko lang yung tawa ko. Aalisin na nya sana yung kamay nya pero kinuha ko agad yun.

"Friends." Sabi ko sabay smile at wink.

"Friends? Oh thank you." Ngumiti na sya. Cute nya tuloy, sarap pisilin ng pisnge nya.

Nagkwentuhan muna kami at lumipas ang ilang oras, nagpaalam sya sakin.

"Alis muna ako, ah. Pahinga ka muna dyan."

"Sige. Ingat nga, ah. Thanks ulit." Tapos nagsmile lang sya.

Nung lumabas na sya, tumulog na lang ako. Pakiramdam ko kulang ako sa tulog at stress na stress na ako.

RHUIS' S POV

Sabi nila pag nagmahal ka, masasaktan ka. Pero dapat handa ka naman dun, di ba? Kaya nga nasaktan ka, dahil nagmahal ka.

I'm Rhuis Elliezer Dolor. Call me Rhuis for short. 15 years old, the music lover of the group but player and I'm the owner of the Le'Dolor University. I have 3 friends named 'Edward, Elvino and Sean.'

Si Edward Ken Villamor ang pinakabadboy samin. Sobrang daming babaeng lumalapit sa kanya. Pero dahil ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya, pinaglalaruan nya lang. Wala pa syang siniseryoso eh, yun ang pagkakaalam namin. Gusto nya kasi sa isang babae eh yung parang hindi interesado sa kanya, yung sya na mismo ang lalapit sa isang babae.

Kung mapapansin nyo na hindi namin nakakasama si Edward, nasa ibang bansa sya. Isinama sya ng pamilya nya eh. Kaso di pa namin alam kung kelan uuwi yung ugok na yun eh. Sya yung leader ng group namin. Napaka-badboy nun, kaya sya dinala sa ibang bansa para daw tumino.

Si Sean Dyren Panopio ang susunod ata sa yapak ni Elvino. Minsan loko-loko din to eh, napapagaya sya kay Elvino kasi tinuturuan sya ng kung anu-ano. Napapansin kung nag-iiba na sya ng ugali. Parang laging sweet, at ang laging kasama ay si Lizeanne. Pero hindi ko naman maiitanging bagay sila. Parang parehas nilang type ang isa't isa. Ayaw pang umamin.

Si Elvino Agojo naman ang playboy sa amin. Wala syang kakupas-kupas. Lagi na lang maraming kasamang babae. Ganun lagi sya. At napapadalas na ata ang pangungulit nya kay Allieha. Kaso naaasar naman agad at napapansin ko ngang parang boyish yun eh. Sobrang AMAZONA nya, pingutin ba naman yung tenga ni Elvino. Sya pa lang yung nakakagawa nun sa kanya eh.

Kilala nyo naman si Sheena, no? Maganda, sexy, maputi at matalino. May gusto nga ako sa kanya eh. Pero di ko alam kung mahal ko sya. Basta ang alam ko, crush ko lang o gusto.

Hindi ko nga alam kung mayboyfriend ba yung babaeng yun. Medyo tahimik eh. Hindi sya kagaya nung ibang babae na AMAZONA o SADISTA. Simple lang syang babae kaya siguro nagustuhan ko. Eh kasi naman, walang makeup tapos natural lang yung ganda nya. Ano ba yan! Nababakla na ata ako.

"Tol! Musta na kayo ni Liz? Nagkakamabutihan na kayo, ah." Tanong ko sa kanya, kanina pang tahimik eh.

"Wala akong gusto sa kanya." Asus! Ugok na to. Tatanggi pa eh.

"Huli kana! Tinatanong ko kung kamusta, tapos isasagot mo 'wala akong gusto sa kanya.' Ugok ka talaga pre!" Para kasing shunga. Halata naman, tatanggi pa eh.

Kasi kapag gusto nya ang isang babae, lalapitan nya agad at ifliflirt. Tsk! Tapos ngayon parang bakla!

"Kup*l ka! Ingay mo. Oo na, may gusto na ko sa kanya. Eh pano ba naman ang ganda ganda nya. Tapos yung tipong nasa kanya yung hinahanap ko." Sabay kamot sa kanyang batok. Nahihiya pa si Kups, eh.

"Tsk. Umamin ka din. Sabihin mo kaya sa kanya. Tapos ligawan mo. Bakit parang ang torpe mo ngayon, ah?" Sabay suntok ng mahina saking braso. Walangyang lalaki to, ah.

"Hindi ako torpe no, gusto ko lang ipakita sa kanya na seryoso ako sa kanya." Seryosong sabi nya.

"Oo na, tutulungan kita pre." Tumingin sya sakin ng masama, problema ng ugok na'to?

"Huwag na! Di ko kailangan ng tulong mo!" Binatukan ko nga, edi wag kong ayaw nya. T*nginang to.

Umalis na ko sa room. Nakakabadtrip naman tong lalaking to eh. Walang kwenta!

Bumalik na ulit ako sa clinic kung nasan si Sheena. Kinausap ako ng nurse na pwede na daw syang lumabas.

"Sheena, pwede kana daw lumabas."

"Oh, talaga? Mabuti naman, baka kasi mag-alala pa si Mama eh." Nakakatuwa talaga ang babaeng to.

"Hatid kita sa inyo, ah. Para safe ka."

"Uhm, oh sige ba. Haha."

Tapos inayos na nya yung sarili nya. At inihatid ko na sya sa kanila. Maganda at malaki yung bahay nila, halatang galing sa mayamang pamilya si Sheena.

Nung nasa tapat na kami ng kanilang bahay ay bumaba na sya at ako.

"Thanks, Rhuis ah."

"Sige, Sheena. Magpahinga ka ulit ha." Tapos nag-smile lang ako sa kanya.

"Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ng makakausap."

"Oo naman, sabi mo yan ha."

Lumapit ako sa kanya at kiniss ko yung head nya. Sobrang bango nya. Bigla nya akong niyakap.

"Salamat talaga. Maraming salamat." Tapos umiyak sya.

Iniharap ko naman sya sakin at pinunasan ko yung mga luha nya sa mata.

"Tama na, wag ka ng umiyak." Tapos nagsmile sya. "Basta andito lang ako." Niyakap ko sya ng mahigpit at sa ako bumitaw.

"Sige, alis na ko." Nagsmile na lang ulit sya at nagwave.

Sumakay na ko at umalis na. Hanggang sa malayo na ako sa kanilang bahay. Umuwi na ako sa bahay namin.

----------

VOTE AND COMMENT, PLEASE.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon