LCP20: SleepOver.

87 5 0
                                    

"I dare you..." Feel na feel ko yung suspense!

Si Shanikka naka-smile lang. Napalunok naman ako at si Justin ay ngising-ngisi.

"Tigil mo na nga yang SUSPENSE!" Sabi ni Liz.

"To hug, Rhuis!" HUWAT? O_O

"WHAT?" That's my line, Justin! >//< AYOKO! Si Rhuis wala namang pake. Parang waley lang sa kanya.

"Sus! Sheena, no KJ! Walang malisya, promise."

"Hindi yun yung kinakatakot ko, eh." Sabay tingin ko kay Justin, medyo nakakatakot yung expression nya. Parang mangangain. Pero ang cute nya. Nagseselos sya, pero...

"Ano bang klaseng dare yan?" Tanong ni Justin.

"Chos! Jelly ka lang." -Liz.

"Hindi ako pagkain, tao ako." As usual, Sungit mode. Hindi na ba ako nasanay?

"Oh! Go, Sheena!" Sigaw ni Allieha.

"Justin." Mahinang sabi ko.

"Ayos lang, sakin ka naman talaga, eh. Mas matindi pa nga sa hug ang nakukuha ko." Nagwink naman sya sakin. At pakiramdam ko, namula ako.

"MANYAK!" Tapos tumawa naman sya.

"Agad na?! Ibig kong sabihin ay kiss o kaya'y sapak." Natawa naman yung iba, kaya niyakap ko na si Rhuis.

1 second. 5 seconds. 10 seconds at bumitaw na ako.

Bigla naman akong hinila ni Justin at nakayakap sya sakin.

"AYYYIEEE!" Sigaw nilang lahat.

10 seconds. 1 minute.

"Sya, tama na! Napapasarap?" Sabi ni Elvino. Loko loko talaga yung lalaking yun.

At bumitaw naman si Justin.

"Ang pula mo." Bulong sakin ni Justin.

"PAKE MO!" Nagtawan kami.

Tapos pinaikot ko na yung bote. At yung takip ng bote ay tumapat kay Liz at yung pwet ay kay Rhuis.

"Truth or Dare?" -Rhuis.

"Dare." Nagsweet smile lang sya. Napakadali nun para sa kanya? Grabe talaga to, oh!

"Okay. Kiss him on the cheek." Abay turo kay Sean.

"E-eh?" Bigla namang namula si Liz.

"H-ha?" Grabe. Ang cute nila parehas. Haha.

"Okay." Bigla namang lumapit si Liz kay Sean. Sabay kiss sa cheek.

Na-froze si Sean. Halatang nagulat sya. Siguro first time nya yun? Hahaha. Ewan ko lang.

"AYIIEEE!" Sigaw namin. Eh kasi naman, kakakilig. Waaaah! Ang kyut nila.

So, nagpatuloy lang yung laro namin. Kung anu-ano ang mga inuutos nila. Nung napagod na kami, tutulog na kami. Sympre, kasama ko ang girls sa kwarto ko.

Tapos yung boys, nag-stay muna sa kitchen at maglalasing DAW sila, eh. Pero okay lang, tanduay ice naman.

Nung nasa room ko na kami, matutulog na sana kami kaso parang ang ingay. Katabi kasi ng kwarto ko yung guest room tapos yung kay Justin. Sa Right yung kay Justin and then dun sa left ay guest room.

"WOOOOH!" May nagsisigaw. Tapos may ilang kalabag, parang nagbabatuhan ata at ilang tawanan.

"G*go ka, ah!" Sabay kalabag ng malakas! Ohmygosh. Si Elvino ata yun, eh.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon