LCP12: Kilig Moments.

97 7 1
                                    

LIZEANNE'S POV

OMG! My first ever POV. Hi, readers. :"> So, natapos na kami ni Rhuis na loverboy ni bes. Pero since close friends kami ni Sheena, since kindergarten, so basang-basa ko na sya and I can see na inlike sya kay Fafa Justin. Sana nga lang makamove on na si bes. Takot na kasi syang mainlove. Pero ako, go lang ng go! Kita nyo naman na patay na patay si Sean sa Gorgeous hot body ko.

"Sean, nagseselos ka pa rin ba kay Justin?" Tanong ko kay Sean na ngayon ay katabi ko.

"Wala akong karapatan kasi hindi naman tayo, diba?" Mukha syang malungkot. OMG! Kinikilig ako.

"Gusto mo bang magkaroon ng tayo?" Tanong ko sa kanya.

"P-pwede ba?" Tapos namula yung pisngi nya. Aww! Ang kyut.

"Make me." Then nagwink ako sa kanya.

He flashed me his killer smile! Para atang mahuhulog yung heart ko. >///<

"As you wish." Nagsmile na lang ako sa kanya. "Pwede ba kitang ligawan?"

"Uhm, oo naman." Medyo nahihiya ako.

"Pwede ba kitang ihatid at sunduin?" Tanong nya.

"Grabe, super naman ata yun."

"Please?" Tapos nagpuppy eyes lang sya. Mygad.

"Oo na nga, hindi kita matiis eh."

SEAN'S POV

Yes! Pinayagan na nya ako. Wooooh! Gagalingan ko sa panliligaw, malakas kasi ang tama ko sa babaeng yun. Uwian na at sha-share ko sa barkada ko. Good news!

So pinagyabang ko sa kanila. >:D

"Gwapo ko, guys. Mas gwapo ako sa inyo."

"URUR! Di ako papayag, mas gwapo naman ako kesa sayo. Tsaka iisa lang sayo. Samantalang ang mga babae ko, uncountable!" Sabi sakin ni Elvino. Kahit kelan, ugok talaga to.

"Pinagyabang mo pa yang pagiging playboy mo." Sabi ni Rhuis. Tsss. Napaka-playboy naman nga kasi.

"Eh ikaw? Naligawan mo na ba si --?" Ano ka ngayon? Haha. At hindi naman makasagot si Rhuis sa tanong ni Elvino. "See? Kawawa ka naman, tol. Torpe mo, maaagaw sya sayo." Yabang talaga ni Elvino, porket playboy sya eh. Igagaya pa kami sa kanya.

"Ba't hindi na lang si Shanikka?" Tanong ko. Sya yung quite na magandang friend ni Liz.

"No way, ang taray nun no. Pero ako pa rin ang gwapo sating apat no." Isa parin tong ugok na Rhuis na'to.

"Utut! Sige, malalaman natin yan. Pag may dumaan na babae." Sabi naman ni pareng kups na si Elvino.

Tapos biglang may dumaang babae at tinawag ni Elvino.

"Hi, Miss. I lost my number, can I have yours?" Ang yabang talaga ng ugok na to. Dinaan pa sa ganon eh. Tsk!

"Sorry. I lost my number too, can I have his?" Tumuro naman sya kay Rhuis. Oh, men!

"Ohh! Wala ka pala, tol." Sabi ko. Tapos nagtawanan kami ni Rhuis.

Maliban kay Shanikka meron palang babae na waepek ang charm ni Elvino. Tapos umalis na yung babae.

"Pffft! Basta." -Elvino.

"Haha. Guys, ideas naman, oh!" Sabi ko sa dalawang ugok.

"Wooh! Don't look at me, Sean. Kay Elvino ka, si Elvino ang marunong sa mga ganyan."

So, si Elvino ay ngumiti at inakbayan ako. Nagusap kami sa isang sulok.

"Ganto, pre. Kung gusto mo makuha sya, hahalikan mo muna sya sa li---" Binatukan ko nga. Ugok talaga to!

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon