LCP13: Lovelife Problems.

99 4 0
                                    

SHEENA'S POV

Hay buhay! Ang aga ko tuloy nagising kanina dahil kay Sungit. Ayan tuloy inaantok ako ngayon sa klase. Tsaka nakakaboring yung subject, kaya lalo akong inaantok.

"Because, asdfghjkl. And that is asdfghjkl." Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Mam dahil antok na ako.

Inaantok na talaga ako. Makatulog nga muna, hindi naman siguro ako makikita eh. Dahil nasa likod ako.

Uubob na sana ako, kaso pinigilan ako ni Justin. >///<

"Hoy! Matutulog ka na naman. Mapapagalitan ka ni Mam." Bulong nya sakin.

"Kasalanan mo naman kasi to, eh. Kung hindi mo lang ako ginising ng maaga." Pagmamaktol ko sa kanya.

"Sorry, babe. Eh baka kasi malate na naman tayo."

"Hmp! Kasi naman eh." Tapos nagpout ako.

"Oo na, kasalanan ko na nga."

"Haha! Bumawi ka na lang, libre mo ako ng recess." Sabay belat ko sa kanya.

"Tsss. Ayoko nga." Ayyt! Shunga naman nito. Ililibre na nga ako, ayaw pa.

"Bilis na, please?" Nagpuppy eyes pa ako para pumayag na sya.

"Call me, babe. Kung gusto mong ilibre kita." Sabay wink at ngumiti ng napakalapad. Tsss. Feeling mo naman, gwapo!

"No! I don't like. Because you're not my boyfriend." Pagtutol ko, eh totoo naman, diba? Hindi ko sya boyfriend.

"Ayaw mo? Edi hindi kita ililibre." Grrr. Kainis naman tong si Sungit.

"Eh naman kasi. Libre mo na ako, sungit."

"Call me, babe." Sabay wink. Tsk! Kainis na yung mata nya, ah! Para syang si Elvino.

"B-babe, l-libre mo ako." Yan na. Sinabi ko na. Para libre na ako ng mokong na to.

"Say 'Babe, libre mo ako. Pleaseeee?' ganun dapat." Haluuuu. Loko to, ah. Gawin ba naman akong utusan.

"AYAW KO! ANG KAPAL MONG GAWIN AKONG UTUSAN!" Napasigaw na ako sa inis.

OMG! Nakatingin lahat sakin. Sh*t naman, Sheena.

Tapos si Mam Telma... Parang umuusok yung ilong nya. TT_TT

"Hehe. Peace, guys." Tapos nagpeace sign naman ako.

"MS. MAURO AND MR. MORTEL, GET OUT OF THIS ROOM! INTO THE GUIDANCE ROOM, NOW!" Galit na galit na si mam. Patay kami nito. Si Sungit kasi. >:(

******

So, nakapunta na kami at nakatanggap ng sermon.

Top 2 ako, pero simula nung dumating si Sungit sa buhay ko, nasama na yung image ko.

"Ikaw kasi, kailangan pang babe!"

"Eh bakit sumigaw ka pa?"

"EH, IKAW EH!"

"Kung hindi ka... Aish. Tama na nga!"

Nagulat ako nung niyakap nya ako. Tapos naiyak ako, kasi sumama yung loob ko sa mga sermon nung teacher.

"Grabe, ang hard nila. Kung hindi lang sila teacher, nasabihan ko na sila ng kung anu-ano."

Umiyak ako ng tahimik. At bumalik sa isip ko yung sinabi nila.

"Kababae mong tao, sigaw ka ng sigaw."

"Masasabihan kang malandi sa inaasal mo."

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon