LCP8: Manang Olivia's Son.

122 5 1
                                    

Ano ba yan ang ingay naman, nagising tuloy ako.


Bumaba na ako para tingnan kung bakit ang ingay ingay.


"Anak, gising kana pala. Ah, eto nga pala ang anak ni Manang Olivia."

Napatingin ako sa kanya. Aba! May itsura, malandi nga.


"Hi. Goodmorning." Sabi ko sa kanya.


Tiningnan ko ulit sya, tumingin sya sakin at INISNOB AKO. Aba, akala mo naman kung sino. Kabago bago lang dito, eh. PUTIK!


"Ah, iho magpahinga ka muna dun sa magiging kwarto mo." San naman ang magiging kwarto nito? Wag lang sabihin ni Mommy na dun sa katabi ng kwarto ko? Ahmp!


"Tita, san po yung kwarto?" Sabay kamot sa kanyang batok.


"Dun sa taas. Yung katabing kwarto ni Sheena." Napatingin ako kay Mommy. Hayst. Sabi na eh. Grrrr! "Sheena, samahan mo sya."


"Ma, kayo na po." Sagot ko. Hayyy. Kakatamad kasi. Biglang sinamaan ako ng tingin ni Mommy. "Sabi ko nga, ako nga po." Grrr.


Napatingin ako dun sa lalaki. Ugh! Kaasar naman, oh!


"Tara na." Pagkasabi ko nun, sumunod na sya sakin.


Nang nakarating kami sa taas, dun sa may kwarto nya.


"Dito yung kwarto mo." Tapos paalis na ako pero nagsalita sya.


"Salamat." Tapos pumasok na sya sa loob.


Bumalik na'ko sa kwarto ko para matulog.


After 3 hours.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kakasura, ang sarap ng tulog ko eh. Matingnan na nga lang.



From: Lizeanne


Girl, mall tayo. 12:45 sa MCDO. Love you, bes. Mwuaaah! :*


Magmamall pa. Pero okay lang, para ako'y makapaglibang-libang.



To: Lizeanne


K.



Kakatamad kasing magreply. Bahala sya. Hihi.


From: Lizeanne


Ganyan ka, gurl! K-zoned mo ko. :(



Di ko na nga nireplayan. Tsk tsk, arte nya eh. Makaligo na nga baka malate pa ako sa tagpuan namin.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon