LCP24: Dance Practice.

83 3 0
                                    

SHEENA'S POV

Ugggh! Ang sakit ng ulo ko. Hang Over! >_< Hindi muna ako papasok, masakit yung ulo ko, eh. Tsaka tinatamad pa din ako, eh.

"Anak!" Si Mommy yun ah.

"Bakit po, Ma?"

"Hindi ka ba papasok?"

"Hindi, Ma! Hang Over po eh." Tunay naman kasi. Ang sakit nga eh. Di na to mauulit.

"Yan! Ang dami kasi ng ininom."

"Haha. Sorry po. Ma, nasan po si Justin?" Napansin ko lang kasi na hindi nangungulit ngayong umaga at hindi sya yung gumising sakin.

"Nandun na sa sala."

"Ahh. Okay, hindi nya ako ginising."

"Umiinom sya ng kape, masakit din daw kasi yung ulo nya. First time nya daw kasi yun eh." Uhm, kaya naman pala eh.

"Sige, Ma. Baba na po tayo, pupuntahan ko lang sya."

"Sige. Alalayan na kita, nahihilo ka pa ata, eh." Yass! Mabuti na lang. Haha. Sobrang bait talaga ni Mommy. Kaya love na love ko sya eh.

Bumaba na kami ni Mommy at pinuntahan ko si Justin sa sala.

"Hey, Sungit. Good morning." Nilapit ko yung mukha ko sa kanya.

"Hey! Baho ng hininga mo!" Aba't mabaho daw yung hininga ko. >_<

"Grabe ka naman. Kiss kita dyan, eh." Feeling mo naman ang bango ng hininga nya, no.

"Tsk! Wag na. Baka malalinan mo ako ng baho ng hininga mo." Ang yabang mo, grabe!

"Gusto mo ata sa lips pa, eh?" Taas-baba ang ginawa ko sa kilay ko. Subukan ko nga to, tss mabaho pala ha.

"Anak anong sa lips?" Oppps! Si Mama.

"Uhm, hahalika--" Bigla kong tinakpan yung bibig ni Justin.

"Ano po, wala po yun, Ma. Niloloko ko lang po si Justin." Pinanlakhan ko ng mata si Justin habang tinatakpan ko ang bibig nya.

Kainis naman kasi, eh. -.-' Muntikan na ako dun, ah. Tsaka binitawan ko na din yung bibig ni Justin nung umalis na si Mommy.

"Ikaw naman kasi eh." Pagsisisi ko sa kanya.

"Anong ako? Eh ikaw nga dyan yung gustong manghalik sakin, eh." Tsss. Ako pa eh. Oo na!

"Hoy! Ang baho din pala ng hininga mo!" Baho kaya. -.-

"Hoy ka rin! Nagtootbrush na ako at saka uminom ng kape." Asus. Segway pa more.

"Ahh. Kaya pala amoy lolo. HAHAHAHA!" Tawa pa din ako ng tawa.

"Kung ako amoy lolo, ikaw amoy singit." Anong singit? Tsss. Bastos.

"Bakit? Nakaamoy kana ba ng singit? Ha?!" Pagtatanong ko sa kanya. Feeling nya naman.

"Oo. Naamoy ko na yun sayo! *DeathGlare*"

"Pano?!" Sobrang gulat na gulat ako.

"Asus! Gusto mo lang malaman para gagawin mo rin sakin. Uyy! Aminin." Tss. Para syang bading.

"Yuck! Iyo na yang singit mo!" Yuck. As in Y-U-C-K!

"Sadya!" Saksak mo sa baga mo. Tsss. Meron din ako nun, no.

"Pervert! Manyakol. Bastos!"

"Gusto mo ituro ko sayo kung pano amuyin?" Nakangiti sya ng nakakaluko. Ugh! Yan yung ayaw kong makita sa kanya.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon