LCP32: The Make-Up Plan.

68 3 0
                                    

SHANIKKA'S POV

Kasama ko ngayon sina Rhuis at bakit? Para pag-usapan ang plano. Plano na pagbatiin si Sheena at Justin.

So far so good, ang balak namin kasi...

SHEENA'S POV

"Sheena, intayin mo kami dun ah! Kukuha lang kami ng pagkain." Natawa ako kay Allieha ang takaw kasi.

Nga pala, nandito kami ngayon sa Garden/Green House.

Naglakad na ako papunta dun, di pa naman nagsisimula yung meeting, kaya bonding muna kami nina Shanikka.

JUSTIN'S POV

"Hey! Tol, dun tayo sa garden." Napataas ang kilay ko, si Elvino ba to?

"WTH? Anong gagawin natin sa garden?" Ba't parang iba ang ihip ng hangin ngayon.

"Ugh! Mangunguha ng flowers?" Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Nababakla ka na ba?" Nanlaki naman agad ang dalawa nyang mata. Aanhin nya ba kasi ang bulaklak.

"Gago! Di ba pwedeng ibibigay muna kay Allieha?" Napangisi naman ako dun! Malakas ang tama ni Playboy kay Tomboy, ah.

"Yun lang ba?" Nagtinginan sila ni Rhuis, parang may weird sa kanila eh.

"Ah, eh.. O-oo, tara tol." Sabi ni Rhuis. Napa-shrug na lang ako at sumunod.

******

Nakarating na kami dito sa Green House ata to. Basta, bahay na gawa sa glass na may garden sa loob at parang park.

"Uy, dito ka muna. Kukuha lang kami." Sabi ni Rhuis. Napataas na naman ang kilay ko.

"Ng ano naman?" Iba talaga eh. Tsk tsk!

"Ng camera!" Napalaki ang mata ko.

"Eh ba't di mo kinuha kaina?" Tanga nyo, grabe. -.-

"Kukuha rin kami ng pagkain, no! Gago ka." Maka-gago naman tong si Elvino, hindi pa kasi sinabay-sabay kanina.

"Bilisan nyo, kung hindi..." Pagbabanta ko sa kanilang dalawa sabay ngisi.

"Oo na po aming mahal na JustinBoy!" Loko-loko talaga tong dalawang ugok na to.

Babatukan ko na sana kaso nagtatakbo na yung dalawang ugok na yun.

*****

Wow! Ano to? Ang ganda naman nito, oh. Sabay hawak ko dun sa mga bulaklak. Ang gaganda kasi. Pwedeng ibigay kay She--- oh, nevermind.

Ang tagal ng mga ugok na yun, pa VIP ang mga p*ta.

*Yabag*

Sila na ata siguro yun. Wow ha! Ang dilim na eh, buhay na ang mga lights.

"P*ta, ba't ang tagal nyong dala---"

"Bakit ba ka---"

Natigilan kami pareho... Kami ni Sheena.

"Anong ginagawa mo rito?" Sabay naming sabi na wala sa huwisyo.

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Sh*t. Sabi na eh!

From the start may kutob na ako! Na may kalokohanh natakbo sa utak ng dalawang ugok na yun. F*ck!

"Buksan nyo to!" Pagmamakaawa ni Sheena.

Pinabayaan ko lang sya at umupo ako sa isang tabi. Wala rin namang kwenta kung ipipilit mo isang bagay, masasaktan ka lang, mapaos man o madurog yung puso mo.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon