LCP9: With him.

109 5 1
                                    

SHEENA'S POV


Umaga na. Mga 6:00, pero ayoko pang bumangon, masakit pa ang paa ko.

Narinig kong bumukas yung pinto. Si mama ata yun. Tinakluban ko ang sarili ko ng kumot. Pffft! Gusto ko pang matulog.


Yinuyugyog ako. Ano ba?!


"Ma, naman!" Tinagtag ko yung kumot ko. "Sungit?!" Nakakatitig lang sya sakin, tapos namumula yung tenga nya. "OMG!" Tinakluban ko yung katawan ko, naka-short short lang ako tapos naka-sando! >///<


"Magbihis ka na nga! Tanghali na, malalate na tayo." Sabi nya tapos tumalikod.

Bagay sa kanya yung uniform.


"Wag ka ngang basta basta papasok sa room ng babae!" Naiinis kong sabi sabay bato ko ng unan sa kanya.


"Hoy! Mama mo yung nag-utos. Malay ko bang naka—"


"M-manyak!" Natataranta kong sabi.


"Sinadya ko?! Bilisan mo na!" Tapos umalis na sya.


Naligo na ako at bumaba na para kumain ng breakfast. At ayun si Sungit, hinahanda yung table, sya ata yung nagluto. Nakaapron na sponge bob, oh. Ang cute nya.


"Mahilig ka ng sponge bob?" Nakangiti kong sabi.


"Kumain ka na lang." Ang sungit talaga. -.-


"Wait! Nasan sila Mommy at sila Manang? At bakit ikaw ang nagluto?" Napansin kong wala sila. Nacurious tuloy akong magtanong. Ang aga pa kasi para umalis si Mommy.


"Nagout of the country."


"Ah... What the f*ck?!" Shit. Nagout of the country sila? Tsk tsk, di man lang sinabi sakin.


"Bibig mo, ha." May pagbabanta nyang sabi.


"Bibig pa rin, buong-buo pa nga, oh!" Naiirita kong sabi.


"Mukha kasing bingot, eh." Nagsmirk sya.


"What are you talking about?" Naiinis na talaga ako. Kala ko masungit lang, yun pala may pagka-ewan din.


Biglang tumakbo si Sungit, sinundan ko naman hanggang makarating kami sa sala at binato ko sya ng unan. Kakainis eh!

"Yah!!"


"Yah!! HAHAHA!"


Tapos dumiretso ako sa garden, sumunod naman sya. At binuksan ko ang gripo na naka-connect sa hose at binasa ko sya.


"Basa ka ngayon. Hahaha!"


"Tama na!" Sabi ni Sungit. Lumapit sya sakin at sinabing "Basa na ako, dapat basa ka rin." Tapos binuhat nya ako.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon