"You knew each other?" Basag ng isa sa mga kasama ni Enzo sa titigan nilang dalawa.
Kumakalabog ng sobra ang dibdib niya sa kaba. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa paraan ng pagtitig sa kanya ng binata o dahil naramdaman niya ulit ang estrangherong pakiramdam na naramdaman niya noong una silang nagkita.
Napaiwas naman siya ng tingin nang may kamay na humarang sa pagitan nila.
"Hello... I ask you if you know each other." Tanong ng kasama nito kay Enzo. Nakita niyang tumango si Enzo at ngumisi.
"Yeah. She's the one I'm talking about." Sagot nito habang nakangisi at nakatingin sa kanya.
Yumuko siya at nagkunwaring may binabasa.
Ano naman kaya ang pinagsasabi ni Enzo sa mga kasama nito tungkol sa kanya.
"Oh? The mud girl?" Manghang tanong ng kasama nito.
"Huh?" Nagtataka niya itong tiningnan.
Umirap ito. Awtomatiko namang tumaas ang kilay niya sa ginawa ng kasama ni Enzo.
"Bingi ba talaga kayong dalawa?" Asar nito. "I said... You're the mud girl."
"Mad?"
Mahina itong natawa.
"Not mad na galit. I mean mud. Putik."
"Ahh." Sabi niya nang ma-realize ang sinabi nito.
"Mud girl? Bakit mud girl?" Tanong niya.
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay inilahad nito ang kamay nito sa kanya.
"By the way, I'm Jeff Lester. You can call me Lester." Nang tanggapin niya ang kamay ni Lester ay may biglang kumabig sa kamay nilang dalawa. Nagulat siya at nakaawang ang labing napatingin kay Enzo.
"Kailangan ba talagang makipagkamay?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Enzo sa kaibigan.
Galit ba ito?
Nanliit ang mga mata ni Lester at tinapik ang balikat ni Enzo. Lumapit ito kay Enzo at may binulong. Nang makaalis si Lester ay ngumisi naman sa kanya si Enzo.
Ano naman ang sinabi ni Lester sa kanya?
Bakit ganyan ang ngisi ni Enzo?
Pinaglalaruan ba siya ng mga ito?
Para iwasan ang mga titig ni Enzo sa kanya ay hinanap niya ang pangalan ni Lester sa folder.
Jeff Lester Torres.
Nilagyan niya ito ng check sa tabi ng pangalan ni Lester at sunod na hinanap ang pangalan ni Enzo. Nang mahanap niya ay nilagyan niya rin kaagad ito ng check.
"Ahm.... Pasok na po." Naiilang niyang sabi.
Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa loob ng café.
Hindi siya nakatingin kay Enzo kaya hindi niya alam kung anong reaksyon nito.
Sa totoo lang kanina pa siya naiilang. Habang kausap niya si Lester kanina ay nakatitig lang sa kanya si Enzo. Hindi niya alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
Aktuelle LiteraturZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...