*31

11 4 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas na nasa puder ni Ana si Mhel pero hindi pa rin ito tumigil sa kaiiyak. Kahit na araw-araw nila itong binibisita ay hindi pa rin ito nagiging maayos.

Nasa sala si Ria ngayon habang nagpipinta. No'ng mga nakaraang araw ay hindi siya nakapapasok sa kadahilanang inaalagaan niya rin si Mhel. Hindi ito kumakain sa tamang oras sabi ng katulong ni Ana kaya pinupuntuhan niya ito. Hindi rin naman kasi palaging nasa bahay si Ana kasi may trabaho rin ito. Nagsasalitan lamang silang tatlo nina Ana at Tesa sa pag-aalaga kay Mhel.

"Hindi ka pa ba kakain, Ria?" tanong ng tatay niya nang makalabas ito ng kusina. Nilapag niya ang paint brush sa mesa.

"Susunod na po ako, tay. Lipigpitin ko lang 'to," aniya. Tumango ang tatay niya at bumalik sa kusina. Inayos niya ang pagkakalagay ng mga gamit niya sa gilid bago pumunta sa kusina.

Tinulungan ni Ria ang nanay niyang mag-lagay ng mga plato sa mesa.

"Kumusta naman daw ang pagpunta ni Enzo doon sa... Ano ngang lugar 'yon? Anglan? Enland? Huh? Basta 'yon. Kumusta naman daw?" tanong ng tatay niya habang kumukuha ng kanin.

Napailing siya bago sumagot, "England po 'yon, 'tay." Siya naman ngayon ang kumuha ng kanin. "At hindi ko po alam. Nang makauwi po kasi siya galing do'n, tinawagan niya ako. Sabi niya, lalabas daw ulit sila ng bansa. Hindi niya nasabi kung saan. Pero, alam kong tungkol 'yon sa negosyo nila."

"Ah... Sabagay, marami talagang gagawin kapag may-ari ka ng isang kompanya. Lalo na ngayon na kay Enzo ipapasa ang kompanya ng tatay niya. Kaya dapat siyang mag-ensayo," anito.

Nilagyan niya na rin ng ulam ang kanin niya at nagsimula nang kumain.

"Eh, wala ba siyang sinabi kung kailan siya makakauwi?" tanong ng nanay niya.

Umiling siya. "Wala, eh. No'ng tinawagan niya kasi ako, ang sabi niya lang aalis ulit siya. Wala siyang sinabi kung kailan uuwi."

Sa totoo lang, nalulungkot siya. Minsan nalang sila magkita ni Enzo. At kung magkikita man, aalis din agad ito dahil may aasikasuhin. Hindi nga umaabot ng isang oras ang pagkikita nila. Parati nalang itong may inaasikaso. Hindi naman siya nagrereklamo dahil alam niyang importante 'yon.

Minsan nga ay gusto niyang itigil ang pagpipinta para makapag-apply sa kompanya ng tatay ni Enzo. Para lang makasama niya ito. Minsan naiisip niya kung sino ang mga kasama ni Enzo. Naiinggit kasi siya. Palagi nitong makakasama ang nobyo niya habang siya... kahit isang oras lang hindi pa maibigay.

Naiintindihan niya naman. Kaya nga hindi siya masyadong nagde-demand na lumabas silang dalawa.

Naramdaman niyang umusog ang tatay niya at hinagod ang likod niya.

"Huwag ka nang malungkot. Babalik din 'yon," may halong pagpapaintindi ang boses na anito. Malungkot siyang ngumiti at tumango. Bumalik ito sa dating pwesto at muling kumain.

Nagpatuloy sila sa pag-kain. Nilingon niya ang nanay niya nang magsalita ito.

"Kumusta naman ang mga kaibigan mo?" tanong nito. "Nasabi sa akin ni Tesa no'ng isang araw ang nangyari kay Mhel at Rex."

Napabuntong-hininga siya.

"Okay naman sila. At si Mhel, hindi pa rin talaga. Hindi nga 'yon kumakain sa tamang oras, eh. Nasaktan talaga siya sa ginawa ni Rex sa kanya."

Biglang lumungkot ang mukha ng nanay niya sa sinabi niya.

"Oo nga, 'no. Si Marex. Ano bang nangyari sa batang 'yon?" Naririnig niya ang pagkadismaya sa boses ng nanay niya. "Nagawa niya talaga 'yong bagay na kinakatakot ng isang babae."

The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon