"Kain pa kayo," nakangiting aniya sa mga bisita.
"Okay na po 'to. At saka, kanina pa kami pinakain ni Anita."
"Ah. Sige, kung gusto niyo pang kumain, kumauha lang kayo," sagot niya at muling nag-ikot.
Ika dalawamput-limang anibersaryo ng nanay at tatay niya ngayon kaya maraming tao sa bahay nila. Ang sabi ng nanay niya ay mga amiga lang ang iimbitahin nito pero mukhang amiga ata nito ang isang barangay.
Napailing nalang siya at nilapitan si Mang Mario. Kalong nito ang na si Andres na ngayon ay labing siyam na taong gulang na. Malikot ito kaya dapat binabantayan. Ang asawa naman nito ay ay may kargang bata. Nagkaanak ulit si Mang Mario at Aling Nelia. Babae ang anak ng mga ito kaya naman tuwang-tuwa si Andres. Matagal na kasi nitong hinihiling na magkaroon ng babaeng kapatid.
"Oh? Bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong niya nang mapansing walang pagkaing nakahain sa mga plato nito. Napakamot naman si Mang Mario sa batok habang hawak pa rin si Andres.
"Mamaya na kapag wala na masyadong tao sa pagkukuhanan ng pagkain. Baka kasi aalis 'tong batang 'to." Inginuso nito si Andres. "Baka kasi tumakbo. Nakita niya kasi si Bea kasama ang nanay niya."
"Ah, ganun ba?" tumatangong aniya. "Sige, ako na lang ang kukuha ng pagkain niyo."
Kinuha niya ang mga plato nito.
"Huwag na, Ria. Kami nalang," angal agad ni tiyang Nelia.
Umiling siya, "ako na po. Okay lang naman. Tapos na rin naman akong kumain."
Hindi na niya hinayaang magsalita ang dalawa dahil umalis na siya dala ang mga plato. Baka kasi pilitin lang siya ng mga ito na hindi na.
Nang makarating siya sa lamesa ng kuhaan ng pagkain ay nakisingit siya sa mga tao para makakuha ng pagkain. Ang mga magulang niya naman ay naglilibot rin para makipag-usap sa mga kakilala. Nang matapos niyang lagyan ang tatlong plato ng pagkain ay nagpatulong siya sa katabi niya na hawakan ang isang plato para ihatid sa lamesa nina mang Mario at tiyang Nelia.
"Salamat," wika niya sa lalaking hiningan niya ng tulong. Tango lang ang naging sagot nito kaya humarap na siya kah Mang Mario.
"Kain na po kayo."
Mayamaya pa ay nagsmila na ang mga itong kumain. Kumuha na rin siya ng isang upuan at nakiupo kina mang Mario. Kinuha niya muna ang anak ni tiyang Nelia para makakain ito nang maayos.
Habang karga niya ang bata ay hindi niya maiwasang mapaisip. Ano kayang pakiramdam ng may anak?
Mahina siyang natawa. Parang dati lang ay tinatanong niya kung ano ang pakiramdam ng minamahal pero ngayon anak na ang kinukwestyon niya.
Mayamaya pa ay pumwesto sa harap ang nanay at tatay niya para magbigay ng mensahe sa mga dumalo. Unang nagsalita ang tatay niya.
"Maraming salamat sa pagdalo ninyo sa anibersaryo namin nitong mahal kong asawa." Inakbayan nito ang nanay niya. "Sa loob ng dalawamput-limang taon na nakasama ko si Anita ay puro pagmamahal lang ang binibigay niya sa akin. Nung una pa lang alam ko at inaasahan kong tatagal kami. Iba kasi ang pakiramdam ko kapag siya na ang pinag-uusapan. Mawawala ang pagod ko kapag nababanggit ang pangalan niya."
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
General FictionZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...