Maraming buwan ang nagdaan at hindi niya inakalang aabot sila ng isang taon ni Enzo. Umabot ng isang taon ang pagmamahalan nila. Pagmamahalang walang hadlang.
Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamaswerte dahil pabor sa kanilang pag-iibigan ang lahat. Walang naging hadlang. Matiwasay at puno ng pagmamahalan ang relasyon nila sa isang taon. At alam niyang habang buhay na 'yon.
Kasulukuyan silang nag-aayos ng mga gamit ngayon para sa anibersaryo nilang dalawa ni Enzo. Kasama niya si Rese at Ana. Si Ana ang nagsasabit ng nga palamuti habang si Rese naman ay sa ilaw. Siya naman ay abala sa mga upuan at mesa.
"Sigurado ka bang hindi nakalimutan ni Enzo kung anong araw ngayon?" tanong ni Ana sa kanya. Nagsasabit ito ng mga letra sa pader.
"Oo naman. Siya ang unang bumati sa akin kaninang umaga," sagot niya. Nakatanggap siya kaninang umaga ng mensahe at akala niya ay isa lang ito sa mga kliyente niya, 'yon pala ay si Enzo.
"Naks naman. Kailan kaya ako makakahanap ng katulad ni Enzo?" wala sa sariling tanong ni Rese. Nakaupo na ito habang nakatitig sa mga pagkain.
"Hinay-hinay lang. Baka sa kakatitig mo niyan, maubos mo. At saka, nakakahanap ka naman siguro ng sarili mong Enzo, maghintay ka lang," ani Ana.
"Sana nga ano. Gusto ko kasi talaga 'yong lalaking mapagmahal, mahaba ang pasensiya, kayang maghintay hanggang sa pwede na at 'yong lalaking mabait at marespeto sa babae."
Napangiti siya sa mga salitang binitawan ni Rese. Hindi niya aakalaing gano'n pala ang lalaking gusto nito. Kahit noong dalaga pa sila ay hindi nagbabahagi si Rese sa kanya tungkol sa kung anong gusto at hindi nito gusto.
Inayos niya ang huling upuan at nilapitan si Rese.
"At alam ko na kapag nahanap mo na ang lalaking itinakda sa'yo, siya na siguro ang pinakamaswerte sa lahat," may halong pagmamalaki sa boses na aniya. "Isa kang mabait, maaruga, mahinhin pero hindi na ngayon, matalino, at higit sa lahat mapagmahal."
"Grabe naman kayo. Huwag niyo naman ipahalata sa akin na wala akong kaibigan no. Nandito rin ako, hello?" Natawa silang dalawa ni Rese sa sinabi ni Ana.
"Bilisan mo na kasi diyan. Ang bagal eh," kunwari pa ay galit na ani Rese.
Tumawa lang siya at lumapit din kay Ana. Tinulungan niya itong isabit ang mga natitirang mga letra.
"Eh, ikaw? Kumusta kayo ni Lester?" tanong niya kay Ana. Bigla itong natigilan at tumikhim.
"Okay naman kami." Alam niyang namumula ang mukha nito lalo na ang pisngi.
"Kinikilig na naman siya," tukso ni Rese. Alam niyang nakanguso na ngayon si Ana.
Nililigawan na ngayon ni Lester si Ana. Nung pumunta sila sa payapa, hindi alam ng mga kaibigan niya at siya na may namamagitan na pala sa dalawa. Alam niya naman 'yon pero hindi niya talaga naisip na totoo ang mga obserbasyon niya.
Halata namang mahal ng dalawa ang isa't-isa kaya suportado niya ang mga ito kung magkakaroon na ang mga ito ng relasyon.
"Hindi mo pa rin ba siya sinasagot?" tanong niya. Napalingon naman siya saglit kay Rese. Nagpaalam itong pumunta sa banyo kaya tumango nalang siya.
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
Ficțiune generalăZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...