Hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Enzo kaya tahimik lang siyang nakaupo habang tinatanaw ang daan na nadadaanan nila.
"Nakausap ko kanina si Tonyo." Napalingon naman siya agad nang marinig niya ang sinabi nito.
"Akala ko busy ka?"
"Na cancel kasi ang meeting. Bago kita sinundo, pinintahan ko muna siya saglit." Lumingon ito sa kanya sandali at bumalik ulit sa pagmamaneho.
"Ano sabi niya? Nagkaayos na ba sila?"
Sana...
"Gusto daw niya kausapin si Tesa kaso hindi raw siya pinapansin."
Napabuntong-hininga naman siya.
"Bakit ba kasi pinapahirapan pa nila ang isa't-isa?" Napairap nalang siya.
Hindi pa nila naranasan ni Enzo na mag-away o magtampo sa isa't-isa kaya hindi niya madamayan si Tesa.
"Hayaan na muna natin sila. Pagod na daw kasi silang dalawa." Napailing si Enzo.
"Sana naman hindi magtagal ang away nila." Aniya. "Saan nga ba tayo pupunta?"
Pasimple itong lumingon sa kanya at muking ibinalik ang tingin sa daan.
"Basta. Makikita mo mamaya." Napabuntong-hininga naman siya.
Alam niyang sosorpresahin na naman siya nito. Sanay na siya at alam na alam na niya ang galawan ni Enzo. Minsan nga ay akala niya ihahatid siya nito sa bahay nila pero nung nakatulog siya sa byahe, pag gising niya, nasa beach na siya.
"Ayan ka na naman sa mga pakulo mo."
Mahina itong natawa saka kinindatan siya. Napaiwas naman agad suya nang tingin. Alam niyang namumula na ang pisngi niya dahil sa kilig.
Sa sobrang tagal ng byahe ay nakatulog siya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog, basta pag gising niya ay gabi na. Hindi niya rin alam kung nasaan sila dahil pag gising niya ay wala siyang nakitang mga bahay. Bumaba siya sa sasakyan para hanapin si Enzo.
"Asan na siya?" Inilibot niya ang kanyang tingin. Kumunot ang nuo niya dahil hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon. "Bakit ba kasi niya ako dinala dito?"
"Ria!" Napatigil naman siya at napalingon sa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Paglingon niya ay agad siyang napangiti at awtomatikong naglakad palapit kay Enzo.
"Nasaan tayo?" Agad niyang tanong.
Hindi siya sinagot ni Enzo. Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay niya. Pinaupo siya nito sa isang kahoy na maliit at ito naman ay tumabi sa kanya. Lihim naman siyang napangiti nang inakbayan siya nito.
Ang puso ko...
Bumuntong-hininga siya at tumingala sa kalangitan. Gabi na at hindi makulimlim kaya nagniningning ang mga bituin. Dahan-dahan niyang inihilig ang kanyang katawan at ulo sa balikat ni Enzo habang nakatingala pa rin.
"Isa ito sa mga paborito kong lugar." Anito habang hinahaplos ang buhok niya. "Dito ako pumupunta kapag nag-aaway si mama at papa."
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
General FictionZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...