Napakamot naman sa ulo si Lester.
"A-ahh, sinabi k-ko lang n-naman." Napakamot ito sa batok.
"Sige. Pasok na ako."
Tinanguan niya lang ito.
Kung hindi makakapunta ang dalawa, so, may hihintayin pa siyang isa.
Huminga siya ng malalim at naghintay.
Maingay na ang mga tao sa loob ng café. Hindi niya masabi kung ano ang nararamdanan nuya ngayon.
Kung nung isang araw ay bukam-bibig niya si Enzo kay Rese pero ngayon...
"Arghh... Hindi ko alam." Nilapag niya ang ballpen sa mesa at sumandal sa upuan.
Huminga siya ng malalim at kinanta ang isa sa mga paborito niyang kanta.
"Is this love
Feeling restless inside
Wanting you to always be my side
I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love"
Wala siyang ideya kung bakit 'yon ang kantang naisip niyang kantahin pero tinuloy niya pa rin.
"I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me... please
Tell me that you also feel
The way that I do-"
Napatigil naman siya sa pagkanta nang may narinig siyang pumalakpak sa harap niya.
Nilamon naman agad siya ng hiya nang makita niya ang isang babae na nakatayo sa harap niya.
"Ang ganda ng boses mo. Sumasali ka ba sa contest?" Agad naman siyang umiling. Nakakahiya.
"Hindi. Hindi ako sumasali sa contest. Hindi rin naman ganoon kaganda ang boses ko. At hindi naman pagkanta ang priority ko. Hobby ko lang ang pagkanta." Bago pa man ito makapagsalita ay tinanong niya agad ang pangalan nito.
"Oh? Janice Madrigal." Nakangiti nitong sagot at nilahad ang kamay. "You can call me nice."
"Nice." Sambit niya. "Bagay sayo." Tinanggap niya ang kamay nito at nakipagkamay.
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
Algemene fictieZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...