"Kilala mo ata 'yon eh," pangungulit ni Rese sa kaniya. Kanina pa siya nito kinukulit na kilala niya 'yong babaeng nakabangga niya.
"Hindi nga kasi." Hindi niya na alam kung ilang beses na niyang sinasabi kay Rese na hindi niya iyon kilala.
Naglakad lang sila dahil ayaw ni Rese na sumakay pa ng sasakyan. Ewan niya ba sa kaibigan niya.
Naninibago lang siya.
Nang makarating sila sa sa café ay siya na ang nagbukas ng pintuan para makapasok sila ni Rese. Nang makapasok sila ay narinig niya agad si Tesa.
"Hi Ganda!" bati nito sa kaibigan niya.
Wala pang customer kaya malaya silang magsigawan sa loob ng café.
"Ganda?" pabulong na tanong ni Rese sa tainga niya.
"Ikaw 'yon," sagot niya.
Ngumiwi lang ito.
"Pinayagan ka na?" Gulat na tanong ni Ma'am Grace na kakalabas lang galing sa counter.
Tumango si Rese.
"Yes po," nakangiting anito.
"Oh! Dahil pinayagan ka na. Syempre, magbihis na kayo bago dumating ang mga customer," sabi ni ma'am Grace at pumalakpak.
Dahil nga bago pa lang si Rese ay sinamahan niya muna itong magbihis. Matapos nilang makapagbihis ay sinabihan sila ni Ma'am Grace na magsimula ng mag trabaho.
Dahil nga napagkasunduan nila ni Mhel na magpalit ay siya ang nasa counter habang si Mhel naman ang kumukuha ng mga order.
"Oh eto ang order ng lalaking 'yon," sabi ni Mhel. Kinuha niya ito at dinala sa loob kung saan ginagawa amg kape. Papasok na sana siya nang tinawag siya nitong muli.
"Samahan mo na rin daw ng tinapay," nakangiting saad nito. Tumango lang siya at nagpatuloy.
Nang makuha niya ang kape at tinapay ay ibinigay niya naman ito kay Mel na naghihintay sa may counter.
Hindi pa man sila nakakarami pero mukhang pagod na siya.
"Hey! I got my first costumer." Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Rese na abot tenga ang ngiti.
"Talaga? Saan?" Tanong niya at nilingon ang likuran nito.
Hahanapon niya sana kung sino ang customer nito nang napansin niya ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng puting T-shirt.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang likurang 'yan. Sa isip niya.
Paano ba naman niya makakalimutan ang unang customer na winalk-outan siya!
Tumalim ang tingin niya dito.
"Hey." Kinuha ni Rese ang atensyon niya.
"Hmmm?"
"Kunin mo na 'yong kape."
Napakilos naman agad siya dahil sa sinabi ni Rese.
Pagbalik niya ay agad niyang binigay kay Rese ang kape.
Hindi niya alam na ganito pala kapagod ang magtrabaho. Kahit na sa counter lang siya ay nakakangalay din dahil pabalik-balik siya sa loob at sa counter.
Bumuntong-hininga siya.
Naningkit ang mga mata niya nang makita si Rese na kausap ang lalaking winalk-outan siya.
Batid niyang kinakausao ng lalaking 'yon ang kaibigan niya dahil bumubuka ang bibig ni Rese, nagsasalita.
Umiling nalang siya at kumuha ng upuan at umupo.
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
General FictionZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...