*18

19 13 2
                                    

"Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong ni Enzo kay Ria. Kanina pa siya nito tinatanong pero ang palagi niyang sagot ay ayaw ko pa.

"Mamaya na." Hindi niya alam pero mas lalong gumaan ang pakiramdam niya sa lugar. "Mukhang magiging paborito ko na ang lugar na 'to."

Mahinang natawa si Enzo sa sinabi niya. Nakahiga na sila ngayon sa damuhan. Nakaunan siya sa braso ni Enzo habang silang dalawa ay nakatanaw lang sa mga butuin na nagniningning.

"Mukhang aagawan mo pa ako, huh?" Biro ni Enzo sa kanya.

Tumawa lang siya at ipinikit ang mga mata. Ninanamnam niya ang lamig at katahimikan ng lugar. Oo, marami na siyang lugar na napuntahan kasama si Enzo pero mukhang sa lugar na ito siya nag-enjoy.

Umalis siya sa pagkahiga at dahan-dahang umupo.

"Kailan tayo makakabalik dito?" Tanong niya.

Gusto niya ulit pumunta sa lugar na ito kasama si Enzo. Tahimik ang lugar at siguradong mawawala lahat ng problema mo kahit sandali.

Umupo na rin si Enzo. Hinawi ang buhok niya at nilagay yon sa likod ng tainga niya.

"Babalik ka pa dito?" Tanong nito.

"Oo naman. Ang ganda dito. Ano nga palang tawag sa lugar na 'to? Para pag gusto kong pumunta, masasama ko si Rese at iba pa nating kaibigan."

Gusto niya rin isama si Ana. Alam niyang may pinagdadaanan ito kaya hindi niya muna inaaya kapag may lakad sila o kaain lang. Gusto niyang mabisita ni Ana ang lugar dahil alam niyang gagaan ang loob nito.

"Sila lang? Hindi ako kasama?" Parang bata na nakanguso si Enzo sa kanya. Mahina niyang natampal ang braso nito.

"Syempre kasama ka. Para kang bata." Mahina siyang natawa. "Ano ngang pangalan ng lugar na'to?"

"Payapa."

Tumango naman siya at dahan-dahang tumayo. Ninanamnam ang sariwang hangin. Gabi na kaya kitang-kita niya ang mga ilaw ng mga bahay na di kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Oo nga. Napaka-payapa nga dito." Nakangiti niyang nilingon si Enzo. Tumayo rin ito saka pinalibot ang mga braso sa bewang niya.

"Kaya nga payapa ang tawag nila dito."

"Payapa? Payapa talaga ang tawag dito?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Enzo.

Mahinang natawa si Enzo saka siya niyakap.

"Oo... Mahal na mahal kita." Bulong ni Enzo sa kanya. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinipigilang kiligin.

Sa halos ilang taong nangliligaw sa kanya si Enzo, hindi pa rin siya makapaniwalang mahal siya nito. Kaya naman, kapag sinasabihan siya nito ng mahal kita ay kinikilig pa rin siya.

Ganoon talaga pag mahal mo ang isang tao. Kahit na ilang taon na kayong nagsasama, hindi pa rin mawawala ang koneksyon ninyong dalawa. Hindi mawawala ang kilig. Ganyan ang pag-ibig.

"Ako rin Enzo. Mahal din kita."

Ilang sandali ay nagyaya na rin siyang umuwi. At habang nasa byahe sila ay pinag-usapan nila ng trabaho niya.

"Marami na ba ang nagpapapinta sa iyo?" Tanong ni Enzo sa kanya.

"Hindi ganoon karami." Sagot niya.

Wala pa siyang napapatayong shop na sa kanya talaga. Mabuti nalang talaga nakahanap agad siya ng shop na mapagtatrabahuan. Doon niya rin dinidisplay ang mga gawa niya. Minsan may kumukuha at bumubili, minsan naman ay pinangdidisplay lang talaga. Naging kaklase niya ang anak ng may-ari ng shop kaya agad siyang nakapasok.

The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon