*14

38 19 15
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Ria habang sinusundan si Enzo.

"Malapit na tayo." Nakangiting anito.

Kunot-nuo naman niya itong tiningnan.

Kanina pa ito ngiti ng ngiti. Wala siyang alam kung bakit ganon ito makangiti.

"Bakit?" Tanong ni Enzo nang mapansing nakatitig siya rito.

Nanliit naman ang mga mata niya.

"Bakit ang saya mo?"

"Kasama kita eh."

Dahil sa sagot nito ay hindi na niya mapagiliang mapangiti.

Si Enzo naman ay mahina lang napatawa.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang huminto si Enzo sa isang kubo. Hindi ito ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit. Kung titingnan pa lang ang kubo ay napakaaliwalas na nitong titigan.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya. Nasisiguro niyang may nakatira sa kubong yan, kaya siya nagtataka.

"Mamaya ko na sasabihin. Pumasok ka sa loob. Tignan mo ang nasa loob ng kubo. Hinatayin mo ako doon malapit sa may bintana." Nakangiting saad ni Enzo.

Siya naman ay alanganing tumango at napakamot sa batok.

Ano na naman kaya ang gagawin nito?

Tinalikuran niya si Enzo at pumasok sa loob ng kubo.

Kung kanina ay napamangha siya napakaaliwalas na tanawin ng kubo, ngayon naman ay mas lalo siyang namangha.

Pagpasok niya pa lang ay bubungad na agad sa kanya ang isang painting ng isang babae.

"Ang ganda." Bulong niya habang papasok.

Nang tuluyan na siyang makapasok ay mas lalo siyang namangha.

Mukhang hindi 'to ordinaryong kubo.

Napakagara ng mga gamit.

Habang naglalakad ay humahaplos ang nga kamay niya sa mga gamit na nadadaanan niya. Halatang inaalagaan at nililinisan ang kubong ito dahil ni alikabok ay wala.

Pumasok siya sa isang pinto.

May maliit na mesa at may mga gamit ito katulad ng mga plato, kutsara at baso.

Siguro ay ito ang kusina.

Nilibot pa niya ang paningin sa huling pagkakataon bago umalis at muling nilibot ang kubo.

Ang akala niya ay maliit lang ang espasyo nito pero mali ang akala niya. Hindi ito ganon kaliit at hindi rin ganoon kalaki. Tamang-tama lang na tirhan.

Napasukan na niya ang lahat maliban sa isang kwarto. Sa pintuan ay may nakaukit na pangalan.

Emilia

Parang pamilyar...

Mukhang narinig na niya ang pangalang 'yan. Ngunit hindi niya mawari kung saan niya ito narinig.

The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon