Hindi ba talaga dadating 'yon? Tanong niya sa sarili habang naghihintay sa isa niyang kliyente.
Napag-usapan kasi nila na magkikita sila sa oras na alas diyes. Maga-alas nuebe imedia na ay hindi pa rin ito dumadating.
"Siguro ay naghahanda pa 'yon," aniya.
Nasa shop siya ngayon at nakaupo lang habang hinihintay si Leah, ang kliyente niya. Hindi niya pa nakita ang kliyente dahil ang ina ni Flor ang kumausap dito. Kaya naman naaaligaga siya kapag naririnig niyang bumubukas ang pintuan ng shop. Hindi kasi nakasara ang pintuan ng silid nila ni Flor kaya naririnig niya kung ano ang nasa labas.
Napabuntong-hininga na naman siya at tinukod ang mga kamay sa mesa. Noong isang araw niya pa natapos ang painting kaya ginawa niya nalang ang mga painting na may commission.
"Wala pa rin ba?" Napaangat siya ng tingin kay Flor.
Sumandal siya sa upuan at umiling.
"Hindi pa eh. Siguro mamaya pa 'yon. Alas diyes ang usapan namin eh."
Tumango lang si Flor saka oumunta na rin sa pwesto nito. Tumayo siya at pinuwesto niya ang upuan paharap sa gawi ni Flor.
"Wala ka pa bang nobyo?"
Nabilaukan sa sariling laway si Flor. Natawa siya sa reaksyon nito.
"Grabe ka naman maka-react," natatawa pa ring aniya.
"Pabigla-bigla ka kasing magtanong." Umirap ito. "Wala pa, syempre."
"Eh? Anong kabigla-bigla d'on?" Tumawa pa siya.
Umirap lamg ito pagkatapos ay umiling.
"Wala pa. Ayaw ko pa."
"Bakit naman? Nasa tamang edad ka na naman," aniya.
"Wala pa talaga 'yon sa plano ko eh." Bumuntong-hininga ito. "Siguro kung may dadating, tatanggapin ko siya. Kung wala, eh 'di wala."
"Sana makahanap ka na. Sa ating tatlo," nilingon niya rin si Jeks. "Ikaw nalang ang wala pang karelasyon."
"Hindi naman required, 'di ba?" Lumabi pa ito.
Tumawa silang dalawa ni Jeks. Mayamaya pa ay napatigil sila nang may kumatok.
"Nandito po ba si Ms. Jimenez?" tanong ng babae. Agad siyang tumayo. Baka ito na ang kliyente niya.
"Ako po 'yun. Maupo po kayo," aniya. Umupo ang babae sa harap niya. "Ikaw po ba si Ms. Leah?"
Tumikhim ang babae at nilahad ang kamay.
"Yes. I'm Leah Penecilla." Tinggap niya ang kamay nito.
"Teka po. Kukunin ko lang ang painting," paalam niya. Tumayo siya at tumungo kung saan niya nilagay ang painting. Nang makita na niya ay agad niya itong dinala kay Leah.
"Sana po magustuhan mo," nakangiting aniya.
"Oo naman. Hindi na dapat 'yan tinatanong. Syempre, magugustuhan ko. Hindi naman siguro ako magapapapinta kung hindi ka magaling magpinta."
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
Fiction généraleZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...