*19

10 12 0
                                    

"Tapos ka na?" Tanong sa kanya ni Flor. Siya ang anak ng may-ari ng shop na pinagtatrabahuan niya. Naging kaklase niya rin ito nung siya ay second year college.

"Ah... Oo. Ikaw ba?" Tanong niya rin pabalik. Maingat niyang pinasok sa kahon ang mga gamit niya sa pagpipinta. Itinabi niya muna ang pininta niya at nilapitan si Flor nag nag-aayos din ng gamit.

"Hindi ko pa nga tapos." Buntong-hininga nito. Kumunot ang nuo niya sa sinabi nito.

"Hindi ba't sa susunod na araw na 'yon kailangan?" Tanong niya. Hindi kasi niya sinadyang marinig ang usapan ng nagpapagawa nuong isang araw.

"Kaya nga eh. Tumawag kasi si Mama. May emergency daw." Sabi nito.

"Kung gusto mo ako nalang tatapos nung painting." Alok niya. "Tapos na rin naman ang sa akin. At saka sa susunod na araw pa rin 'yon kukuhanin."

Nginitian niya ito ng matamis para pumayag ito. Baka kasi hindi nito matapos dahil sa pagod.

Ngumiti rin si Flor sa kanya at umiling.

"Hindi na... At alam kong pipilitin mo ako kaya talagang hindi na. Kaya ko naman. At saka may sasabihin lang si Mama sa akin. And... patapos ko na rin naman siya." Nilingon nito ang painting na nasa likod niya kaya napalingon din siya. Oo nga, patapos na.

Tinanguan niya na lang si Flor saka tinapik ito sa balikat.

"Kapag kailangan mo ng tulong, pwede ako. Tutulungan kita."

"Alam ko naman 'yan. Palagi mo 'yan sinasabi sa akin eh." Mahina itong natawa.

Nagpaalam na sa kanya si Flor kaya niyakap niya nalang ito bilang paalam. Siya naman ay bumalik sa pwesto niya. Matapos niyang naligpit lahat ng gamit niya au nilagay niya ang mga kahon sa kabinet. May mga bata rin kasing pumunta sa shop nila para tingnan ang mga paintings na naka display kaya sa kabinet niya nilalagyan. Baka kasi madadaganan ng mga bata.

Mabait talaga ng mga magulang ni Flor. Hindi siya minamadali sa paggawa. Kapag may nag rereklamo tungkol sa kanya ay ang magulang no Flor ang unang kakausap. Kaya lahat ng nagpapagawa sa kanya ay hindi siya nakakausap. Nakakausap niya labg ang mga ito kapag pupunta sila sa shop para magpapapinta.

"Ang kalat naman. Hindi ba nakapag-linis si Esang?" Tanong niya sa kawalan nang mapansin ang mga kalat sa sahig. Mayroon din sa mesa.

Si Esang ang tagalinis nila sa shop kaso mukhang nakalimutan nito na linisin ang silid nila. May apat na silid ang shop. Sa apat na 'yon ay may tig-tatatlong tao na gumagamit. Si Flor at Jeks ang kasama niya sa isang silid.

Bumuntong-hininga nalang siya at kinuha ang walis. Sinimulan na niyang linisin ang pwesto ni Flor. Nang malinis na niya ay ang kay Jeks naman ang sinunod niya.

Wala si Jeks ngayon dahil nagpaalam itong hindi muna makakapasok dahil manganganak na ang nobya nito.

Matapos niyang malinis ang kay Jeks ay ang pwesto naman niya ang nilinis niya. Wala na masyadong kalat dahil nilinis na niya ito kanina habang nagliligpit. Nang matapos na talaga siya sa paglilinis ay kumuha naman siya ng maiinom.

Ano na naman ang gagawin ko?

Wala siyang gagawin sa pag-uwi. At sinabihan na rin siya ni Enzo na hindi siya nito masusundo dahil natambakan ito ng trabaho. Sinabihan niya na lang ito na magpahinga at hindi na siya nito susunduin bukas para hindi ito mapagod.

The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon