*03

39 27 1
                                    

"Ayaw niyo po ba sa kape?" tanong niya.

Kung ayaw niya sa kape bakit ito ang inorder niya?

Hindi niya alam ang gagawin dahil baka bigla na naman siya nitong singhalan.

Habang hinihintay ang sagot nito ay tinititigan niya ang mukha ng binata.

Matangos ang ilong nito at may mapulang labi. Makapal ang kilay at ang mga mata nito ay nakakaakit.

Napaatras siya nang bigla itong tumayo at lumabas ng café.

Ano ba ang ginawa ko? Tanong niya sa sarili.

Napatitig siyang muli sa pintuang nilabasan ng binata. Siguro ay hindi maganda ang pakikitungo niya dito.

Pero anong masama sa ginawa ko? Tanong niyang muli.

Lumapit lang naman siya dito at binati bago kuhanin ang order. Tapos no'ng pagbigay ng order bigla nalang nitong kinabig ang kape.

Bumuntong-hininga nalang siya at inayos ang natumbang tasa. Kinuha niya ang pamunas at sinimulang punasan ang lamesang nabasa ng kape.

Mukhang hindi ganoon kaganda ang unang araw niya sa trabaho.

Bumuntong-hininga na lang ulit siya at inayos ang lamesa at ang upuan.

"Riana," tawag ng may-ari ng café sa kaniya kaya biglang umusbong ang kaba sa dibdib niya.

Unang araw niya ngayon sa trabaho tapos may napaalis na kaagad siyang customer.

Agad siyang pumunta sa counter at sinalubong ang may-ari ng café.

"Ma'am sorry po! Hindi ko po alam kung anong ginawa ko para umalis siya. Sorry po talaga. Pangako po... Sa susunod po na kukuhanan ko ng order ay aayusin ko na po," aniya habang nakanguso.

Hindi niya alam ang gagawin kasi ito ang unang trabahong pinasukan niya. Gusto niyang habulin ang binata at humingi ng tawad sa kung ano man ang nagawa niya kaso baka mas lalo pa itong magalit sa kaniya.

"Ria, okay lang 'yon. Actually, kada hapon siya nandito. I can say that he's our loyal customer," anito.

Mas lalo siyang nanlumo.

"Hala ma'am! Sorry na po talaga. Hindi ko po alam! Nang dahil po sa akin nawalan kayo ng isang customer," sabi niya.

Hindi siya makapaniwalang nakapaalis siya ng customer na palagong pumupunta sa café na pinagtatrabahuan niya.

Nawala ang pag-aalala sa mukha niya nang marinig niya ang pagbungisngis ni Ma'am Grace.

"Ma'am?"

"Naku, hija! Hindi mo kailangang mag-sorry. Ganon lang talaga 'yon. Actually, hindi lang siya ngayon nag walk out. Saksi ang iba mo pang katrabaho non. Wag kang mag-alala... Pero ano bang sinabi mo sa kaniya?" tanong nito.

"Tinanong ko lang naman ho siya kung ayaw niya sa kape kasi tinumba niya po yong tasa eh. Tapos 'yon po... Umalis siya," sabi niya na parang batang nagsusumbong.

"No. Not that. Nong kinuha mo 'yong order niya. Anong sinabi mo?" tanong ulit nito.

"Uhmm... Binati ko po siya ng Magandang hapon tapos pagkatapos kong kunin ang order niya sinabihan ko rin siya ng enjoy kasi naririnig ko 'yon kay ate Tesa kanina sa customer eh," kunot-nuo niyang sagot.

Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang balikat niya. Sinabayan niya ito sa paglalakad.

"Alam mo kasi, 'yong lalaking 'yon palaging nakabusangot at parang dala-dala niya lahat ng problema ng tao." Mahina itong natawa kaya natawa din siya.

The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon