"Hanggang kailan ba kayo hindi magpapansinan, ah?" tanong sa kanya ni Ana.
"Bahala siya."
Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin sila nag-uusap ni Enzo. Ang huling balita niya rito ay muli na naman itong bumyahe palabas ng bansa. Hindi nga lang niya alam kung saan.
"Ria, patawarin mo na kasi. Alam mo bang kinukumusta ka niya sa amin?" tanong nito na para namang hindi niya alam.
Syempre, alam niya. Rinig na rinig niya ang pag-uusap ng dalawa kapag mangangamusta si Enzo. Patatawarin niya rin naman si Enzo pero hindi rin mawala sa isip niya ang sagot nito. Basta! Sa sobrang babaw niya sa lahat ng bagay, nag-away pa sila ni Enzo.
"Ano naman ngayon? Ayaw ko pa siyang maka-usap ngayon kaya manahimik siya," wika niya. Nasa bahay siya ngayon ni Ana. Kasama rin nila si Mhel kaso wala itong ganang lumabas ng kwarto.
"Pero sa totoo lang, kung ako rin ang nasa position mo, I will probably get mad at Lester if ever 'yon ang magiging sagot niya. Cheating is really bad. And it's really... really... really not part of those problems or pagsubok na kailangan maraanan ng isang relationship." Binigyan siya nito ng juice. "Pero patawarin mo na siya. Alam ko namang hinding-hindi niya magagawa sa'yo ang bagay na 'yon."
Hindi niya pinansin ang mga sinabi Ana. Nanood lang naman ng palabas si Ana kaya kumuha siya ng isa pang baso at umakyat sa kwarto kung saan naroon si Mhel.
Wala talagang nakaiintindi sa kanya.
Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok sa silid. Nakita niyang may hawak na papel at lapis si Mhel.
"Mhel," tawag ni Ria rito. Nilapag niya sa isang lamesa na nasa tabi lang ng kama ni Mhel ang tray.
Dahan-dahan siya nitong tiningala.
"Kumain ka muna." Tinuro niya ang tray na nasa mesa.
Hindi ito pinansin ni Mhel. Naalarma naman siya nang biglang lumuha.
"Hoy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ria.
"Sorry, Ria," saad nito.
"Huh?" Naguguluhan siya. Bakit ito humihingi ng tawad? "Anong nangyari? Bakit ka nagso-sorry?"
Dinaluhan niya ito at hinagid ang likuran. Sa sitwasyon ni Mhel ay mas lalong lumungkot ang silid. Medyo madilim at mainit dahil ayaw ni Mhel na buksan ang ilaw ay electric fan.
"Sorry. Sorry talaga." Kumunot ang noo niya.
"Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang ginawang masama sa'kin," pag-aalo niya.
Gusto niyang tanungin kung ano talaga kasi naalarma siya sa pag-iyak ni Mhel.
Humihikbi siya nitong hinarap.
"Sorry kasi nag-away kayo ni Enzo dahil sa nangyari sa amin ni Rex. Sorry, Ria."
Biglang yumakap sa kanya si Mhel. Patuloy pa rin ang pag-iyak nito. Siya naman ay napakurap sa sinabi ni Mhel. Paano nito nalaman? Narinig ba nito ang pag-uusap nila ni Ana kanina?
Humiwalay siya kay Mehl at pinunasan ang luha nito. Halos hindi niya na makilala ang kaibigan niya. Ang ilalim ng mga mata nito ay medyo umiitim na sa kapupuyat. Namamayat na rin ito dahil ayaw nitong kumain.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.
"Mhel, hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan."
Sunod-sunod naman itong umiling.
"Kung hindi nangyari 'yon sa amin ni Rex, sana hindi kayo nag-away dalawa. Kaya Ria, sorry," humihikbi nitong saad. Bigla siya nitong niyakap nang mahigpit habang humagulgol.
BINABASA MO ANG
The Secrets Of The Story I Wrote (ON HOLD)
General FictionZyra Mariz Sandoval is a writer. She write because that's the only way to express her feelings. Hindi naman sa walang nakikinig sa kanya, pero hindi lang talaga siya nasanay dahil hindi siya sinanay. One day, her mother tells her a story. A love sto...