CHAPTER NINE (PART 2)

514 8 1
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

NOTE: Hindi ko na po isusulat ang POV ni Paula... ahihihi. Malapit na siyang matapos eh..

______

"Noong sinapian ka, maaaring ikaw nga ang naglagay mismo niyan sa computer files mo, Jam." nakakunot-noong sabi sa akin ni Jonel. Pumunta din siya sa amin kasama si Karlie noong pinapunta ko si Karlie dito. Ang tinutukoy niya ay ang mga pictures.

"Kailangan na nga natin talagang tanungin si kuya Jayson tungkol dito." natatakot na sabi ni Karlie.

"Tama ka diyan Karlie. Dahil si Jam na ang napapahamak dito." -Jonel.

"Salamat sa inyong dalawa ah.. maraming maraming salamat. Hindi ko kasi kayang sabihin kay mommy ang lahat dahil natatakot akong baka hindi siya maniwala sa akin eh. Pero kayo, noong sinabi ko ang tungkol sa lahat ng ito, nandiyan na kayo para sa akin sa umpisa pa lang." hindi ko na napigilan pang umiyak sa harapan nila. Parang gusto ko na lang mamatay. Parang gusto ko na lang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan ko.

Inalo naman nila akong dalawa. "Okay lang yan Jam. Kaibigan mo kami kaya nandito kami para sayo." -Jonel.

"Oo nga Jamillah. Kaibigan mo kami kaya kami nandito. Pero... excuse lang ah.. naiihi na talaga kasi ako eh.." tinignan namin si Karlie habang lumalabas siya ng kuwarto ko. Pagkalabas ni Karlie, binalingan ko si Jonel.

"Salamat ah.. malaki ang tulong mo sa akin Jonel." ngumiti ako sa kanya. Pero siya, nanatili lang siyang seryoso.

"Ilang beses mo nang sinabi yan Jam. Okay lang talaga. Saka kahit hindi ka manghingi ng tulong, tutulungan pa din kita kasi..." hindi niya naituloy ang sinasabi niya.

"Kasi ano Jonel?"

"Ahm... wala. Alam mo namang maasahan mo kami ni Karlie di ba?"

"Oo naman. Kaibigan ko kayo eh."

"Jamillah... may itatanong sana ako sayo."

"Ano?" umupo siya sa katabing upuan ko.

"Sagutin mo huh?"

"Oo ba. Ano nga ba yun?"

"Mahalaga ba ko sayo?" sabi ni Jonel sa mababang tinig. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko nang itanong niya sa akin yun. At the same time gusto kong matawa. Kasi, bakit ako makakaramdam ng ganung feeling sa ganitong sitwasyon?

"Bakit mo naman naitanong?" balik-tanong ko sa kanya.

"Basata, sagutin mo na lang please?" pakiusap niya.

"Oo, mahalaga ka sa akin." mabilis kong sagot na nagpangiti sa kanya.

"Thank you." sabi niya.

"Saan?"

"Dahil mahalaga ako sayo."

Natawa ako sa sinabi niya. "Nagpasalamat ka dahil mahalaga ka sa akin? Jonel, you're acting weird huh... natural na mahalaga ka sa akin, hindi mo na nga dapat itanong yun eh. Mahalaga ka, natural kaibigan kita. At alam ko namang ganun din ako sayo di ba? Kaya nga tinutulungan mo ko sa mga problema ko. At ang problema ko ngayon ay hindi isang pangkaraniwang problema lang pero lagi kang nandiyan."

"Pero paano kung sabihin ko sayo na--"

"Hello ulit sa inyo!!! Oh, anong pinaguusapan ninyo?" putol ni Karlie sa sasabihin ni Jonel.

"Wala lang. Ang tagal mo kasing umihi eh." natatawang sabi ko.

___

"Lets go crazy crazy crazy 'till we see the sun....!!" nakikinig ako sa car stereo ko habang nagmamaneho ako. Papaunta ako sa apartment ni Jayson, my longtime boyfriend. Mayroon kasi kaming dinner date tonight sa apartment niya na siya mismong naghanda para sa akin.

Im so excited kasi ngayon lang ulit kami makakapag-date. Sobrang busy na kasi namin ngayon kaya minsan na lang kami magkita. Pero hindi pa rin kami nawawalan ng communication sa isa't-isa. We love each other para  mawalan kami ng communication. At ayoko siyang mawala sa buhay ko. I want him in my life until forever.

Sobrang hirap nang pinagdaanan ko para lang maging akin ang buong atensiyon niya at ang pso niya. 'Sounds corny pero mahal ko siya pero hindi niya ko mahal. Dati. Pero mga bata pa kami nun kaya parang balewala lang sa akin ngayon yun. Ang pagmamahal niya kay Clarity ay isang malaking laro lang, I swear. At siguro, malaking pasasalamat na din kay Clarity dahil napasa-akin si Jayson. Para siguro talaga kami sa isa't-isa.

At kung nasaan man ngayon si Clarity, rest in peace na lang para sa kanya.

Bigla akong napapreno nang marinig kong may tumawa na isang babae. Nanggaling yun sa car stereo ko. Pero paano?

Nanlaki ang mga mata ko nang may magsalita sa stereo:

AKIN LANG SIYA. KAYA PAPATAYIN KITA!

Dahil sa sobrang shock ay pinatay ko ang stereo. Hindi magandang biro yun. Pero paano? Paanong parang boses ng isang dalagita yun? For Pete's sake!!!

AHAHAHAHAHAHAHAHA... PAULA. HINDI MO KO MATATAKASAN DAHIL PAPATAYI KITA.

Pinatay ko na ang stereo pero bakit may nagsasalita pa din?

"Sh*t!!! Tigilan mo ko! Hayup ka! Sino ka ba huh?!!!" sigaw ko. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse ko pero ayaw niyang mabuksan. Sinubukan ko ding buksan kahit ang bintana pero nakasara din ang mga yon.

Sa paningin ko, unti-unting luminaw ang isang imahe ng isang dalagita na nakaupo sa tabi ko. At ang dalagitang yun ay walang iba kundi si...

"Clarity!!!!??? Paanong--"

Nakangiti siya. Ang uri ng ngiti na kikilabutan ka. Gusto kong sumigaw pero parang ayaw ng boses kong lumabas. Isang multo ngayon ang nasa harapan ko! Bullsh*t!!!

"Bakit Paula? Nagulat ba kita masyado? Huwag kang mag-alala, papatayin lang naman kita. Dapat tinandaaan mo ang sinabi ko sayo dati: akin lang siya Jayson pero inagaw mo siya!!! Inagaw mo si Jayson!!!!"

"Clarity! Patay ka na! May sariling buhay si Jayson at hayaan mo na kaming maging masaya!!" naiiyak kong sabi.

"Maging masaya? Aahhahahahahaha!!! Sa akin lang siya magiging masaya. Hindi sayo, hindi sa iba!!! Sa akin lang!"

Sinubukan kong tumawa para hindi mahalata na natatakot ako. "Ahahahaha! Nakakaawa ka, Clarity. Patay ka na nga, possesive ka pa rin sa hindi mo na pag-aari! Pumunta ka na sa impyerno! Huwag mo nang isama si Jayson!!! Hayop!!!"

"Oo, Paula. Pupunta na ko sa impyerno. Kasama ka at ang lahat ng susubuking agawin sa akin si Jayson. Magsama-sama tayong lahat."

LATER...

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon