CHAPTER SEVEN

542 9 4
                                    

ALL RIGHST RESERVED 2012

NOTE: Thanks ng marami kay ate @yourmhiineonlymhiine sa pagbabasa ng story ko at sa pag-comment sa previous chapter ^____^ Nagulat po kasi ako kasi may time pala po kayong magbasa ng ganitong stories, at sobrang thankful ako :))xx This chapter po is dedicated para sayo ^^

********************************************

Bigla akong napaatras sa nakita ko. Sobrang kinakabahan ako dahil heto na naman, may kakaiba na namang nangyayari sa akin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero pagkatapos ng ilang kusutan, wala, nandoon pa din ang nakasulat na yun.

Ngayon, alam ko na, hindi lang ako basta pinagti-tripan ng kung sinuman. Mukhang galit yata siya sa akin at gusto niya akong lumayo kay sir/kuya Jayson. Pero bakit?

Napapikit ako ng mariin nang may maramdaman akong malamig na hangin na humaplos sa magkabilang mga braso ko. Kinilabutan ako. Pero mas lalo yata akong natakot at parang gusto ko nang maglaho nang maramdaman kong may malamig na hangin na tumama sa gilid ng leeg ko. Ayokong dumliat. Baka ano pa kasi ang makita ko.

Nanginginig ako sa sobrang takot nang biglang may narinig akong bumulong sa tenga ko.

Layuan mo siya... akin lang siya...

Napaiyak na ko dahil sa sobrang takot. Pero ni hindi ko magawang sumigaw o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Sino ka?" pinilit kong magsalita at kumausap ng isang... multo?

Pero hindi siya sumagot at tumawa lang siya. Yung uri ng tawa na parang may masamang binabalak. Napadilat ako nang makarinig ng katok sa pintuan ng Cr.

*toktoktok*

Agad-agad kong binuksan ang pinto at lumabas doon. Ang kumatok pala ay ang mapeh teacher namin.

"Okay ka lang ba talaga Jamillah?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Okay lang po ako ma'am. Medyo nahihilo lang ho ako." pinigilan kong magpakita sa kanya ng takot.

"Sige, umupo ka lang muna sa tabi ko at huwag ka munang maglaro, okay?" tumango na lang ako. Pagkadating namin sa covered court naguumpisa na silang maglaro. Ako naman, iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Kung sino ba ang babaeng yun. Hindi kaya siya ang nagpakita sa amin ni Karlie noon sa picture?

Hindi ko namalayan ang oras. Narinig ko na lang na nag-bell na at recess na namin. Kaya naman dire-diretso lang akong tumayo at pupunta na ko sa canteen. Parang lutang ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ba ang reality sa mga nangyayari sa akin. Ano ba dun ang panaginip lang?

Or worst, lahat ng yun ay hindi ko lang panaginip. Oo, alam kong hindi talaga ako nananaginip pero sana panaginip lang ito lahat. Ang alam ko, wala naman akong kasalanan sa kahit na sino ah. Lalong-lalo na sa isang patay at multo na?! At saka, ano yung sinasabi niyang layuan ko na si kuya Jayson?

Lord, ano bang ibig sabihin ng lahat ng ito?

...

...

...

"Ouch!" napasigaw ako dahil bumagsak ako sa sahig sa lakas ng impact ng nakabunggo sa akin. Tumingin ako sa isang babaeng maganda at halatang nagulat din siya.

"So-sorry!" sigaw niya bago ako tulungang tumayo.

Nginitian ko siya pagkatayo namin. "Okay lang po ate." sabi ko.

"Okay ka lang ba? Sorry kasi nagmamadali ako eh! Sorry huh?"

"Okay lang po talaga. Hindi din naman po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh."

"Sorry pa rin. Uhm.. para makabawi naman ako, i-treat kita. Kain tayo tutal recess na naman eh." ngumiti sya.

"Ay! Hindi okay lang po."

"By the way, I'm Cheska. Ikaw?"

"Jamillah po, ate."

"Sige na Jamillah, sama ka na sa akin, treat kita! Ganti ko na sayo to:))"

"Sige na nga po." sa huli, pumayag na din ako dahil naguugutom na din ako. Pero hindi pa din maalis sa akin ang nangyari kanina. Medyo naginginig pa nga ako eh.

Pagkadating namin sa canteen, umorder kami. Siya na ang pinapili ko. Nagtanong ako sa kanya kung anong year na siya dahil hindi ko pa nakikita ang mukha niya sa school dati.

"3rd year na ko. Saka transferee lang ako kaya bago lang ako dito." sagot niya. Napansin ko sa kanya na sobrang puti niya. Nakakahiya ngang tumabi sa kanya dahil para akong nasunog na atay kung ikukumpara mo sa kulay ng skin niya.

"Ahh.. kaya po pala hindi kayo familiar.." tanging nasabi ko.

CLASSROOM...

"Jam!" sigaw sa akin ni Karlie pagkapasok ko sa room. Katatapos lang ng recess at mabuti, wala pa ang English teacher namin. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap ah!"

"Ah? Sa canteen. Nilibre ako ni ate Cheska." umupo kami sa magkatabi lang na upuan namin.

"Sino yun?"

"New friend."

"Ow? Teka- okay ka lang ba kanina? Wala kasing umamin kung sino ang nagbato sayo ng bola kaya minus 10 na lang kami sa quiz bukas sabi ni ma'am."

"Wala naman talagang aamin Karlie eh. Kasi, wala sa mga kaklase natin ang nagbato nun, sa tingin ko." parang wala sa sariling sabi ko kay Karlie.

"Paano mo naman nasabi? Sino naman ang magbabato sayo nun?" nagtatakang tanong ni KArlie.

"Kasi, kanina sa Cr may hindi magandang nangyari."

"Ano yun?!"

"Noong hinugasan ko ang ilong ko, may kumakalabog sa pintuan ng mga cubicle. Pagkatangin ko sa loob ng ikalawang cubicle, may nakasulat sa dingding na layuan mo si Jayson gamit ang dugo."

"WTF!!! Huh? Paano nangyari yun?"

"Hindi ko alam. Tapos may narinig akong bumulong sa tenga ko na sa kanya lang daw si kuya Jayson. Anong ibig sabihin nun? May kaugnayan si kuya Jayson sa lahat ng nangyayari sa akin?"

"Posible." napalingon kami kay Jonel na nakikinig pala sa usapan namin. "Kailangan na kita dalhin sa bahay namin para malaman kung ano ang nangyayari sayo. At para na din mapatunayan na natin kung may sumapi sayo."

"Bakit ba kasi kailangan sa bahay nyo pa Jonel?" -Karlie.

"Wala pa akong masyadong alam tungkol sa mga ganito. Ang tatay Ambo ko ang maraming alam tungkol sa mga ritwal-ritwal."

"Ang tatay mo?" tanong ko. Akala ko kasi si Jonel mismo ang may alam.

"Oo. Ayoko sanang sabihin to, pero hindi ko siya totoong tatay. Ampon niya lang ako. At tinuruan niya lang akong mga kaalaman tungkol samga ganitong kaso. Wala sanang makakaalam na iba."

O_____O

O_____O

"Oo naman. Maaasahan mo kami. Pero kailangan ko munang alamin kung anong kababalaghan ang nangyayari sa akin." sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat. Hindi na lang namin pinahalata ni Karlie yun.

"Mamaya, pupunta na tayo sa bahay namin. Agad-agad. Hindi na maganda ang nangyayari sayo. Sinasaktan ka na niya." -Jonel.

"Pero siya din ba ang babaeng nagpakita sa atin sa picture?" tanong ni Karlie.

"Ayun ang hindi ko alam, Karlie. Pero aalamin natin."

LATER...

:))XX

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon