CHAPTER ONE

1K 14 5
                                    

CHAPTER ONE

ALL RIGHTS RESERVED 2012

***************************************************************************************

(YEAR 2012)

Ehem! Magpapakilala nga pala ako sa inyo. Ako si Jamillah. 13 years old in age at second year highschool na ko. Natural lang naman sa mga kabataang tulad ko ang maadik sa mga social networking sites like Twitter, Facebook, Tumblr at marami paangg iba...

I'm always online, ALL DAY and ALL NIGHT. Nagkaroon na nga ako ng eyebags kakapuyat ko. Sobrang nakakalibang kasi talagang magfacebook, mag-twitter, maglaro ng mga online games. Haayyy... Ang sarap ng buhay!

Kaso, ngayon... NGANGA!

Sira kasi ang computer namin. Siguro dahil sa over use na siya. At yan ang karma ko.

Mabuti na lang at mabait si mommy. Binili niya ko ng bagong computer. Kahit second hand lang yun, pahahalagahan ko na siya. Dahil ayoko ngumanga ulit buong araw dahil sira ang computer! May time limit na ko para gamitin yun, pero dahil may sarili akong kuwarto... hindi nakikita ni mommy na nagpupuyat pa rin ako.

GALING-GALING!!!

************************************************************************************

(YEAR 2005)

Isang malagim na pangyayari ang bumulabog sa mga nakatira sa isang lugar na yun sa Quezon City. Isang 13 anyos na dalagita ang natagpuan sa kuwarto niyang duguan at wala nang buhay. Walang saplot ang pangibabang katawan nito at laslas ang leeg.

Sinasabi ng mga pulis na tanda yun na ginahasa ang babae at pagkatapos ay pinatay.

Ang babae ay si Clarity. Sinasabi ng mga magulang niya na iniwanan nila ang kanyang anak kasama ang driver na si Mang Ambo at ang katiwala nilang lalaki na si Francis. Isa sa dalawa ang pinaghihinalaan nilang gumahasa sa kanilang anak.

Pero may isang matinding ebidensiya na hindi nila nakita. Ang lahat ng mga pangyayaring yun ay nakunan ng video, habang ginagahasa si Clarity at noong siya patayin. The suspect deleted the video. Para wala nang makita pang ebidensiya ang mga pulis kung paano niya binaboy ang dalagitang si Clarity at kung paano siya gumawa ng kasalanan na labag sa batas ng tao at ng Diyos.

Parehong nawala na parang bula ang dalawang pinaghihinalaan. At hindi nila alam kung sino ba sa mga ito ang tunay na salarin.

(04:45 PM; JUNE 23, 2005; Clarity's House [her room])

PICTURE dito...

PICTURE doon...

PICTURE sa lahat ng sulok ng kuwarto. Yan ang hilig niyang gawin, yan si Clarity. Gustong-gusto niyang mag-pose ng mag-pose hanggang magsawa siya. Wala naman kasi siyang magawa sa bahay nila, eh. Lagi kasing wala ang mga magulang niya na parehas nagtatrabaho. Wala din siyang kapatid. Lahat ng gusto niya kaya niyang bilhin pero salat siya sa pagmamahal.

Well, nevermind. Ayokong mag-drama sa ngayon. Masyado nang madaming luha ang nasayang ko. Lalo na kabe-break pa lang namin ng ex ko na si Jayson. Kaya imbes na magngangawa, picture-picture na lang.

Lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng tubig. Nakakauhaw kasi talaga dahil maalinsangan ang paligid. Pagkalabas niya sa kuwarto niya ay nakita niya si kuya Francis na may hawak na cell phone at may itinetext.

" Oh, Clarity. Gusto mo bang kumain? Ibibili kita ng meryenda. " nakangiting sabi nito.

" Hindi, wag na kuya Francis. It's too late to eat my meryenda. Nakapagsaing ka na ba? "

" Oo. "

" Ahh.. okay. Kukuha lang ako ng tubig. " kumuha nga siya ng tubig. At pabalik na sana siya ng kuwarto niya ng tawagin siya ni kuya Francis.

" Clarity... " he said with a husky voice. Kinilabutan naman si Clarity, para kasing nag-iba ang titig sa kanya ni kuya Francis kaya hindi na niya ito pinansin at tumuloy na sa kuwarto niya.

*gulp*

Bigla-bigla ay kinabahan siya. Kaya ini-lock niya ang pinto ng kuwarto niya. Binuksan ang computer, kinuha niya ang webcam at nag-video siya. Ilalabas niya ang lahat ng sama ng loob niya kay Jayson sa pamamagitan ng video na yun.

" Mahal pa rin kita, Jayson kahit na iniwan mo ko. Sobrang mahal na mahal pa din kita! Bakit mo ko nagawang lokohin? Minahal naman kita, ah... Kulang pa ba yun? " hindi na niya napigilan pang umiyak. Sobra talaga siyang nasaktan kay Jayson. Napahid niya ang luha niya ng makarinig ng katok sa kuwarto niya. At nagulat siya sa narinig na boses.

" Clarity... please open up the door. Let's talk. "

Si Jayson!!!

Lumapit siya sa pinto upang buksan.

Dapat talaga silang magusap ni Jayson.

********************************************************************************************

A/N: bitin ba? Ahahahahaha ^________________^ Sinali ko na si Jayson Taps sa story.




EDITED. 2017

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon