CHAPTER 2 (PART 1)

861 12 12
                                    

CHAPTER TWO (PART 1)

ALL RIGHTS RESERVED 2012 

*************************************************************************************

Binukasan ni Clarity ang pinto at pinapasok niya si Jayson. Umupo sa kama si Jasyon at umupo naman si Clarity sa harapan ng computer. At di niya namalayan na nakabukas ang webcam.

At biglang tumayo si Jasyon at hinawakan niya ang balikat ni Clarity,

"Clarity... "

"Bakit ka pumunta dito? " humarap bigla si Clarity habang may luha siya sa kanyang mata.

"Pumunta ako dito para humingi ng tawad at ng second chance sayo. Sorry sa nagawa kong pakikipaghiwalay sayo. Nainis lang ako sayo noong gabing inaway mo ko. Hindi naman totoong niligawan ko si Paula, may gusto lang siya sa akin at ginawa niya lang yun para magkahiwalay tayo. Please forgive me, ayokong nakikitang nasasaktan ka. I'm the one who's hurting whenever I see you crying. " hindi sumagot si Clarity, umiiyak lang siya habang nagsasalita si Jayson.

Biglang lumuhod sa harapan niya si Jayson. " Please, Clarity, forgive. I don't wanna really hurt you. Please talk to me! I'm begging you... You know how much I love you... "

"So-sorry... naging selosa ako kahit wala naman akong dapat pagselosan. Naging mahina ang utak ko sa pagintindi sayo. You know how much I love you too, Jayson... Parehas tayong biktima ng pangyayaring ito, walang may kasalanan sa atin dahil nagmamahalan lang naman tayo ng tunay. Let's give ourselves a second chance to show each other how much we love each other. " bigla niyakap ni Clarity si Jayson. Miss na miss na rin kasi niya ito. At sobrang mahal na mahal niya ito.

"So, tayo na ulit? " nakangiting sabi ni Jayson habang yakap si Clarity.

"Oo. Hindi ko naman kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko... "

Hindi nila alam na may nakikinig sa kanilang pag-uusap . At lubos na nasasaktan ito sa mga narinig niya. Parang hindi nito kayang marinig ang paguusap nila Clarity at Jayson...

At taong iyon ay si...

Kuya Francis!




********************************************************************************************

(Present Time: Jam's house)



Simulang dumating ang set na computer ni Jamjam ay ginamit na niya ito. At simula nang ginamit nilang dalawa ni Karlie ang webcam ay may kakaibang nararamdaman sila. Na parang may kasama sila sa kwarto.

Heto, kasama nila si Jonel.Ang classmate nilang maraming alam tungkol sa kababalaghan. Sinama nila ito sa bahay nila para malaman nila kung may masamang espiritu sa kuwarto ni Jam.

" Oh, ano, Jonel? May naramdaman ka bang kakaiba sa kuwarto ko? " tanong ni Jamjam.

"Wala naman akong nararamdamang masamang espiritu pero parang laging may nakamasid sa atin at nakikinig..." sagot nito.

"Pero may nakita talaga kami na isang babae! Nakuhanan pa nga namin ito sa webcam eh! " sabat naman ni Karlie.

"Nakuhanan ninyo sa webcam? Pwede ko bang makita ang larawan? " namamanghang tanong ni Jonel. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng istoryang ganito...

"Oh, sige! Pinadevelop pa nga namin eh! " kinuha ni Jam ang litrato at ibinigay kay Jonel.

"Nasaan ang sinasabi ninyong babae? Wala naman! Sigurado ba kayo sa sinsabi ninyo? "

"Sure na sure kami! Ayan nga ang ebidensiya! Ayan ayan ayan, oh!!! " turo ni Karlie sa picture.

"Oo nga, Jonel. Hindi mo ba nakikita? Bulag ka ba? Ayan na nga oh! " tinuro din ni Jam ang babae sa litrato. Ngunit wala talagang nakikita si Jonel. Parang ang weird na ng mga kaklase niyang ito, nasabi niya sa sarili niya. Pinaglololoko lang nila ata ako eh.



********************************************************************************************

A/N : Kasama ko si Clarity gumawa ng chapter na 'to!!! Mabuti at hindi niya ko tinatakot ^________^ Pinakikilig niya pa ko!!! Bwahahahahahahahahah!!!

thanks sa mga readers ... Andidito na yung character ni Jonel xDD



EDITED. 2017

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon