CHAPTER FIVE

671 14 5
                                    

CHAPTER FIVE

ALL RIGHTS RESERVED 2012

**************************************************************

Note: Hey! Thanks sa 400 plus reads, guys (^____^) Sana hindi kayo ma-bore sa pinupuntahan ng story ah.. But im sure hindi siya nakakatakot nuh O_____o ???

Gimme some VOTES and COMMENTS :))) Saka, lahat ng updates ko ngayon ay PRESENT TIMES na po. History na nila Jam at Karlie ang kwento at kung paano papasok ang mga characters noong 2005 sa present times at kung paano magmumulto si Clarity. Minsan na lang po may flashback.

KUNG MAY MGA TYPOGRAPHICAL ERRORS MAN PO, SORRY AT HUWAG NANG INTINDIHIN, 'KAY? (^^)

AT sa lahat ng GUSTO, GUSTO LANG na magpa-dedicate, comment na lang po o kaya pm me :))) O kaya, ako mismo ang magde-dedicate sa inyo !!! THANK YOU ^___^

***********************************************************

" Uy, bakit? Gusto mo ba talagang malaman ang pangalan niya? Crush mo nuh? Kanina ka pa titig na titig eh. " sabi ni Karlie nang makita niya na parang gulat na gulat ang mukha ni Jam nang makita yung lalaki. Sa pagkakatanda niya, Jayson ang pangalan nun eh, pero hindi siya sure. Kaya lang, nagtataka siya dahil parang maiiyak na si Jamillah.

" Uy... bakita parang maiiyak ka diyan Jam? May past ba kayo ni kuya? Wahahaha-- huy Jam! " pinitik ni Karlie sa ilong si Jam. Anong nangyayari dito? Masakit ba ang pagkakapitik niya sa ilong nito kaya naiiyak? Wah!

Mas lalo siyang nagtaka nang bigla tumakbo si Jam sa labas. Mabuti na lang at hindi sila napansin ni kuya Symon. Kung hindi, magtatataka yun for sure. Sinundan niya si Jam, nakita niyang umiiyak na talaga ito. Hala! Bakit?

" Jam, bakit ka umiiyak? Uy, kanina pa ko nagtatanong sayo hindi mo ko sinasagot. " sabi niya habang inaalo ito.

" Mahal ko pa rin siya, mahal na mahal ko pa rin siya... " narinig niyang sabi ni Jam habang nakatakip ang kamay nito sa mukha. Mahal? May 'past' ba talaga sila ni kuya? Paano? Ngayon niya lang naman dinala si Jam dito. Kinakabahan na siya. Ano ba talagang nangyayari?!

" Hoy! Luka-luka ka! Ang lakas ng trip mo ngayon ah? Ano bang sinasabi mo diyan? Naka-drugs ka ba? May nainom ka bang aphrodisiac!? " kung anu-ano na talaga ang nasasabi niya ngayon!

Kaya lang.. nabigla siya dahil biglang tumingala sa kanya si Jam. Parang ang talim ng titig niya. Yung parang papatay ng tao. Hindi alam ni Karlie pero parang natatakot siya sa hitsura ni Jamillah. Sobrang nag-iba yung aura niya. Ngumiti na lang bigla si Jam kaya naman napaurong siya.

" Jam? Ano ba kasi talagang nangyayari eeehhhh... " naiiyak na si Karlie. Kaya lang, noong akala niya na lalapitan siya ni Jam, nagkamali siya. Pumunta ito sa pinakalikod ng bahay. Hindi niya alam kung susundan ba niya si Jam dahil baka may gawin itong masama sa kanya. Ang alam lang niya, hindi nagloloko si Jam. Dahil sa mga nangyari sa kanila na nagpapakita sa kanila yung babae sa picture, hindi na nakapagtataka kung may mangyaring ganito.

Sa huli, napagdesisyunan niya na sundan si Jam. Pero laking gulat niya nang makita si Jam na nakahiga na.

" J-jam?!!! Jam?! " nilapitan niya ito at noong hawakan niya ang ulo nito ay may dugo. Nakita naman niya sa kamay nito na may hawak ito na may kalakihang bato. Anong ginawa ni Jam?! Pinukpok niya ang ulo niya?!

Sinampal niya si Jam sa pisngi pero hindi ito nagising. Tatayo na sana siya para humingi ng tulong. Kahit naman kasi sumigaw siya ay hindi maririnig ng mga ito dahil malakas ang music sa loob at nasa likod-bahay sila. Nang tatayo na siya...

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon