chapter.two (part 1)

24 2 2
                                    


CHAPTER TWO: SAM AND DEAN (part 1)


Babes' Point of View


One message received

From: Jammy

Babes, pnta k sa haus mmya please? Mga 7pm. Hehe. Salamat!


Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Jam. Medyo nakakagulat lang dahil once in a blue moon lang magpa-load 'yon e at kung magpapa-load man 'yon malamang sa malamang ay tatawag siya dahil sa tamad niyang mag-type ng text. Nang basahin ko ulit ang message niya ay doon na nawala ang kunot sa noo ko at napalitan na iyon ng ngisi. Paano ba naman kasi ang jeje kasi ng pagkaka-type niya. Sobrang tamad talaga no'ng mag-text.


Iiling-iling na ibinaba ko ang phone ko pagkatapos kong maka-move on sa text ni Jammy. Bakit naman kaya ako pinapupunta no'ng babaeng iyon sa bahay nila?


Dahil wala naman akong ginagawa sa bahay ay nagbihis na lang ako para pumunta sa bahay nila Jammy. Since bukas na ang pasukan namin kailangan ko nang maagang matulog mamaya kaya by 8 or 9 PM ay nandito na dapat ako. Ako ang mayayari kay mama kung gagabihin ako sa pag-uwi.



NANG MATAPOS KONG humakbang sa huling baitang papunta sa pinto nila Jammy, agad kong pinindot ang door bell. Maya-maya lang ay bumungad sa akin ang masayang mukha ng Mommy ni Jam. Agad akong nagpakawala ng ngiti at humalik sa pisngi ni tita.


"Hello po, tita. Nandyan po ba si Jam?" tanong ko. Minuwestra niya ang kamay para pumasok ako sa loob ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya.


"Oo. Nasa taas pa at magbibihis. Ewan ko nga ba sa batang 'yon, ngayon lang bibili ng mga gamit niya sa school e bukas na pala ang start ng class n'yo." Umiling si tita bago pumasok sa kusina. Pagkalabas niya ay may bitbit na siya ng isang baso ng juice at inabot sa akin.


"Salamat po."


"Okay lang, ano ka ba. Sabi ko nga ay magpasama siya sa isa man lang sa inyo ni Wana kaso ang tigas ng ulo, ayaw ng batang 'yon. Mabuti naman at saktong pumunta ka." Halata sa mukha ni tita ang pag-aalala. Simula nang mangyari ang insidenteng 'yon ay naging overproctective na talaga siya kay Jam. Nakuwento nga niya sa akin na may nangyari na sa kanyang masama dati na naulit pa ngayon. Siguro kung ako nga ang mga magulang ni Jammy, talagang mag-aalala ako. Masyadong accident prone ang isang iyon.


Napakamot naman ako sa ulo ko nang ma-realize ang sinabi ni tita. "Napaaga nga po ang punta ko, hehe. Seven niya po kasi talaga ako pinapupunta kaso wala naman po akong ginagawa sa bahay kaya dumiretso na rin po ako rito." Tumingin ako sa relos na suot ko at nakitang alas-kuwatro pa lang ng hapon.


"Mabuti nga iyon at nang may makasama siya."


Natigil ang pag-uusap namin ni tita nang bumaba na si Jam. Napalawak ang ngiti ko dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya ay ngayon ko lang siya ulit nakita after niyang ma-discharge sa hospital. More on sa chat na lang kami nakakapagkuwentuhan nito dahil na rin sa nasa kanya-kanya kaming bakasyon at siya naman ay nagpapagaling pa n'on sa hospital. At siguro nga nabagok talaga nang malakas ang ulo nito dahil naging jeje siya ever since. Palihim na lang akong natatawa tuwing naiisip ko.


Nang tumingin sa akin si Jammy ay bahagyang kumunot ang noo niya at maya-maya ay nanlaki ito. "B-babes?"


Natatawa akong uminom sa juice na dinala ni tita. "Grabe ka naman, Jammy. Nag-stay ka lang sa hospital, hindi mo na ko kilala." Kunwaring nagtatampong sabi ko. Bumisita kami ni Wana sa hospital nang mga panahong hindi pa siya nagigising. Ilang araw din siyang unconscious noon at nadadamay taaga kami sa kaba ni tita. Pero nang magising na siya ay hinayaan na muna namin sila ni tita na magkaroon ng time sa isa't-isa. Hindi ko alam kung may bago ba sa mukha ko at mukha siya naninibago sa akin. Ibig sabihin, gumanda ako, gan'on?


"Ah.. nagulat lang ako. Akala ko kasi seven ka pa pupunta." Nahihiya siyang ngumiti.


"Wala naman akong ginagawa sa bahay e. Since sabi ni tita ay bibili ka naman pala ng school suplies, tara, samahan na kita?" nilapag ko ang baso at humarap kay tita. "Una na po kami. Salamat sa juice, tita."


Ngumiti rin siya pabalik sa akin. "Sige. Mag-ingat kayo, ah? At pakibantayan iyang bata na iyan." Sabay tingin kay Jam nang nakataas ag kilay.


Tumingin din ako kay Jam na hanggang ngayon ay may alanganing ngiti.


"No problem, tita."



Jamillah's Point of View



"N-nakikita mo ba.. ako?" Dahan-dahan kong tanong habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig kay Juancho na walang ekspresyon ang mukha bukod sa kaseryosohan nito.


Unti-unting lumapit sa akin ang mukha niya na nakapagpasigurado sa akin na nakikita niya ko. Kung may titingin man sa direksyon namin, iisipin nilang baliw si Juancho dahil nga supposed to be ay invisible dapat ako!


"Juancho?" Ito ang unang beses kong tinawag ang pangalan niya at sa ganitong tagpo pa. Nakakahiya. Anong iisipin niya? Isa akong kaluluwang ligaw? Teka, ano nga ba ako?


"Hmm. I thought she's pretty. I'm mistaken then. Poor me." Bulong ni Juancho malapit sa mukha ko at habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Ako ba ang tinutukoy niya? Aba't walang galang sa babae 'to ah?!


Sisigawan ko na sana siya pero nagulat ako nang bigla siyang kumaway, hindi sa direksyon ko, pero doon sa diresyon sa likuran ko. Agad akong lumingon para lang makita ang isang babaeng may simpleng mukha ngunit habang tumatagal kang tumititig ay doon mabibistahan ang ganda niya. Nakatitig ito sa direksyon ko—or should I say sa direksyon ni Juancho—habang nakangiti. Halatang nahulog din si ateng maganda sa patibong ng lalaking 'to. Kung alam lang niya kung anong sinabi ni Juancho tungkol sa kanya, for sure hindi iyan ngingiti ng ganyan.


Tama talaga ako. Masama ang ugali ng Juancho na 'to.


Biruin mo, hindi naman pala niya gusto si ateng maganda pero kumakaway-kaway pa siya na parang close talaga sila at take note, nag-take pa siya ng picture nito. Hindi lang pala GC ang isang 'to, FC rin pala si kuya. Nakakainis. Akala ko talaga nakikita niya ko, sa maigsing segundo na iyon pakiramdam ko hindi ako nag-iisa, inaamin ko. Dati, gusto ko pang magka-powers ng invisibility pero hindi pala masaya kung forever kang invisible, iyong tipong hindi mo nakokontrol ang pagiging invisible mo. Walang ibang makakakita sa'yo bukod sa sarili mo. Actually, kapag ba nanalamin ako makikita ko ang sarili ko? Siguro hindi. Ano ba talagang dapat kong gawin?


Nang lumingon ulit ako kay Juancho ay nakatalikod na siyang naglalakad palayo sa akin, palabas ng coffee shop na 'yon. Hindi man lang niya hiningi ang number ni ate. Paasa. Pa-fall. Bwisit.


Akala ko talaga nakikita niya ko. Hay, bakit ko ba naisip 'yon? He's not Jonel.




To be continued...

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon