CHAPTER TEN

552 9 2
  • Dedicated kay To all readers ^_^
                                    

ALL RIGHTS RESRVED 2012

Note: Matatapos na talaga siya :)) thanks for reading ! ^_^ Please suportahan ninyo hanggang sa huling hininga ko chos!

____

Francis' POV

Nakasunod ang tingin ko sa lahat na gagawing kilos ni Jamillah. Makinis siyang dalagita. At maganda siya. Hindi ko alam pero may pagnanasa na namang bumangon sa katawan ko. Gusto kong mapasa-akin ang bata niyang katawan. Makita ang lahat ng yun.

"Hoy Francis! Aba't makatingin ka sa anak ng amo natin huh?! Hoy, umayos-ayos ka. Kabago-bago pa lang natin dito at baka may masama ka namang iniisip .." naiinis na sabi sa akin ni Pamy. Kapatid ko siya sa ama. At sa sobrang hirap ng buhay, parehas na kaming namasukan ng trabaho. Lalo na at mahirap maghanap ngayon ng trabaho at may kaso pa ako na tinakasan ko. Hindi alam ng pamilya ko yun. Na nakapatay ako mga pitong taon na yata ang lumipas. Pero ayaw maalis sa akin na magnasa sa mga dalaga at dalagitang nakikita ko. Lalo na kapag makinis.

"Wala naman akong ginagawa ah.." pangangatwiran ko.

"Sus! Wala daw. Hoy, sinasabi ko ngayon pa lang, ayokong mapahiya sa bagong amo natin at mukhang mabait. Baka gumawa ka ng kalokohan at madamay pa ko. Sinasabi ko sayo, kakatayin kitang negro ka."

"Hay.. naku. Kung may pupuntahan ka, puntahan mo na nga. At ako'y may gagawin pa din." sinabi ko na lang pero alam ko sa isip ko na may gagawin akong makapagpapasaya sa akin. Masama man yon.

___

 *tok tok tok*

"Tao po... kuya Jayson, are you there?" sabi ko sabay katok ulit sa pintuan ng apartment ni kuya Jayson. Bagong lipat lang siya dito sa apartment niya dahil nga dito siya nag-aaral. Medyo malayo din ito sa bahay namin pero ayun, nakapunta naman kami nila Karlie at Jonel sa bahay niya dahil na din sa tulong ni kuya Symon.

"Jam, kanina pa tayo katok ng katok ah.. parang wala naman yatang tao." sabi ni Karlie. Kanina pa kasi kami kumakatok pero walang sign na may tao sa loob ng bahay niya. Sakto namang may humintong matandang babae sa tapat namin.

"Si Jayson ba ang hinahanap ninyo?" tanong nito. Tumango lang kaming tatlo.

"Ako ang kahera dito, at ang alam ko wala si Jayson ngayon diyan. May pinuntahan siya eh pero hindi ko alam kung saan." sabi ulit ng kahera.

"Saan po siya maaring pumunta?" tanong ko.

"Hindi ko talaga alam eh. Pero kagabi, pumunta siya sa ospital dahil naaksidente daw ang girlfriend niya."

Nagkatinginan kami nila Jonel at Karlie. Hindi namin alam na may girlfriend pala si kuya Jayson.

"Sino po ang girlfriend niya?" ako ulit.

"Si Paula. Ayun ang alam kong pangalan ng girlfriend niya. Ano bang kailangan nyo sa kanya?"

"May mahalagang bagay lang ho kaming itatanong sa kanya." sagot ni Jonel.

"Siguro'y bumalik na lang kayo maya-maya. At baka nandiyan na siya."

"Hindi ho kasi kami dapat magtagal dito dahil malayo ho ang bahay namin dito, pero pwede po bang pakisabay na lang po kay kuya Jayson na may itatanong lang ho kami sa kanya na importanteng bagay?" ako.

"Sige. Sino ba kayo?"

"Sabihin nyo po sina Jamillah po. Mga students nya po kami sa school kung saan student teacher siya."

"Ah... ganun ba? Sige, makakarating."

__

"Hindi ako makapaniwala na may girlfriend pala si kuya Jayson at naaksidente pa pala." umiiling na sabi ni Karlie sa amin. Nasa loob kami ng jeep papauwi sa bahay ko. Doon na kami maguusap kung ano pa ba ang dapat naming planuhin para ma-solve na namin ang problema ko na iyon. Ang kaso, wala pa si kuya Jayson sa bahay niya na talagang sinadya pa namin.

"Ako nga rin eh. Sana okay lang siya..." -ako.

"Huwag kang mag-alala, Jam. Ipagdasal na lang natin na okay siya. Pero naiisip ko lang na baka may koneksyon ang pagka-aksidente nung ate Paula sa problema natin." si Jonel. Hindi na kami umimik pagkatapos nun. Naisip ko din yun dahil nga obvious naman na "possesive" ang multong babaeng yon kay kuya Jayson.

Pagbaba namin, naglakad pa kami bago makarating sa bahay. Pumasok kami sa kuwarto ko, at natural na magpapadala ako ng pagkain kay kuya Francis para sa aming tatlo. Ni-lock ko muna ang pinto ng kuwarto ko. Tutal wala naman kasi lagi si mommy kaya hindi na niya alam kung anong nangyayari sa akin. Dapat ko na nga talagang sabihin sa kanya kung anong nangyayari sa akin. Buhay ko na ang nakataya dito. Naming lahat, dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang kayang gawin ng multo na yon.

Binuksan ko ang computer ko, ang file kung saan naka-save ang mga pictures ng babaeng dating girlfriend ni kuya Jayson. Pero laking gulat namin na halos mapasigaw kami sa takot at gulat nang makita naming may mukha na ang dating blurred na mukha ng babae sa pictures.

At kilala ko ang may-ari ng mukhang iyon!!! Hindi ako maaaring magkamali, si ate Cheska! (naalala nyo pa po ba siya? Nasa chapter seven po siya lumabas ^_^)

"S-si ate Cheska?!" gulat na sabi ko.

Napatingin naman sila sa akin at saka kumunot ang noo.

"Sinong Cheska, Jamillah?" tanong ni Jonel.

"N-naaalala nyo pa ba nang may magparamdam sa akin sa CR dati? Nang araw na yon, nakilala ko si ate Cheska. Nakabungguan k-ko k-kasi siya." nanginginig ako sa sobrang takot. Paanong magiging sobrang magkamukha ng isang patay na tao at ng isang buhay? Knowing na matagal ng patay ang babaeng nasa litrato. Hindi na ko magtataka kung siya at ang babae sa larawan ay iisa. Pero ano ba talagang pangalan ng babaeng ito?!

"Siya yung sinasabi mo na new friend mo?" -Karlie. Tumango lang ako.

"Maaaring iisa lang siya at ang babaeng nasa larawan which is, ex-girlfriend pa ng crush mo." -Jonel.

"Siguro, kaya siya nakipag-lapit sayo para..." -Karlie.

"Ano?" kinabahan ako.

"Patayin ka..." sabay pa na sabi nila Jonel at Karlie.

"Pero bakit?" mangiyak-ngiyak na tanong ko ulit.

"Dahil nga ang gusto niya lang, sa kanya lang si kuya Jayson. Di ba binalaan ka na niya sa mismong araw na nakilala mo si ate Cheska na yan? Noong magpakita sayo ang multo sa CR?" -Jonel.

 "Oo nga..." umiyak na ko ng tuluyan. "Papatayin niya ko!"

Inalo naman nila ako ulit. Napansin ko, these past few days, nagiging iyakin na ko. Kaya pinunasan ko agad ang luha ko. Nang maging mahinahon na ko, kinalkal ulit namin ang file kahit takot na takot na kami sa nangyayari. Nang tinitingnan na namin ang mga file, biglang na-minimize yon, at biglang lumabas ang isang video.

Isang video na unang kita ko pa lang ay kinabahan na ko.

Kilala ko ang mga nasa video.

Si kuya Jayson, at si Clarity-- ayon sa narinig naming tawag sa babae ng lalaki na si kuya Jayson. Seven years ago...

LATER...

Whooot!!! Mamaya na agad ang update or baka bukas ^_^ Ayoko nang patagalin na tapusin ang story !!!

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon