--LAST CHAPTER--

555 16 10
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

spoonfulDream_1D

Note: Heto na talaga yung last xD Wala nang halong biro ^_^ hehe. Sana magustuhan nyo po ang ending. Comment lang po. At may malaking pasabog sa chapter na 'to xDD

MARAMING THANK YOU sa lahat ng sumusuporta sa istoryang ito na napakawalang kweenta ngunit pinagtiyagaan ko pa ring tapusin xD Mwah! Thanks guys, and god bless :)) THIS IS NOT THE END! Pramis!!! ^____________^

HAPPY NEW YEAR!!!

___

"Kuya Jayson!"

Bigla akong napakalas kay Clarity at napalingon sa tumawag sa akin. Biglang kumunot ang noo ko dahil nakita ko si Karlie. Bakit siya nandito? Hindi ko maipaliwanag kung anong ekspresyon ang mayroon sa mukha niya. Maaaring nakita niya ang ginawa namin ni Clarity.

Lumingon ako sa kanya ngunit nagtaka ako nang wala na akong makitang tao na katabi ko. Malamig na ihip ng hangin ang sumalubong na lang sa akin. Nasaan na si Clarity? Papaanong nabuhay siya? Totoo ba ang nangyari kanina sa akin o isang panaginip lang? But I can still feel my lips throbbing kaya alam kong hindi lang ako basta nananaginip lang kanina. Nahawakan ko siya at nakausap pa. Pero may mali. Talagang may mali.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Karlie kaya lumingon ako sa kanya. Saka ko naalala na pinsan nga pala siya ni Symon at kilala niya rin si Paula. 'Mariz' nga lang ang tawag nila dito. Ano kayang sadya niya sa akin? Dapat na kong magmadali at hahanapin ko pa si Clarity.

"Kuya--Sir, ah basta! Kuya Jayson!" hinihingal na tawag niya sa akin.

"Oh, Karlie. Bakit? May kailangan ka?" seryosong tumingin ako sa kanya.

"Opo. Sobrang halaga po."

"Ano ba 'yon? Hindi ba natin pwedeng pag-usapan 'yan some other time? Alam mo namang burol ito ng ate Mariz mo."

"Sorry, kuya. Pero hindi na makapaghihintay pa ang itatanong ko sa inyo."

Nakita kong sumeryoso siya and yet, parang may takot sa mga mata niya. "Ano ba 'yon?"

"Kilala nyo po ba si Clarity?"

Nagulat ako sa tanong niya. Paano naman niya nakilala si Clarity?

"O-oo. Bakit mo itinatanong 'yan at saan mo nalaman 'yan?"

"Nalaman po namin dahil... dahil sa c-computer ni Jamillah." hindi ako kumibo kaya nagpatuloy siya. Anong sinasabi niya? "Hindi ka pa po namin kilala 'non, may binili po ang mama niya na computer at may kasama itong webcam. Simula noon, may nagpapakita po sa aming babae na hindi namin makita ang mukha. Then, nakilala ka po namin sa party ni kuya Symon, di ba? Noong sinaktan ni Jam ang sarili niya at dalhin siya sa hospital ay nalaman po naming may sumapi sa kanya. Mula po 'non, nag-iba na siya at nagkaroon po siya ng crush sa inyo--"

"Crush?" hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Opo. At dahil doon ay tinatakot na siya nang babaeng yon, na kanya ka lang daw..."

___

Nang umalis si Karlie ay nagkatinginan kami ni Jonel. Nagugulat na lang talaga kami sa mga natutuklasan namin sa araw na ito. At kinakabahan ako. Hindi na talaga maganda ang mga nangyayari sa amin. Gabi-gabi ay nagdadasal ako kay Lord na sana ay isang pagsubok lang ito na kayang-kaya naming malagpasan nang walang masasaktan ni isa sa amin. Tapos, hindi ko pa masabi-sabi ang lahat kay mommy kasi sobrang naging busy na siya sa work niya. At isa pa, baka hindi siya maniwala sa akin. Sa amin.

Naramdaman kong hinawakan ni Jonel ang kamay ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Siguro kung wala siya, matagal na kong napahamak dahil sa problema kong ito. Pero hindi ko alam na makakaramdam pa pala ako ng saya despite sa lahat ng nangyayari sa aking masama dahil lang hinawakan niya ko. Na parang lagi niyang pinapaalala na lagi lang siyang nandiyan sa tabi ko. Sila ni Karlie. Alam ko, kapag sinabi ko kay mommy 'to ay mag-aalala siya sa amin dahil nga hinaharap lang namin na mag-isa ang problemang ito. Kung hindi ba naman kasi dahil sa pagka-possesive ni Clarity, hindi mangyayari ito. Hinding-hindi.

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon