CHAPTER FOUR

666 13 8
                                    

CHAPTER FOUR

ALL RIGHTS RESERVED 2012

A/N: Chapter Four na den sa wakas... Actually, hindi ko alam kung anong ilalagay sa Chapter na to eh... Distracted ako xD

HAPPY READING!!!

*****************************************************************************

Present Time:

" Ano, Karlie? Okay na bo 'tong isusuot ko? Maganda ba ko? " tanong ni Jamillah kay Karlie. Pupunta na kasi sila ng birthday party ng pinsan ni Karlie na si kuya Symon. At siyempre, dapat maganda siya.

" Grabe ka, Jam. Mas inaalala mo pa kung anong hitsura mo kaysa sa akin ah. " sarcastic na sabi ni Karlie.

" Oo naman! Malay mo, may manghingi sa akin ng number ko. Ahahaha! "

" Baliw ka, Jam. Baka marinig ka ng mommy mo. Saka bilis-bilisan mo naman. Natatakot ako sa kuwarto mo eh... alam mo naman... " halatang pinipigil lang ni Karlie na tumakbo palabas sa kuwarto niya. Haler! Mas natatakot kaya siya! Ikaw ba naman ang matulog sa kuwarto na may "ghost" o whatever na yan!

" Compare mo naman ako sayo, bruho! Ako laging mag-isa natutulog dito? Halos hindi ko na nga binubuksan yang computer na yan at hindi na ko nagte-take ng picture dahil mamaya magpakita na naman yun..." sabay linga sa kuwarto niya. Kinakabahan siya kaya binilisan niya na ang pag-aayos at lumabas na sila ni Karlie. Magpapaalam pa siya sa mommy niya!

Paglabas nila ng kuwarto ay nakita nilang naka-upo ang mommy niya sa sofa. Hinalikan niya ito sa pisngi.

" 'My, aalis na po kami. " paalam niya.

" Anong oras kayo uuwi? " tanong nito. Tumingin naman siya kay Karlie, hindi niya kasi alam kung anong oras sila mamakabalik. Lalo na malayo-layo ang lugar na pupuntahan nila.

" Mga five pm na po kami uuwi... " sagot ni Karlie.

" Dapat bago mag-five ay nandito ka na, Jam. Okay? "

" Opo, mommy. Sige po, alis na kami. "

" Mag-iiingat kayo ah. "

" Opo. " sabay na sagot nila Karlie at Jamillah.



*******************

" Kuya Symon, si Jamillah nga pala friend ko. " pakilala sa kanya ni Karlie kay kuya Symon. Well, hindi sila mukhang magpinsan. Konti pa lang ang tao sa bahay. Doon lang naman gaganapin ang b-day party eh.

" Hello. Sige, upo muna kayo diyan. Gusto nyo na bang kumain? " tanong ni kuya Symon.

" Hindi po. Mamaya na lang po. " sagot ko. " Saka happy birthday nga po pala kuya. "

" Thanks. Sige, punta muna ko sa kusina. Marami pang aasikasuhin dun eh. "

" Okay. " sabay na sabi namin ni Karlie. Psh. Hindi pa nga nagsisimula ang party, ang boring na. Bakit nga ba kasi ako sumama kay Karlie dito? Hay, sana naman may mangyari na exciting this day. Ang boring eh.

" Ano, nabobore ka na no? " tanong sa akin ni Karlie sabay poke sa akin.

" Medyo. Akala ko naman kasi mage-enjoy ako sa party ng pinsan mo. "

" Atleast hindi naman masyadong nagpapakita si Ghost no. " Siguro nga mas okay ang mag-stay dito. Kaysa naman sa room ko...

Maya-maya pa nagsidatingan na ang mga kabarkada ni kuya Symon. Madami siyang kabarkadang mga lalaki at babae. Yung iba, mga classmate ni kuya Symon sabi sa akin ni Karlie. Yung iba mga kapitbahay lang nila. Hindi ko alam, pero noong pumasok ang isang matangkad at maputing lalaki doon, na kabarkada ni kuya Symon for sure, bigla na lang akong napatingin sa kanya. Actually, yun naman ang goal ko sa pagpunta sa party na yun di ba? Ang makakita ng gwapo? Pero hindi naman ako kinikilig sa kanya. Basta, parang may something sa kanya...

" Uy... makatingin, wagas. Crush mo no? " biglang sabi sa akin ni Karlie. Crush? Basta ang alam ko sa sarili ko, wala akong infatuation sa lalaking yun. Saka haler! Matanda na kaya yan! Wala nang "teen" sa age niyan. Twenty na yan or something.

" Wala no. Basta, parang kakaiba siya. " sagot ko.

" Kakaiba dahil para siyang si Edward Cullen sa Twilight na crush na crush mo dahil sobrang puti? Wahahaha! Pero infairness, gwapo siya. Ang alam ko matagal na friend yan ni kuya Symon. "

" Anong name niya? " tanong ko kay Karlie pero ang mata ko, nakatingin pa rin sa lalaking yun.

" Si kuya Jayson ata yan eh. Ayun ang pagkaka-alam ko. " napatingin na lang ako bigla kay Karlie. Jayson? Parang kilala ko siya...



**********************************************************************

Jayson's POV

 Totoo ba ang lahat nang nangyari? Wala na ba talaga si Clarity?

Hindi ko napigilan ang luha ko na kanina ko pa pinipigil. Nasa kuwarto lang ako. Kakarating ko lang galing sa bahay nila Clarity. Tinawagan ako kanina ng mama niya, ang sabi, patay na daw si Clarity. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Halos ilang oras lang ang nakalilipas nang magkasama pa kami. Nakakausap ko siya, nahahawakan ko siya at nasasabi kong mahal ko siya. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Pinatay siya...

(Flashback)

" Pwede ba, umalis ka na Paula. Bakit mo ba kami ginugulo? At pati ang parents ko gusto mong paniwalain sa mga kasinungalingang pinagsasabi mo... " mahinahong sabi ko kay Paula. Kararating ko lang galing kina Clarity. Tumawag sa akin si Alejandro at sinabi niyang nandito si Paula sa bahay namin. At tama nga siya. Mabuti na lang at wala pa siyang nasasabing kung anu-anong kasinungalingan.

" Gusto ko lang naman kasing gustuhin mo din ako... " sabi niya.

" Pero bakit kailangan mo pang magsinungaling? You already know that I have a girlfriend. "

" I-im sorry. Gusto ko lang namang mahalin mo ko at hindi si Clarity eh... "

" Shut up! Kailangan mong sirain kami para ikaw ang mapansin ko? " hindi ko na napigilang magalit. Beacuse of her, muntikan nang masira ang realasyon namin ni Clarity.

" Im sorry. Im really sorry... mahal lang talaga kita. "

" You don't love me, if that's what you want. " sabi niya, bigla na lang nag-ring ang cellphone niya.

" Tita? " sagot niya sa tumatawag. Mommy ni Clarity yun.

[ Jayson, hijo? ]

" Yes tita ako po 'to. "

[ Huwag ka sanang magugulat pero... ]

" Ano po yun? " nakaramdaman ako ng kaba. Bakit bigla ana lang akong nakakaramdam ng ganito?

[ Patay na si Clarity, Jayson... ]

******************************************************************

A/n : Bitin muna :))))



EDITED. 2017

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon