CHAPTER SIX (Part 2)

566 9 3
  • Dedicated kay Cristal Mae
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

Note: Wahehehehe ^___^ Hello guys, kababasa ko pa lang ng isang Paranormal Story sa wattpad :)) title: BAHAY NI MARIA!!!! Nakakatakot siya pero ang gondo ng story :)) Pramis! Try nyo syang basahin, tignan nyo sa reading list ko, nandun ^^ Plug ko lang kasi, natatakot ako habang binabasa ko eh.. Kaya naisipan kong ang chapter na ito ay gawin ko ding nakakakilabot ^^ Afterall, thriller naman po ito ^^

_______

Sobrang saya ko kasi, ang pangarap ko sa buhay ay natupad na :)) Ang makita ko araw-araw si kuya Jayson!!! Waaaahhhhhh!!! Este- sir Jayson pala kasi nga student teacher na namin siya ngayon.

The last few days, nasa hospital ako kasi daw nasapian ako at sinaktan ko lang naman ang sarili ko? o_____O? Ayon lang naman kina Jonel at kay Karlie yun at para makasiguro kailangan ko ngang pumunta sa bahay nila Jonel para i-check nga kung may sumapi nga sa akin. Pero mamaya pa yun. MAPEH time pa nga lang namin sa school eh. Kakaumpisa pa lang ng klase, naisip ko na baka hindi na ko makapag-concentrate nito dahil nga sa gwapong S.T. namin. Kaso, marami din akong kaagaw -____-

Today is Wednesday, meaning it is PE Day! My favorite day at bababa kami sa covered court para doon mag-PE. Lagi kong nahuhuling nakatingin sila Jonel at Karlie sa akin na para bang anak ako ni Kokey at may something na panget sa akin.

"Ano bang problema sa mukha ko?" nagtataka nang tanong ko. Kasi simula nang lumabas ako ng hospital, ganito na silang dalawa sa akin. Actually, hindi ko nga din alam kung bakit ko talaga ginawa yun sa ulo ko. As in hindi ko talaga alam tapos yung sinasabi pa ni Karlie na umiiyak pa daw ako?! Eh hindi nga ako natanggap sa audition sa play ng school dahil hindi ako marunong umarte eh! Saka napaka-epal nila, dapat lahat ng attention ko nasa teacher na nagsasalita di ba?

"Para kang baliw." -Karlie.

"Dapat yatang ngayon ka na dalhin sa bahay namin." -Jonel.

TT___TT

"Hoy.. happy lang ako kasi nandiyan si Sir Jayson 'no!" bulong ko sa kanilang dalawa.

Nang magsimula na kaming mag-warm up syempre, nahiwalay ako kina Jonel at Karlie kasi nga girl ako at hiwalay ang pila ng boys at girls. Volleyball ang pinag-aaralan naming sports ngayon kaya ang saya-saya!!! ^___^ Pero bago pa mangyari yun, ang gusto ni Sir Jayson ay magpakilala kami isa-isa sa harapan. Sasabihin lang ang age at name. The end. Para daw makapaglaro kami.

Nang turn ko na, tumingin ako kay Sir at ngumiti ako. Nginitian niya din ako pabalik. Alam kong na-recognize niya ko. Mwahahahaha! Naalala niya ko alam ko!!! Magpapakilala na sana ako nang--

"Sit down, Jamillah. I already know your name." sabi niya. Boom! Hindi ako assumingera ah? Naalala niya talaga ako ^_________^

Uupo na sana ako nang biglang may tumama sa mukha ko.

*POK*

Narinig kong napasinghap ang mga kaklase ko, ako naman, napahawak ako sa ilong ko at pagkatingin ko sa ilong ko,,,

MAY DUGO!!!

Nilapitan ako ni Sir at ng teacher namin sa Mapeh.

"Okay ka lang ba, hija?" -Mapeh teacher.

"Halika, punta tayong clinic." sabi naman ni Sir.

"Okay lang po ako." sagot ko bago patakbong pumunta sa CR. Huhugasan ko ang ilong ko...

___

"SINO ANG NAGBATO NG VOLLEYBALL KAY JAMILLAH?!" galit na galit na sigaw ni Mapeh teacher. Nagdugo kasi ang ilong ni Jam nang may bumato sa kanya ng volleyball. Nag-aalala ako para kay Jam kaso bigla siyang tumakbo papunta sigurong CR para linisin ang dugo sa ilong niya.

Hindi na dapat gawing biro nila Jam at Karlie ang nangyayari. Baka lalo lang lumala ang mga pangyayari kung hindi namin malalaman ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko kasi masabi kung may konekta talaga yung babaeng nagpakita sa picture sa nangyayari. Pwede din kasing ibang kaluluwa o.. hindi ko na alam! Basta dapat madala ko na talaga siya sa bahay mamaya!

"Jonel, may nakita ka bang bumato kay Jam ng bola? Ang layo naman ng mga bola sa atin para maabot natin yan." tanong sa akin ni Karlie. Napatingin na lang ako sa kanya. Tama naman siya, malayo sa amin ang bola.

Walang sumagot kay mapeh teacher kaya lalo siyang nagalit. "SINO?!" WALANG AAMIN?!"

No response pa rin sa amin.

SAMANTALA...

Nasa harapan ako ng salamin. Wala na ang dugo sa ilong ko. Inaamin ko, nasaktan ako sa pagbato sa akin ng bola ng kung sinuman yun. Pero bakit niya kailangan gawin sa akin yun? Haist! Kainis! Kahapon pa merong nangti-trip sa akin. Una, binato ako ng maraming binilog na papel, pangalawa, heto?! Nakaksakit na siya ah!!!

Binuksan ko ang gripo, pagkabukas ko, may narinig akong kumalabog sa loob ng cubicle. Hindi ko na lang pinansin yun. Baka may umiihi lang. Pero nagulat ako ng sunod-sunod na kalabog ang narinig ko. Napalingon ako sa mga cubicle.

Lumapit ako sa harapan ng pinto ng ikalawang cubicle, pero biglang bumukas yun kaya natamaan ako sa mukha. Hindi na ko nakatiis, talagang may nangti-trip sa akin. Pero bakit kailangan niya akong saktan.

"Sh*t! Sh*it! Sino ka ba huh?!! Ang lakas ng trip mo huh?!" sigaw ko habang sinisipa ko ang pinto ng cubicle. Bumukas-sara ang pinto, pero nahinto ako sa pagsipa nang may makita akong parang nakatayo sa loob niyon.

May tao?!!!  Talagang trip ako nito ah!! >.<

Binuksan ko ang pintuan ng cubicle para makita ko kung sino ang baliw na trip na trip akong saktan.

*Wooooossshhhhh* [pagbukas ng pinto]

Pero, walang tao?! Kanina lang, may nakita ako ah?! Pero napatingin ako sa dingding ng cubicle. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

LAYUAN MO SI JAYSON...

Iyan ang nakasulat, sa tintang kulay pula na parang ... DUGO?

LATER...

____________

BITTER MELON xD Wahahahaha xD

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon