chapter.two (part 2)

15 2 3
                                    


CHAPTER TWO: SAM AND DEAN (PART 2)



Jamillah's Point of View


NANG TUMINGIN ako sa glass wall na naghahati sa labas at sa loob ng coffee shop, doon ko napagtanto na totoo nga ang lahat ng mga nangyayari. Dahil tama ang hinala ko: hindi ko nga makikita ang reflection ko sa salamin. Isa lang akong hangin sa paningin ng iba. Maski nga si Juancho na sobrang fascinated sa mga supernatural na bagay ay hindi alam na pinanuod ko siyang kumain. Si Mommy na kilalang-kilala ako ay hindi rin nagduda na hindi ako ang nasa kwarto ko at sa mismong katawan ko. Alam kong walang kwentang umiyak sa sitwasyon ko dahil paniguradong hindi nakaka-solve ng problema ang pag-iyak pero hindi natigil ng isiping iyon ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.


Kung may luha ako, bakit wala akong katawan? Kung nakakapag-isip pa ko ng mga negatibong bagay, anong nangyayari sa akin? Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hinding-hindi na ko masasangkot sa mga ganitong bagay but I guess hindi ko mapipigilan 'to. Pero kanino ako hihingi ng tulong? Ni sarili ko walang alam sa mga ganitong bagay. Kung mag-research kaya ako? Teka, pwede ba kong gumamit ng internet? Ano bang mga limitasyon ko bilang isang.. ano bang pwede kong itawag sa sarili ko?


Nag-iisp akong tumayo sa gitna ng coffee shop, lahat ng mga dumadaang tao ay tumatagos lamang sa katawan ko. Kakaibang pakiramdam pero ayokong maranasan 'to ng matagal.


Lumingon ako sa labas ng coffee shop. Kitang-kita ko ang mga dumadaang tao mula sa glass wall na nakapalibot sa akin. Kitang-kita ko rin ang dahan-dahang paglalakad ni Juancho habang tila may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung ano 'yon, kung mas mabigat pa ba ang pinoproblema niya kaysa sa pinoproblema ko para isipin 'yon sa gitna ng mga dumadaang tao gaya ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad palabas ng coffee shop at sumusunod sa mga yapak na ginawa ni Juancho. Iniisip kong dapat sigurong magsama ang pareho kagaya naming may mabigat na problema, kung may problema nga talaga siya.


Nakatitig lang ako sa kawalan nang bigla akong tumagos sa likod ni Juancho, na bigla na lang tumigil sa paglalakad. Sinilip ko ang mukha niya at kunot-noo siyang nakatitig sa akin—mali pala, nakatitig sa kung sino man ang nasa harap niya. Nang gayahin ko ang direksyon ng mga mata niya, agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.


Alam kong kanina ay nakita ko na siya sa mismong kwarto ko habang suot-suot ang mga damit ko. Pero hindi pa ko handang makita ulit ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Nakatayo ngayon ang impostora kasama ang isang mas matangkad at maputing babae, si Babes! Kasama niya si Babes!


"Uy, Juancho!" bati ng kaibigan ko kay Juancho.


Hindi naman sumagot si Juancho. Nang tingnan ko ulit siya, mataman siyang nakatitig sa akin, sa impostora. Pero nang ibalik ko ang mga mata ko sa sarili ko, mukhang kilala niya talaga si Juancho batay sa mga titig niya. Ngunit ginawa niya ang isa sa mga bagay na hindi ko gagawin sa harap ng lalaking ito, ang ngumiti.


Shit. Hindi ako iyan! Hinding-hindi ko gagawin iyan sa harap ni Juancho! Impostora ka!


"Akala ko sa pasukan pa kita makikita, Juancho. Ibabalik ko na sana 'yong mga notes na hiniram ko e." Si Babes ulit ang nagsalita. Wala ulit reaksyon si Juancho at nakangiti pa rin ang impostora.

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon