CHAPTER THREE

763 13 8
                                    

CHAPTER THREE

ALL RIGHT RESERVED 2012

A/N: Sorry po kung medyo matagal mag-update. Marami kasing ginagawa po eh! Pero malapit na magbakasyon! Magagwa ko rin ang mga stories ko kahit one week lang ^_^

THANKS PO SA LAHAT NG BUMABASA!!!!

*******************************************************************************

(Year 2005)

Biglang may tumunog na ring tone. Alam ni Clarity, hindi sa kanyang ring tone yun. Ibig sabihin, kay Jayson nanggaling ang tunog.

" Hello? " sagot ni Jayson sa kung sinong tumawag.

" HA!? Bakit nandiyan siya? " sabi ni Jayson. Hindi naririnig ni Clarity kung sino man ang kausap ni Jayson pero may masamang kutob siya.

Pagkatapos ibaba ni Jayson ang cellphone niya ay humarap siya kay Clarity. " Sorry, babe. Kailangan ko munang umalis. "

" Bakit? " tanonong ni Clarity kay Jayson.

" Ahmm kasi, si Paula. "

" Ano si Paula?? "

" Pumunta sa bahay namin si Paula at gumagawa ng kwento. Sinabi lang sakin ni Alejandro. Nakita daw niyang umiiyak si Paula nang pumunta sa amin. Kailangan kong pumunta sa bahay baka kasi ano pang sabihin nun. Sorry, babe. " lumapit siya kay Clarity at niyakap ito.

" Sasama ako, babe. " sabi niya. Sinasabi na nga ba. May masama siyang kutob sa pagtawag ni Alejandro.

" Huwag na. Mas magandang dumito ka muna. Baka kung ano pang gawin sayo ni Paula. "

" Are you sure that you can handle this by yourself? "

" Kaya ko. "

" Baka kasi kung anu-anong sabihin nun... "

" Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Kakayanin ko yun para sayo. Sige, aalis na muna ko babe. Tatawagan kita kung anong nangyari. " pagkatapos nun ay niyakap ulit ni Jayson si Clarity na para bang sinasabing maayos din ang lahat...



********************************************************************************

Present time:



" Karlie, saan naman tayo maguumpisa sa pag-alam kung sino ang babaeng nagpapakita sa atin? " tanong ni Jamillha kay Karlie. Nasa isang cofee shop sila sa SM North. Lumabas sila para maalis ang takot nila sa dibdib nila.

" Aba! Malay ko. Hindi ko nga maisip kung paano eh. "

" Sundin kaya natin yung sinabi ni Jonel ? "

" Ano!? Sa tuwing magpapakita sa atin yung multo, kailangan interview-hin natin sya? Hindi ako tanga Jam. "

" Eh, anong gagawin natin? "

" Iniisip ko nga kung pupunta pa ba ko sa birthday party ng pinsan ko. " parang wala sa sariling nasabi ni Karlie.

" Nubayan, Karlie! Minumulto ka nga, party party pa rin ang iniisip mo! " inis na sabi ni Jamillah. Saka ba naman kasi magiisip si Karlie na magpakasaya kung kailan minumulto na sila!!!

" Para naman mabawasan ang kaba natin about sa multo thingy na yan. Gusto ko munang makalimot! Saka dinamay mo lang ako sa multo thingy na yan tapos ikaw pa may ganang magalit? "

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon