Kabanata 43

64 1 0
                                    

Totoo nga na kung kailan nagawa mo na ay saka mo lang marerealize ang dapat mong maramdaman. Hindi ako nagsisisi pero nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Hindi ako makatingin kay Razen.






"Chantel!" malakas na pagtawag ni Geo kaya nabalik ako sa wisyo "Pakiabot sa'kin ng manok diyan. Kanina ka pa tulala" dagdag niya. Iniabot ko ang mga manok na nasa tupperware.






"Aalis muna ako. Maiwan ko muna kayo" paalam ko pero may isang kamay na pumigil sa'kin, si Razen.





"Where are you going?" tanong niya habang kumakain ng inihaw na baboy.






"Kay Marielle. Pupuntahan ko siya" sabi ko at kusang hinila ang kamay ko.





Sinabihan ko na si Marielle kanina na magkikita kami at kinwento ko na rin sakanya ang nangyari. Mabilis kong tinungo ang maliit niyang sari sari store sa bayan.






"Ang ganda mo lalo!" bungad niya sa'kin at niyakap ako. Saglit kaming nagkumustahan hanggang sa kinwento ko sakanya ang buong nangyari "Ano?! Eh bakit ka bumigay ng gano'n kadali?!"






"Marupok ako eh" mahinang sagot ko, nasapo niya ang noo "Don't be disappointed. Marupok lang ang kaibigan mo pero atleast hindi pokpok 'di ba?" pagbibiro ko pero nginiwian niya lang ako.






"Ano ngayong balak mo?"





"I don't know. All that matters to me is we're okay"





"Naks, ano' yan? Naglalandian pero walang label? Gorl, hindi ka bumabata. May anak ka na nga e. Okay lang ba sa'yo na hanggang kama ka lang at 'di na aabot sa dambana?"





"Syempre hindi"





"Edi klaruhin mo' yung mga desisyon mo sa buhay. May dalawang bata na maaapektuhan"





Saglit pa kaming nag usap hanggang sa nagdesisyon akong umuwi. Naabutan kong nagliligpit na sila ng pinagkainan. Nakuha ko ang atensyon ni Razen na agad lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magsipag ubuhan ang mga kaibigan namin.





"Ang pinakahihintay kong balikan" nakangiting sabi ni Geo.





"Ano ang pinag usapan niyo ni Marielle?" nahihiyang tanong ni Razen na ang mga mata'y hindi makatingin sa'kin.





"Usapang babae 'yon" sagot ko at mahinang pinisil ang pisngi niya. Natawa ako dahil sa pamumula niya. "Don't worry, hindi kita sinisiraan. I love you" binulong ko ang huling sinabi at agad siyang tinalikuran.





"Aray!" reklamo na Geo, natawa ako dahil nakita ko pa kung paano siya binatukan ng namumulang Razen.





"Damn it! Kinikilig ako" tuwang tuwa na sabi ni Razen, hindi talaga siya matigil kakangiti.





Tinungo ko ang kusina at kumuha ng makakain. Naramdaman ko ang presensya ng tao sa likuran ko. Pagharap ko ay nakangiti na agad si Razen, seryoso siya pero kakaiba ang ngiti niya. Pinaghila niya ako ng upuan at saka siya umupo sa tabi ko.





"I talked to Britz. Nakalabas na si Janiella sa hospital and she wants to talk to us" seryosong sabi ni Razen, hindi maalis ang tingin sa'kin. Inaabangan niya ata kung ano ang magiging reaksyon ko.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon