Kabanata 38

66 1 0
                                    

Pinagkaguluhan nilang lahat ang photo album na dala ko at ang camera. Si mommy nga ay hindi na nagpahuli at talagang humagulgol pa. Hindi ko akalaing iiyak si Razen pagkatapos niyang makita lahat. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama ko kasi inilayo ko ang mga anak niya. Sana nakita niya silang lumaki at sana katuwang ko siya sa pagpapalaki sa dalawa.






"Gumagabi na" ani Tita Raciela at tumingin sa'kin "Kung pwede sana ay dito muna kayo, Chantel" tumingin din siya kay mommy "Kahit mga ilang araw lang, Marianna. Nanabik ako sakanila"






"Walang problema sa'kin. Pwede ko naman silang puntahan dito. Chantel will decide" tugon ni mommy at tumingin sa'kin.






"Sige po" sabi ko na nakapag pangiti sakanila.





Nagpaalam si mommy na uuwi baka kasi hanapin siya ni Meitha.





"Chantel, doon na muna matutulog ang mga bata sa kwarto ni Rake. Ang kwarto kasi ni Ritz ay inaayos" sabi ni Tita.




"Okay lang po sa'kin 'yun"




"At kung pwede ay doon ka na rin muna matulog sa kwarto ni Razen" sabi ni Tita na nakapagpalaki ng mga mata ko.




"Bakit ho doon?" pagkagulat ko.





"Inaayos pa kasi ang mga kwarto. Pinaayos kasi 'yun ni Razen pagkatapos niyang malaman na bumalik na kayo"






Tumingin ako kay Razen na agad nag-iwas ng tingin.





"S---sige po" nasapo ko ang noo pagtalikod ko.




Pagpasok ko hindi ko namalayang nakasunod pala sa'kin ang kambal.





"May kailangan ba kayo?" tanong ko, tumingin sa'min si Razen.





Lumapit sila kay Razen at hinalikan siya sa pisngi ng dalawa.






"Good night, daddy" they said in chorus.




"Good night, angels" sabi ni Razen at hinalikan din sila sa pisngi.




Sunod ay sa'kin naman sila lumapit.




Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon