Kabanata 34

72 0 0
                                    

"You're not coming mommy?" tanong ni Raisel pagkatapos niya akong makita na umupo sa swivel chair ko.





"Kayong tatlo nalang, baby. May gagawin pa ako" nakangiting sabi ko, ngumuso siya at bumitaw kay Razen saka tumingin sa ama niya.




"I'm not coming with you, daddy. I can't leave my mommy here" malungkot na sabi ni Raisel at nakayukong bumalik sa pagkakaupo sa sofa "Kuya Raizer won't come with us so I'll stay here with them"




Napatingin ako kay Razen na kitang kita ko ang paglunok na parang pinipigilan ang kung ano mang emosyon ang nagkukumawala sakanya. Ayaw talaga ni Raizer sumama sakanya dahil 'di ako sasama. Ngayon naman 'di na sasama si Raisel dahil maiiwan kami ng kuya niya. I cleared my throat kaya nakuha ko ang atensyon nila.





"Let's go" yaya ko sakanila.





Karga karga ni Razen si Raisel at hawak ko naman sa kamay si Raizer habang naglalakad kami sa mall.




"Where do you wanna go first?" tanong ni Razen sa dalawa.





"I want to eat ice cream, daddy" nakangiting sagot ni Raisel habang pumapalakpak.




"How about you, Raizer?" baling ni Razen sa anak na tahimik lang.




"I wanna go home, happy?" masungit na sagot niya.




"You're being rude, Raizer" mariing suway ko sakanya pero pabulong.




Umirap lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.





"Mauna na kayo sa loob. May pupuntahan lang ako" sabi ko at pinaupo si Raizer saka lumabas ng ice cream shop.




Parang nakita ko kasi si Britz kanina. Ginala ko ang tingin kung saan ko siya naaninag kanina. Tumakbo ako kung saan. Matagal ko ng hindi nakikita si Britz at gusto kong malaman kung totoo ang nalaman ko sakanila ni Janiella. He deserve someone better than that bitch.





Tumakbo pa ako sa kung saan hanggang sa napako ang tingin ko sa isang jewelry shop. Isang singsing ang nakaagaw sa pansin ko. Kulay silver 'yun at may diamond sa maliit na hugis puso.





"Mommy!" lumingon ako, si Raisel na may bitbit na ice cream.





Nakita ko ang pagsulyap ni Razen sa kaninang tinitignan ko. Lumapit si Raizer sa'kin.





"We were worried mom. We saw you running" ani Raizer.




Inabot ni Raizer ang isa pang ice cream na hawak niya.




"Thanks" sabi ko at kumain na rin.




"Sino bang hinahanap mo kanina?" tanong ni Razen.




"Si Britz, parang nakita ko siya kanina"




"He's with Janiella" nag iwas siya ng tingin "Saan mo gustong pumunta?" nanatili akong kumakain hanggang sa tumingin siya ulit sa'kin "Saan mo gusto?"





Sa piling mo, kaderder.






"Bibilhan ko ng damit ang dalawa" sabi ko, tumango lang siya.




Nagpunta kami sa mga damit na pambata kaso mapaglaro ata ang tadhana may nakadisplay na damit pang pamilya at eksaktong apat na piraso 'yun. Kulay sky blue ang kulay at may nakasulat na mommy, daddy, bro and sis. Nakakaagaw ng pansin kaya napansin 'yun ni Raisel.





"Daddy" kinalabit niya si Razen at tinuro ang damit. Sumulyap sa'kin si Razen pero tumingin agad ako kay Raizer at namili ng damit sakanya.





Narinig ko ang pagtawag ni Razen sa saleslady at ang sinabi niya na bibilhin niya 'yung mga damit.





"Mommy" tumingin ako kay Raizer "I'm sorry for being rude to him"





"He's your dad, Raizer. Hayaan mo siyang bumawi"





"Am I forgiven, mom?"





"Yes. Alam mo ang mali mo and that's good"





"Do you really want me to get closer to him?"




"Of course"





"I want to play basketball with...daddy" namumulang sabi ni Raizer sabay iwas ng tingin, natawa ako.





"I'll tell him" sabi ko at hinaplos ang buhok niya.






Natapos kami sa pamimili at ang pinakamaraming binili ay si Raisel. Nakikita ko sakanya ang ugali ko dati. Nanghihina ako kapag walang allowance na ipangbibili ng mga damit at parang magkakasakit kapag walang laman ang bank account. Nagagalit pa ako sa mga magulang ko dati kapag wala akong pera kasi 'yun na nga lang ang kaya nilang ibigay. Ni hindi ko na pinagkainteresan ang pagmamahal nila dahil malabo ko namang makuha 'yun.





"Mommy!" sigaw ni Raisel na nakapagbalik sa'kin sa wisyo.





"Ano ba 'yun?"






"Tulala ka kasi" si Razen ang sumagot at bumaling siya sa mga anak namin "Pumili na kayo ng toys" aniya at tumingin ulit sa'kin "What are you thinking?"





"Kung paano manakit na hindi nakukulong" I answered with a shrug, tumaas ang isang kilay niya "Sabi ni Raizer gusto ka raw niya makalaro sa basketball"




"Really?" nanlaki ang mata niya at ngumiti ng malaki "Thank you for giving me two kids. Pinalaki mo sila nang maayos. Sorry sa pitong taon na wala ako sa inyo. Sorry dahil hindi mo ako nakasama nung nanganak ka"




"I did my obligation as a mom. Dinala ko sila sa mundong ito kaya obligasyon kong palakihin sila nang maayos. Ibigay sakanila ang buhay na deserve nila at  buhay na pinangarap ko"




"Hindi ko alam kung saan ako unang babawi. Nagkamali ako dahil hindi kita hinanap. Nagalit ka ba sa'kin?"



"Hindi ako nagalit sa'yo. Nagtampo, oo. Sa totoo lang hanggang ngayon ay nagtatampo parin ako sayo at may sama ng loob pero aminado akong may nagawa akong kasalanan"




"I'm sorry"



"I'm sorry, too"




Nginitian niya ako.




"I promise to be a good father. Thank you"




Naging tipid ang ngiti ko.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon