Kabanata 29

68 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim nang matapat ako sa pinto ng opisina ni Razen. May siwang do'n at 'di ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako sumilip kung pwede naman akong pumasok nalang ng diretso.





Nabitawan ko ang ultrasound at pregnancy test saka tumakbo pabalik sa elevator. I caught them kissing! Sa ibabaw ng lamesa si Janiella habang nakahawak sa kwelyo ni Razen at si Razen ay nasa edge ng lamesa nakahawak. Habang naiisip ko ay nasusuka ako. Hindi kayang tagalan ng isip ko ang nakita ko. Palagi nalang akong naloloko.





Bago sumara ang elevator pumasok si Janiella na kakatapos lang magpunas ng labi. Nag iwas ako ng tingin. Ngumisi siya sa'kin.





"Bakit 'di ka nagpakita sakanya?" nakangising tanong niya "Puntahan mo siya do'n"





"Manahimik ka. Baka makalimutan kong buntis ka" galit na banta ko sakanya at eksaktong bumukas ang elevator kaya lumabas na ako.





Ramdam ko ang pagsunod niya.





"Ngayon naniniwala ka na. I'm pregnant and he's the father" hinarap ko si Janiella "Palayain mo siya para mapanagutan niya ak----" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil sinampal ko siya.





"Isang salita mo pa" banta ko at dinuro siya kaya napatingin sa'min ang mga taong nasa lobby.





"Why can't you accept the fact na may nangyari sa'min at siya ang ama ng dinadala ko?!" sigaw niya.






Sinampal ko siya ng dalawang beses. Sa sobrang lakas namula ang pisngi niya. Matalim niya akong tinignan.





"Mag asawa na 'yan at may anak pa. Tumigil ka na!" sigaw ko.





"Sumosobra ka na!" sigaw niya at akmang sasampalin ako buti nalang nasalo ko ang kamay niya at pinangsampal 'yun sakanya.






Tinapon ko sa mismong harap niya ang singsing.





"Magdudusa ka rin" nakangising sabi ko.





Pagkatalikod ko sakanya nag unahan na sa pagtulo ang luha ko. Dirediretso akong lumabas kaya sinundan nalang ako ni Fiel.





"What was that, Chantel?" tanong ni Fiel at pinaupo si Cian sa backseat.






"Ilayo mo 'ko dito" sabi ko at pinunasan ang luha ko "Ayoko na siyang makita"





"Ano bang nangyari?!" pasigaw na tanong niya habang iniistart na ang kotse.





Hindi ko siya sinagot at umiyak nalang. Hanggang sa makabalik sa condo hindi tumigil sa pag agos ang luha ko. Kahit naghihintay si Tita Thalia sa labas ay binalewala ko siya.





"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Tita habang nakasunod sa'kin, hindi ko siya sinagot kaya bumaling siya kay Fiel "Anong nangyari, Fiel?"




Napatingin sila sa'kin dahil kumuha ako ng maleta at bag. Nilagay ko sa bag lahat ng gadgets ko at lahat ng ID's ko. Nilingon ko si Tita Thalia.





"Tita, pakischedule ako ng flight" pakiusap ko.





"What?!" sabay na sigaw nila Fiel.






"Please" pakiusap ko habang naglalagay na ng damit "Gusto ko ng space"





"Sabihin mo sa'kin ang nangyari" mahinahong sabi ni Tita at hinawakan ako sa magkabilaang balikat.





"I saw Razen kissing another woman. Hindi ko siya kayang makita dahil baka maputulan ko siya ng kaligayahan"





"Jusko" nasapo ni Tita ang noo "Buntis ka 'di ba? Mawawalan ng ama 'yang baby"






"Tita, please" nauubusan na ako ng pasensya "Gusto kong lumayo! Gusto kong umalis!"






"Fine" ani Tita at umalis habang may kung anong pinipindot sa phone.






"Sasama ka sa'kin?" tanong ni Fiel habang nilalagay ko na sa kulungan ang aso. Tumango ako "Next week pa ang alis ko"







"Rescheduled it" sabi ko at nilapitan si Tita Thalia "Please reschedule Fiel's flight. Sasama ako sakanya at isasama ko ang aso ko" tinanguan lang ako ni Tita.





Ipinagpapasalamat kong may kaibigan si Tita na may ari ng isang airline. Hindi ako mahihirapan. Si Fiel na ang nagbaba ng maleta ko.






"Are you sure about this?" malungkot na tanong ni Tita habang pinagmamaneho kami ni Fiel.






Walang alinlangan akong tumango. Papunta na kami ngayon sa bahay nina Fiel para kunin ang mga gamit niya.






"Are you leaving, ate?" tanong ni Cian na halatang paiyak na.





"Yes" sagot ko at bumaba na ng kotse dahil nasa airport na kami.





"Please take care of Chantel and the baby" pakiusap ni Tita kay Fiel.




"Of course, tita"




"Tita" tawag pansin ko, nilingon ako ni Tita Thalia "Hanggat maaari itago mo ang nalaman mo" alanganing tumango si Tita.



"Kailan ka babalik?"




Tumingin ako sa malayo.




"Kapag wala na akong may nararamdaman sakanya" sagot ko at malungkot na tumingin kay Tita "Aalis na kami, tita"




"Mag ingat kayo" ani Tita at umiyak.




Bumaling ako kay Cian na humihikbi na rin pero tinalikuran ako at sumakay sa kotse. He's just seven kaya 'di na ako magtataka kung 'di niya naiintindihan ang nangyari lalo na't hindi ko rin kayang ipaliwanag sakanya.





Lumapit ako kay Cian at sinenyasan siyang lumabas ng kotse. Tinalikuran niya ulit ako. Kinalabit ko siya.




"I hate you, ate. Iiwan mo 'ko"




"Ci, please understand"




"Hindi mo 'ko mahal"




"Mahal kita. Kailangan ko lang umalis" hindi siya nagsalita "Ci, just one hug. Paniguradong matagal bago mo ako mayayakap"




Nang lingonin niya ako ay pulang pula ang kanyang ilong at pisngi dahil sa pag iyak. Niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako dahil sa yakap ni Ci.




"Babe, we need to go" usal ni Fiel.




Dahan dahan akong kumalas ng yakap at hinaplos ang pisngi ni Ci.




"Ate, loves you" hinalikan ko siya sa pisngi at tumalikod.




Pinunasan ko ang luha ko at niyakap si Tita Thalia saka hinila na ang maleta ko. Kumaway ako habang naglalakad na palayo.




Ilang linggo na rin ang nakalipas nung sinabi ko 'to. He deserve it. You deserve it, Razen.





Pu...tang...i...na...mo...ng...hard

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon