Kabanata 39

69 0 0
                                    

Nasasaktan ako sa naging desisyon ni Fiel. Hindi ko lubos na maisip na magagawa niya 'yun just because he loves me. Hindi ko siya pinili dahil hindi ko kayang isugal 'yung pagkakaibigan namin na ilang taon na para lang sa pag-ibig na walang kasiguraduhan. I prefer the friendship with him that will last for a lifetime. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa'kin kaya do'n na ako sa sigurado.






He deserve someone better. Someone that will choose him everyday. Someone who can make him happy and someone who can take risk for him and that someone is not me.





"I'm afraid that one day I'll lose him because I take risk" pag amin ko kay Razen na hanggang ngayon ay nasa tabi ko.





"Wala ka bang tiwala sa nararamdaman niya para sa'yo? Mahal ka niya"





"Sa nararamdaman niya may tiwala ako pero sa nararamdaman ko wala. Mas pipiliin ko pang makita siyang kinakasal sa iba kesa sa makita siyang naglalakad palayo sa'kin"





"Sa nakikita ko sakanya gagawin niya ang lahat huwag lang bumitaw ang babaeng mahal niya. Kung nasa bingit na nga ako ng kamatayan ipagkakatiwala kita sakanya kasi alam kong hindi ka niya sasaktan"





"Hiniling niya sa'kin na ikaw ang piliin ko" sabi ko na nakapagpatigil kay Razen "Pero ayokong piliin ka dahil hiniling niya. Gusto ko 'yung pinili kita kasi mahal kita at pinatawad na kita. Gusto niyang piliin kita dahil gusto niyang makita akong kinakasal sa taong mahal ko. Gusto niyang siya ang magkasal sa'tin"





Binalot kami ng saglit na katahimikan.





"Bilib ako sakanya dahil sa ginawa niyang desisyon. Pero kung ako 'yon ipaglalaban kita" sabi ni Razen pagkatapos ng ilang sandali.





"Naghintay siya ng ilang taon and he waited for nothing" tugon ko kasabay ng panginigilid ng luha ko.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon