Kabanata 4

153 4 0
                                    

Paghinto ng kotse biglang binuksan ni Geo ang pinto kung saan ako nakaupo. Natigilan siya at nanlalaki ang matang tumingin sa'kin.





"Family date pala 'to" sabi niya nang makarecover at tumingin kay Razen "Hindi mo naman kasi sinabi sa'kin na kasama sila"




"It's okay, Geo. Dito ka ba uupo?" tanong ko at akmang lalabas na sana kaso hinawakan ni Razen ang palapulsuhan ko.





"No, sa backseat siya" pigil ni Razen sa'kin at masamang tinignan si Geo.




Ngumisi si Geo at sinarado ang pinto saka umupo sa likod.




"Hi, I'm kuya Geo Sebastian. What's your name?" tanong ni Geo kay Ci, nilingon ko sila.




"I'm Cian Thor" pakilala naman ng kapatid ko.




Tumingin sa'kin si Geo.




"Kapatid mo, Tel?" he asked.




"Oo" sagot ko "Ano bang bibilhin mo?"


"Pang pulutan. Nagyaya si Mikee eh" sagot niya "Sabi nga niya sabihan ko raw kayo. G ba?"




"Ge lang" sagot ko.




Magkapareho lang kami ng building ni Mikee so okay lang sa'kin.




"Ikaw, bro?" baling niya kay Razen.




"I'm going" sagot niya.




Pagdating namin sa mall hinawakan ko na agad ang kamay ng kapatid ko baka kasi tumakbo kung saan at biglang mawala.



"Ikaw sa kabila, bro. Picturan ko kayo. Happy family!" pang aasar ni Geo na naglabas pa ng phone.



"Stop it" suway ko sakanya.




"Nakoo, kunyari pa. Bakit kayo magkasama ha?" may pang akusa na agad ang boses niya.




Sabi na, eh.




"Nagkataon lang" tipid na sagot ko at namili na ng damit.




Nang makapili sinukat ko 'yun at binayaran. Pumasok pa ako ng fitting room para magpalit ng damit. Paglabas ko nagspray ako ng pabango.





"Hihiwalay na muna ako sa inyo. Kita kita nalang sa parking lot ah!" sabi ni Geo na agad umalis.




"Ate, let's buy books" sabi ni Ci na agad akong hinila.





Kumuha si Razen ng cart at siya ang nagtulak nun. Kinuha niya rin ang paper bag na pinaglagyan ko ng damit na suot ko kanina.



"Ci, transformers na lahat ng notebooks mo. Wanna change some?"




"No, ate" sagot niya at kumuha ng eraser "Wow" namamanghang usal niya habang nakatingala at tumingin kay Razen "Kuya, can you pick that for me? I want that bag!" tinuro niya 'yung transformer na de gulong.




"Mukha ka ng transformer" sabi ko, ngumuso naman siya.





Kinuha ni Razen ang bag at nilagay sa cart. Nagtatalon sa tuwa ang kapatid ko.





"Ang cute ng anak nila 'no?"





"Her husband is handsome"






Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon