Kabanata 22

82 1 0
                                    

Pagdating sa condo binuksan ko ang mga regalong dinala ko. Una kong binuksan ay kay Mariella, couple necklace na gold at may pendat na heart sa babae at sa lalaki ay susi. Kaya siguro ngayon niya lang binigay dahil wala naman akong pagbibigyan ng kapareha noon.







Ang regalo naman ni Edmar ay sling bag na Chanel na may keychain na bote ng wine. Kay Britz ay sapatos na Nike. Napangiwi ako sa regalo ni Geo na limang bikini. Hindi na talaga ako aasa na magreregalo siya ng matino. Kay Mikee naman dress. At ang panghuli ay kay Razen.







"Tangina..." naiusal ko pagkakita ng titulo ng lupa at ang sketch ng bahay.






Napatingin ako kay Razen na kakalabas lang ng banyo. Tumingin siya sa hawak ko at saka tumingin sa'kin.






"You bought a house?" I asked unbelievably, he just nodded like it was not that important "Bakit?"







Umupo siya habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya.





"Para malapit sa parents natin at para na rin magawa mo lahat ng gusto mo" sagot niya "Mas maganda 'pag may bahay. Sa'yo nakapangalan 'yan"






Nayakap ko siya.





"May materyales na?" tanong ko nang kumalas ako.





"Oo, balak ko sana surpresa ko after ng kasal pero naexcite ako" nakangiting sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.





"Puwede nating puntahan?" excited na tanong ko.





"Oo naman. Kaso sa weekend nalang"





Tumango ako at niligpit lahat ng regalo maliban sa bigay ni Mariella.





"It's Mariella's gift" sabi ko kay Razen "Suotin mo na" sinuot ko sakanya ang panglalaki.





Kinuha niya ang para sa babae at sinuot sa'kin.





"Bagay sa inyo" nakangiting sabi ni Mariella pagkakita niya.





"Thanks" nakangiting sabi ko.





"Love, pupunta muna akong Bulacan" paalam ni Razen.





"Ingat"





"I love you" hinalikan niya ako sa noo at tinanguan lang si Mariella.





"Anong niluluto mo?" tanong ko kay Mariella at sinilip ang niluluto niya pero napaatras agad ako "Ang baho naman!"






"Huh? Baka nasobrahan ko ng suka" aniya at inamoy ang adobo.





Tumakbo ako papunta sa banyo ng kwarto at sumuka pagkatapos kong maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko pagkaamoy ko ng adobo.






Nagmumog ako at flinush ang suka ko. Naghilamos ako bago lumabas. Mapanuri akong tinignan ni Mariella.






"Are you pregnant?" diretsang tanong niya, natigilan ako.





"No" sagot ko nang makarecover.





"You buy a pregnancy test, beb"





"I'm not pregnant" mariing sabi ko.





"Are you doing protective sex?"




Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon