Kabanata 30

72 0 0
                                    

Naging maganda ang buhay ko sa New York. Ginawa akong marketing head ni Fiel sa kanilang kumpanya at inalalayan niya ako sa lahat. Maging ang mommy niya ay naging katuwang ko.





Sa pitong taon na nabuhay ako kasama lang ng kaibigan ay maraming nagbago. Noon inakala kong 'di ako magiging mabuting ina 'yun pala ay nakaya ko lahat. Lahat ng paghihirap ko ay nawala nang makita ko ang dalawa kong anak.





Kambal ang anak ko at lubos kong pinagpapasalamat 'yun. Biniyayaan ako ng kambal. Kaso tuwing nakatingin ako sa panganay kong si Raizer ay 'di ko maiwasang 'di maalala ang kanilang ama dahil kamukhang kamukha niya si Razen. Hawig na hawig sila at ang bunsong babae na si Raisel ay kamukha ko naman.






Apat na taon palang ata na nandito ako ay nalaman na nilang lahat maging si Razen na buntis ako. Hindi ko alam kung bakit dahil sinekreto naman ni Tita Thalia. Nagalit pa nga sila kay Tita dahil tinago raw niya at tinulungan pa ako pero nalaman nila ang dahilan ko at naintindihan nila.





"Mom" kinalabit ako ni Raisel.





"Yes, baby?" I combed her hair.





"Momma is calling!" patukoy niya kay mommy at inabot sa'kin ang laptop.





May communication ako sakanila maliban lang sa pamilya ni Razen. Simula no'ng nalaman nina mommy na buntis ako pinakiusapan nila si Fiel kaya nagkaroon kami ng communication. Ang pamilya ni Razen 'di ko alam kung bakit 'di ako hinanap at 'di ko rin na inalam ang dahilan.





"Mom" usal ko.





"Chantel, kailan ka ba uuwi? Your dad is so weak. Hindi niya na kayang magtrabaho" malungkot na sabi ni mommy "It's been seven years, anak"





"I'll think of it, mom"





Biglang nagpakita si Tita Thalia sa screen habang umiiyak.




"Nasa hospital ang daddy mo. He wants to see you and your kids. Please, Chantel?"




Tumingin ako sa mga anak kong nakatingin na rin pala sa'kin. Binalik ko ang tingin kay Tita Thalia na 'di natigil sa pag iyak.





"Sige, we'll go home next week" sabi ko na nagpangiti sakanila.




"Yey!" nagtatalon si Raisel.




"I'll end this call, tita. Aasikasuhin ko na ang pag alis namin" sabi ko at pinatay na ang tawag.




"We'll see them, kuya!" tuwang tuwa na sabi ni Raisel.




"Like you didn't ever saw them" masungit na tugon ng kuya niya.




"Only in that small screen" tinuro ni Raisel ang laptop. Inirapan lang siya ng kuya niya.




Kinagabihan sinabi nila kay Fiel na uuwi na kami next week kaya 'di naalis sa'kin ang tingin ni Fiel. Sinundan niya pa talaga ako sa kwarto.




"Is it true?" tanong niya.





"Babe, I guess it is the right time. Hindi pwede pang habang buhay na lumayo ako"





"I can't come with you next week. Susunod nalang ako"




"You can stay here"




Bumuntong hininga siya.




"Kailan ba kita iniwan? Susunod ako"




Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon