Kabanata 12

100 0 0
                                    

Tuwang tuwang umalis ang mga kaibigan ko dahil pinabaunan sila ni mommy ng homemade chocolate cake. Ang chicharon at wine na pinabaon sakanila ay isa sa products na negosyo ni mom.






"Ang bait ng mommy mo, Tel. Excited na ako sa birthday mo dahil alam kong may ipapabaon na naman siya" ani Britz pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng SUV.






"Ang yaman mo pero 'di ka makabili" inirapan ko siya.





"Iba pa rin ang bigay" pakikipagtalo niya.





"Oo na" tumingin ako sa mga kasama namin "Kita kits tayo sa Wild Free. Ingat kayo"





"Ingat!" si Edmar.





"Goodbye, bride to be!" pang-aasar ni Geo, I raised my middle finger. He just laugh.




Kumaway nalang si Britz at Mikee. Hinintay ko pa munang umalis sila saka ako pumasok ng lobby. Balak kong matulog ngayon at magpahinga kasi bukas ay may pasok na naman ako sa trabaho.





Bigla kong naalala si Razen. Mahigit isang linggo ko na siyang 'di nakikita. Matatagalan nga ata siya sa Bulacan pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kulang? Baka nasanay lang ako sa presensya niya pero sandaling panahon lang 'yun.






May gusto na ba ako sakanya?





Malabo, si Rye nga matagal bago ko nagustuhan pero 'di ko kailangang ipagkumpara dahil magkaiba sila.





Lutang akong pumunta ng bar. Hindi ko nga namalayan na nakabihis na ako at nagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Malungkot na ewan.





Razen....





Napapikit ako nang sumagi sa isip ko ang pangalan niya.





Bumuntong hininga muna ako saka pumasok at nagpilit ng ngiti pagkakita ko sa mga kaibigan ko pero ang pilit na ngiti ko ay nawala nang makita ko si Razen.





"Bakit tayo lang ang nandito?" tanong ko kay Britz, nagpapanggap na kunyari ay 'di ko nakita si Razen.




"Pinasara ko" sagot niya at sumulyap kay Razen.




"Are you getting engaged?" Razen asked.




"Not gonna happen" sabi ko at tumagay agad.





"You know your, dad"




"I know my dad but he don't know me that much"




"Kaya pala alam niyang nandito ka" aniya na tumingin sa entrance kaya napatingin ako do'n.





Biglang dumating si daddy at may mga kasama siyang bodyguards. Tumayo ako para salubungin siya. Galit siyang naglakad papunta sa'kin at hinawakan ako sa braso.




"You're hurting me!" reklamo ko dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya.





"I've been calling you many times but you're not answering your phone! Kung 'di kita pinasundan ay 'di ko pa malalaman kung saan ka!" sigaw niya.




"Tito, nasasaktan po si Chantel" awat ni Edmar.




"Shut up, Edmar! I'm her father!" sigaw niya na 'di inaalis ang tingin sa'kin.





"What do you need?" tanong ko.







"You're coming with me to talk with Ford's parent's. We have a dinner with them" ani daddy.






"I'm not going" mariing sabi ko.






"You're such a disappointment! Kahit kailan wala kang pakinabang!" malakas na sigaw niya.





Akma siyang sasampalin ako kaso pumagitna si Razen.




"Sir, I'm going to talk with Chantel. I promise ako po mismo ang magdadala sakanya sa inyo bukas" kalmadong sabi ni Razen.





Sinulyapan siya ni daddy saka binitawan ako.





"Huwag kang magtatangkang takasan ako, Chantel. Kapag tumakas ka sisiguraduhin kong kusa ka ring babalik" banta ni dad at pabatong binitiwan ang braso ko saka umalis.





Pabagsak akong umupo at inubos ang Brandy na sa baso ko.





"Siguro ay may plano ka Chantel" sabi ni Edmar.





"Wala, basta ayaw ko" sabi ko habang nilalaro ang yelo na nasa baso ko.





"I have" ani Razen kaya napatingin ako sakanya "I have a deal or pwede ring plano"





"Can you just be direct to the point?" nauubusan ng pasensyang tanong ko.





"You choose if it's Ford or me" aniya na nagpalaki ng mata ko. Tumingin siya sa mga kaibigan namin "Iwan niyo na muna kami ni Chantel" sabay sabay na tumayo at umalis ang apat "Kung sa'kin ka may nangyari na sa'tin. Mahal kita and all you gotta do is to learn how to love me."





"Wala akong pipiliin"





"You can't run away, Chantel. The best thing that you can do is to deal with me. Pag aralan mo lang na mahalin ako at ako na bahala para hindi matuloy ang engagement mo kay Ford na mangyayari this week"





Aaminin ko na mas pipiliin ko pa nga siya kesa kay Ford. Sakanya ko na rin naman nabigay ang pagkababae ko pero ayaw kong ikasal sa taong 'di ko mahal kaso lang siya lang ang makakatulong sa'kin ngayon. Mas may tiwala ako sakanya kesa kay dad at kay Ford.





"Bakit naman ako magtitiwala na gagawin mo nga 'yan? Anong mapapala mo?" tanong ko.





"Mahal kita kaya gagawin ko ang lahat 'wag lang matuloy ang engagement mo kay Ford at siguraduhing sa akin ang bagsak mo. Itataya ko ang lahat ng meron ako basta 'wag ka lang mapunta sakanya dahil ikamamatay ko kapag nakita kitang ikinasal sa iba"





"Deal. Pag aaralan kong mahalin ka" sabi ko, inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yun para makipagkamay.





"I'll talk to your dad tomorrow" aniya, tinanguan ko lang siya.






Bumalik na rin ang apat, nagtanong si Geo pero 'di namin siya sinagot. Naging makahulugan ang tinginan namin ni Razen. Nagpatuloy pa kami sa pag inom hanggang sa nagpaalam na si Edmar na uuwi. Ilang sandali pa kaming nanatili doon.





"Ihahatid kita" ani Razen paglabas namin ng Wild Free.




"You have your car"




"Sasakay ka sa kotse mo at sasakay naman ako sa kotse ko. Susundan kita at ihahatid na rin sa mismong condo mo" habang sinasabi 'yun ay palipat lipat ang turo niya sa kotse ko at sa kotse niya.





"Sige" sabi ko nalang. Alam kong hindi din naman siya magpapapigil.




Gaya ng sinabi niya sinundan niya ako at hinatid.





Pagpasok namin sa elevator siniksik ko pa ang sarili ko dahil maraming tao. Halos magdikit ang katawan naming dalawa kaya napagtanto ko kung gaano siya katangkad. Sa tangkad kong 'to hanggang balikat niya lang ako at ang gwapo ng side profile niya. Sinipag ata si Lord habang ginagawa siya o 'di kaya good mood si Lord nun. All package siya, gosh!






Nang maubos ang tao nagkatinginan kami sa pinto lang ng elevator. Sinunggaban ko siya agad ng halik nung una ay 'di siya tumugon pero kalaunan ay mas agresibo pa siya.





"Chantel, not here" sabi niya nung hawakan ko ang ari niya.





"I can wait" sabi ko at pinagpagan kunyari ang suot niya saka lumayo.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon