Kabanata 33

73 0 0
                                    

"We're going home! We're going home" pakantang sabi ni Raisel habang nilalagay sa compartment ang bag niya.





Uuwi na kasi kami ngayon. Sa sobrang OA ni mommy pinagwheelchair niya si Raizer hanggang sa makalabas ng hospital at makasakay sa kotse ko.




"Chantel" nilingon ko si Razen "Can I come?" nahihiyang tanong niya.





"Yeah, sure" kibit balikat na sagot ko.




"Can I uhm...drive your car?" inabot ko sakanya ang susi ng kotse ko.




Sa backseat ako umupo kasama ang dalawang anak ko. Bahagya akong nilingon ni Razen pero 'di ko na siya pinansin.




Pagdating sa condo nilapag ni Razen ang bag na pinaglagyan ko ng gamit naming tatlo.




"Daddy, you're leaving?" nakangusong tanong ni Raisel dahil naglakad palapit si Razen sa pinto.




"Yes" pilit ang ngiting sagot ni Razen.




"Again? You're leaving us again?" kumikibot na labing tanong ni Raisel, paiyak na siya.





"You lived for seven years without him, Raisel. What's the big deal?" masungit na sabat ni Raizer.





"Kuya, I want a daddy" humikbi na nga si Raisel.




Bumuntong hininga ako bago tumingin kay Razen.




"You can stay here if you want but make sure na walang asawang mag eeskandalo diyan sa harap ng condo ko" sabi ko at kinuha ang bag saka pumasok sa kwarto.





"What do you mean?" tanong ni Razen na nakasunod pala sa'kin.





"Hindi ba uso ang katok sa'yo? You entered my room!" singhal ko.




"Anong asawa ang sinasabi mo?" mariing tanong niya na binalewala ang sinabi ko "Do you think I have a wife?"





"Oo, so?" nasapo ko ang noo habang natatawa "Kung meron o wala it's not a big deal, Razen. Hindi mo 'ko kailangan sundan dito so leave"





"Wala akong asawa"





"Like I care" inirapan ko siya.




"Bakit parang ikaw pa 'tong galit?"




"Malamang. Pumasok ka sa kwarto ko"




"Pinasok ko lang ang kwarto mo galit ka na? Ako na iniwan mo sumama lang ang loob. How funny" kunyari natawa siya "Bakit mo nga ba ako iniwan noon?"





"Hindi na mahalaga 'yun. Sagutin ko man 'yan wala na ring kwenta dahil hiwalay na tayo"





"Wala akong may natatandaang nagbreak tayo"





"Tangina, ano ba?!" naubusan na nga ako ng pasensya.






"Just answer! Bakit mo ako iniwan?!" ikinagulat ko ang pag iyak niya at pag upo niya sa sahig na parang walang lakas "Paano mo nagawang iwan ako at sumama sa taong pinagseselosan ko ng sobra? Paano mo nagawang itapon ang singsing na binigay ko?!"





"Paano mo ring nagawang mambuntis ng ibang babae at magsinungaling sa'kin?! Paano mo nakakayang makipagsex sa'kin habang may kinakama kang iba? Bakit sinabi mong mahal mo ko pero nakabuntis ka?! Bakit hindi mo sinabing nakabuntis ka?!" buong lakas na sigaw ko "Nagkulang rin ba ako sa'yo?" nag angat siya ng tingin sa'kin.






"Anong ibig mong sabihin? Si Janiella ba ang tinutukoy mo?"





"It's better for us not to talk about our past. Maririnig lang tayo ng mga bata" sabi ko at lumabas na ng kwarto pero wala na sila do'n kaya tumungo ako sa kabilang kwarto at nakita ko silang dalawa na natutulog na.





Lumapit ako at pinatay na ang iPod. Naiwan pa kasi nilang bukas ang youtube. Pumunta akong kusina at nagtimpla ng kape. Umupo ako do'n at pinahinga ang utak ko.





Sa ilang linggo naming magkasama 'di niya sinabi na nakabuntis siya. Hindi mawala sa isip ko ang mga alaala noon kung saan halatang alam niyang buntis si Janiella pero 'di niya sinabi at ang tanga ko dahil binalewala ko ang lahat ng 'yun.






"Chantel, ipapasyal ko sana ang dalawa bukas" paalam ni Razen, tango ang tanging nasagot ko "Kung gusto mo pwede kang sumama"





"Kailangan kong magtrabaho para matapos agad ang pinapagawa ni daddy"






"Bakit nga ba nagmamadali ka?"





Sinulyapan ko siya.





"Dahil babalik kami ng New York. Binabawasan ko lang ang trabaho niyo ni daddy"






"Hindi ako papayag" lumapit siya sa'kin.





"I'm not asking for your opinion" matalim ko siyang tinignan.





"No, Chantel! Hindi mo na ulit malalayo sa'kin ang mga anak ko"




"May anak ka naman sa iba 'di ba? 'Yun nalang amg pagtuunan mo ng pansin"





"What are you talking about?" galit na tanong niya, inirapan ko siya at nilagay ang tasa ko sa sink. Aalis na sana ako kaso hinawakan ni Razen ang braso ko "We need to talk now"





"Bitawan mo ko" hinila ko ang braso ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya.





"Tell me what's in your mind"





"Let go of me!" nagpumiglas ako pero niyakap niya ako mula sa likod at pinulupot ang braso sa'kin.





"I will not let you go, not anymore. Tell me, bakit mo ko iniwan?" ramdam ko ang sakit na nadarama niya.





"I saw you and Janiella kissing each other in your office. Pinuntahan kita para sabihing buntis ako tapos 'yun ang nakita ko"





"I knew it but love you're wrong"





"Walang kriminal na umaamin. Alam mo rin bang sinabi niya sa'kin na buntis siya at ikaw ang ama? Hindi ako naniwala pero no'ng nakita ko kayong dalawa gumuho na 'yung mundo ko pati 'yung tiwala ko sa'yo"





"She kissed me but I pushed her"




"Hindi 'yun ang nakita ko"




"Pero 'yun ang totoo. I pushed her and I also ended our friendship that time" narinig ko ang hikbi niya "Kailan ba kita hindi pinili? Walang alinlangan kong ipagpapalit ang lahat ng meron ako basta ikaw ang kapalit"





Napapikit ako ng mariin. Hindi ko hahayaang matibag ang pader na binuo ko sa loob ng pitong taon.






"I'm done, Razen" mariing sabi ko.





"No, Chantel. You just can't be done in me. Mahal mo parin ako"





"Hindi na kita mahal" walang alinlangan kong sinabi, lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yun para makawala sakanya.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon