Kabanata 37

67 0 0
                                    

Nagdinner na kami't lahat walang Razen na umuwi kaya agad kong pinagbihis ang mga anak ko. Kinuha ko ang photo album's na dala ko at ang camera. Naglalaman ito ng mga pictures ng kambal simula nung baby pa sila at lahat ng celebration pictures nila. Sa Camera naman ay ang mga videos ng first step nila at first word which is "mimi". Ngayon na siguro ang tamang panahon para magkita kita kaming lahat.







"Mom, where are we going?" tanong ni Raizer at inabot sa kapatid ang bag nito.





"Bulacan, baby. We're going to your mommy la's house. Let's go" hawak ko sila sa magkabilaang kamay habang pababa kami.





Ang dalawang anak ko nalang ang kinuhaan ko ng damit kasya pa naman siguro ang mga damit ko noon kasi bumalik naman sa dati ang katawan ko pagkatapos kong manganak. Sa daan ay hindi matahimik ang dalawa. Nahahawaan na ata ni Raisel ng kadaldalan ang kuya niya.






"Mom, next time we go to Batangas. Tito Ci said that their house is so wide and they have also a pool" ani Raisel na talagang dinungaw ako.





"Next time, baby" tugon ko.





Bago umalis tinext ko si mommy na papunta na ako at kasama ko ang mga anak ko. Nabigla siya at tinanong kung handa na ba ako. Sa mga nagdaang araw natutunan ko na dapat ang problema ay hinaharap hindi tinatakasan kasi kung patuloy mong tatakasan hindi matatapos 'yun.






Pagdating sa bahay sinalubong agad kami ni mommy. Si Tito Jules ay nasa hospital pa at si Meitha naman ay tulog na. Nilingon ko ang bahay nina Razen na nakabukas pa ang ilaw. Pagharap ko ay kakabalik lang ng tingin sa'kin ni mommy.





"Kakausapin mo na ba o bukas na?" tanong niya at pinapasok muna ang kambal "Alam ng mga magulang niya ang nangyari sa inyo. Hindi sila galit sa'yo, Chantel. Naiintindihan ka nila" hinaplos niya ang buhok ko "I'm sorry because I wasn't there. You need a mom but I wasn't there anak. Akala ko na kapag nakukuha mo ang gusto mo ay masaya ka. Sa kabila ng pagkukulang ko sa'yo naging mabuti kang ina sa mga anak mo"





"Hindi mo kailangan magsorry, mommy, kasi kahit 'di mo sabihin pinatawad kita" ngumiti ako sakanya, niyakap niya ako "I'll face it now, mom. I'm tired of running" sabi ko pagkatapos niyang kumalas.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon