Kabanata 2

200 2 0
                                    

Matapos kong lagyan ng cream ang leeg kong may hickey lumabas na agad ako at bumalik sa table namin para magpaalam.



"Mauna na ako may trabaho pa ako bukas" paalam ko sakanila.



Isa isa na rin silang tumayo.




"Sabay sabay na tayo. Lahat naman tayo may trabaho pa" sabi ni Mikee at nag inat.




Sabay sabay nga kaming lumabas sa bar maliban kay Britz na may ari. Nagpaalam kami sakanya bago umalis.



Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho bumungad si Cian na nasa office ko at naglalaro.



"What are you doing here?" takang tanong ko sakanya at nilapag ang mga gamit ko "Don't you have art class?"




Tuwing bakasyon kasi ay pinapasok siya sa art class. Pareho kaming mahilig at magaling sa art na namana namin kay daddy.



"It's Saturday, ate. You're aging"



Wow





"You didn't answered my first question"



"I'm here because I'm the son of the owner" inosente niyang sagot.




"In my office, Cian. What are you doinh here in my office?"



"I want to play here" nakangiti ng sabi niya, dinadala lang ako nito sa mga ngiti niya.




Pumasok naman ang secretary ko.




"Ma'am, pinapatawag po kayo ng daddy niyo sa office niya" sabi niya at bahagyang yumuko saka lumabas.



"I'll come with you, ate" sabi ni Cian at kinuha na ang transformer niya saka humawak sa kamay ko.



Pinindot ko ang up button ng elevator. Habang naghihintay kami ni Cian may biglang tumabi sa'kin.




"Is that your child?" tanong ni Razen?




Gulat akong tumingin sakanya.



What is he doing here?




"What are you doing here?" gulat na tanong ko, he just shrugged at sumulyap kay Cian.



"Who's the father?"




"He's my brother" sagot ko




Eksaktong bumukas ang elevator, pumasok kami at pinindot ko ang 19th floor kung saan ang office ni daddy.




"Ang cute nilang tignan at ang cute ng baby nila" bulong pa ng isang babae na rinig na rinig naman.




"Gaga, magkapatid 'yang dalawa at boss natin 'yan. 'Yung lalaki 'di ko kilala pero baka boyfriend ni ma'am Chantel. Ang pogi" bulong rin ng kasama niya.




Tumaas ang isang kilay ko at sinulyapan sila. Sabay silang yumuko at halatang nagsisihan pa. Tumunog ang elevator at bumukas 'yun. Lumabas kaming tatlo.




"Sinusundan mo ba ako?" mataray na tanong ko kay Razen.




"No, sadyang dito talaga ako pupunta" sagot niya at nauna pang maglakad.




"Sino 'yun ate?" tanong ni Cian.



"Kakilala ko lang" sagot ko sakanya.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon