🌺Chapter 8.🌺

255 7 0
                                    


👉♥️Chapter 8♥️👈

((#Eulah_POV))

Nasa kwarto ako ngayon nagkukulong at pinag-iisipan ang mga sinabi sa akin ng kaibigan ni T*bachoy.

Ano kaya kung tumakas nalang ako Sa araw ng kasal? Pero pag ginawa ko yun Lagot naman ako kay papa.

Gulong gulo na talaga ang isip ko.
Hindi ko na ba ang gagawin ko.

Pero maganda naman talaga ang suggestion ng kaibigan ni Tabach*y.

Ang tumakas nalang.

Bigla kung naalala,

yung Jacket nga pala nya.

Kailangan kong isauli.

Pero ang tanong saan ko naman hahanapin ang lint*k na Jacket na yon.

Bigla akong Nakatanggap ng txt mula sa nga plastik kung mga kaibigan.

Oo may mga kaibigan akong plastik. Mula sa College. Mga kaibigan ko na sila pero alam ko na nakikipagplastikan lang sila sa akin. Dahil lahat kami anak mayayaman nagtatalbugan minsan sa mga bagay bagay.

Tulad nalang sa pag bili ng bag. Kung sino ung pinaka mahal ang bag sya ang nanalo. Pero sila sila lang ang mga nagtatalbugan hindi naman ako makikipag kumpetinsiya sa kanila. Bahala sila sa mga buhay nila.

Hindi ko inaasahan na yayayain nila ako.

Wala naman akong magawa kondi ang makipag bonding sa kanila.

May mga kanya kanya na silang boyfriend.

Ako lang ang wala pa.

At dahil nalaman nila na may fiancee na ako, hito at inimbitahan nila ako.

Hindi talaga sila imbitado sa kasal ko. At wala akong balak ba imbitahan sila.

baka pagtawanan nila ako pag makita nila na ang mapapangasawa ko e saksakan ng taba.

At ayaw kong mangyari ang bagay na iyon.

Pero sa ngayon kailangan kong pumunta sa kanila.

Wala na akong magagawa pa kundi ang makipagplastikan bukas sa kanila.

Hindi ako makatulog habang nakahiga ako sa kama ko.

Hindi ako dinadalaw ng antok.

Kinabukasan naki pag kita na nga ako sa mga kaibigan ko.

" Hoy. Sis balita ko ikakasal kana. " Sabi ng isa kung kabigan na si Ariana.

" Oo wag kayong mawawala sa kasal ko ha! . " Pagyaya ko sa kanila pero ang totoo ayaw kong umattend sila sa kasal ko.

"Gwapo ba ang mapapangasawa mo?" Biglang tanong ni Ariana..

Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kanila..

mapanglait nga pala ang mga kaibigan ko

"Bakit dika makapagsalita?" Tanong ni shella

" Ha! sempre naman Oo. Gwapo ang mapapangasawa ko. Papayag ba akong magpakasal kung hindi ko nagustuhan ang kakisigan nya. " Pagsisinungaling kong sabi.

Ano ba itong pinagsasabi ko.

Hindi naman kagwapuhan ang tabach*y na iyon.

Bahala na atleast hindi nila ako pagtawanan ngayon..

"isama mo sya sa party ko bukas. . Para makilala naman namin. " Pang iimbita sa saakin ni Shella..

"mas mabuti kung ngayon mo nalang ipakilala ang fiancee mo." Sabi ni stilla

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now