🌺Chapter 12.🌺

270 4 1
                                    

👉♥️Chapter 12♥️👈

((#Eulah_POv)

Habang papasok na ako  ay kita kong pinagtitinginan nila ako.

Naalala ko naka gown pala ako. Pero wala akong paki alam basta makita ko lang si Andrew..

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon ng makita kong naghihintay si Andrew.

Matagal na panahon na hindi kami nagkita ni Andrew. At sa wakas nagkita ulit kami. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya papakawalan pa.

Kaya lumapit na ako agad sa knya.

"I'm sorry I'm late. " Hinihingal kung  sabi dahil tumakbo ako pagkakita ko sa kanya.

Napatingin naman si Andrew sa akin.

"Its okey hindi naman ako naghintay ng matagal. "  Nakangiting sabi nya saakin

"Buti naman kung ganon.!" Umopo na ako harapan nya.

Napansin nyang  naka wedding gown ako.

"bakit ka naka wedding gown? " Tanong nya saakin.

"ah.. ano kasi. . May Picturial kasi ako kanina. Hindi na ako  nag abalang magpalit ng damit. Kasi baka mas lalo lang akong malate.." pagdadahilan ko.

" ah. . Ganon ba. . Akala ko ba hindi ka busy? " Bigla nyang tanong sako..

"Akala ko nga rin eh..kaya lang biglaan yung pictutial.  hhahaha. Pero tinapos ko naman agad para maka abot ako sa pagkikita natin.

Pagdadahilan ko ayaw kung sabihin na tumakas ako sa araw ng kasal ko.

"Kumusta na kayo ni Aidel?"  Bigla nyang tanong saakin.

Bigla akong natahimik..

matagal na rin na hindi kami nagkikita ni Aidel.

At ayaw ko syang pag usapan. At ayaw ko narin syang maalala. Gusto ko syang burahin sa ala alala ko.

"Hindi na kami nagkikita. Wag na mona natin syang pag usapan. Dahil ayaw ko syang pag usapan. "

Ayaw kong pag usapan namin si Aidel.  dahil hanggang ngayon hindi parin mawala ang Galit ako sa kanya.

Sya ang nang iwan kaya kailangan kalimutan ko na rin sya.

"Ano nga ba yung pag uusapan natin. " pag iiba ko ng usapan.

"gusto ko sanang ipakilala sayo ang future wife ko "

Ako na ba yung future wife nya. Sa isip isip ko at gusto kong kiligin.

Kaso nga lang may paepal na sumingit.

" honey.. " Tawag nya kay Andrew at sabay kiss pa at sa harap harap ko pa..

Para  akong binuhusan ng malamig tubig.

"Sya na ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Sabi ng babai at umopo sa tabi ni Andrew

" oo sya na nga yung lagi kung kinukwento sayo na kaibigan ko. Sya si Eulah...... Yoona! Sya naman si Tanya . she is my Future wife." Pagpapakilalaa nya saakin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi nya.

Parang gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko. Hindi ko ipinakita na nsaktan ako.

Pinilit kung ngumiti sa harapan nila.

" Nice to meet you. "

Nakangiti kung sabi pero ang totoo gustong gusto kong maiyak. Dahil durog na durog ang puso ko.

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now