🌺chapter 2.🌺

488 12 0
                                    

👉♥️Chapter 2♥️👈

((#Eulah_POV))

Habang naglalakad na ako paalis sa lugar na iyon ay bigla akong natapilok .

Hindi ko inaasahan na mamalasin ako sa araw na ito.

Ayaw ko sanang pumunta sa lugar na ito kaya lang hindi ko dapat suwail ang kagustuhan ng mga magulang ko.

Pero wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin na malas ang araw ko ngayon.

Bigla akong napatulala ng may lalaking lumapit saakin.

"Miss are you okey?"

Pag aalala nyang sabi saakin.

Kaya napatingin ako sa kanya. Pagka kita ko sa kanya para akong nabighani sa kagwapuhan at kakisigan ng lalaking lumapit saakin.

" Okey lang ako. " sabi ko at umiwas ako ng tingin.

Actually nahihiya na ako sa setwasyon ko ngayon.. kahiya hiya talaga ang nangyari saakin dahil natapilok ako sa maraming tao.

Ini abot ng lalaki ang kamay nya para tulongan ako.

Napatingin ako sa kamay nya.

Bigla akong nadisappoint kasi puno yun ng pintura.

Bigla tuloy akong na turn off siguro mahirap ang lalaking ito.

At kagagaling lang nya sa pagpipintura.

Napabuntong hininga nalang ako.

Naisip ko na sa damit nalang nya ako kakapit.

Kaya sa damit nalang ako humawak at pilit na tumayo . Kaya lang rinig ko ang pagka punit ng damit ng matipunong lalaking yun.

Pareho kaming nagulat sa nangyari.

" Ayy naku po! I'm sorry napunit ang damit mo."

Gulat kong sabi sa kanya. Hindi ko naman sinasadya at diko alam na mapupunit ang damit nya

Ano ba itong nangyayari bakit ba ang malas malas ko.

"Sorry talaga! hindi ko intensyon mapunit ang damit mo." Paghingi ko ng tawad sa kanya..

Kumuha ako sa bag ko ng pera at ini abot sa kanya.

" Ano yan?" Tanong ng matipunong lalaki saakin.

" Pera! babayaran ko ang napunit na damit mo" sabi ko.

"Hindi na kailangan. Ang importante nag sorry ka. " Sabi nya

" Ayy hindi kunin mo na ito. Pambili ng bagong damit. ".sabi ko ulit

"Wag na d na kailangan. Damit lang naman ito. " Sabi nya.

Hindi ko talaga inaasahan na tatanggihan nya ang pera ko. Kaya napa bilib nya ako.

"Sigi sabi mo yan ah. ."

Binalik ko na yung pera sa bag ko.

Tinitigan ko yung lalaki habang inaayos ang punit na damit nya.

Parang sya yung kausap ni Tabach*y kanina.

" I think ur familiar to me.!" Biglang sabi ko sa knya.

"Sorry miss ngayon lang kita nakita." Sabi ulit ng lalaki

" Nakita kita kanina na kausap yung kablind date ko kanina. Sabi nya Driver ka nya? "

Itinuro ko si Tabach*y para malaman nya na sya ang tinutukoy ko.

" Ah! Oo Driver nya ako. Hardiniro din ako at mikaniko. Kung may ipapa ayos ka sa bahay nyo. Tawagan mo ko ?" Nakangiti nyang sabi.

Napa ngisi lang ako sa kanya.

"Bakit mo nga pala naitanong.. ah.. alam ko na na love at first sign ka sa boss ko no."

" Nang iinsulto ka ba? Sya magugustuhan ko. No way! Sabihin mo sa boss mo na sumakit sana ang tiyan nya sa kabusogan" inis kong sabi.

Kita kong natawa nalang sya sa sinabi ko.

"Sigi aalis na ako... Okey lang na na diko bayaran yang damit mo?" Paninigurado kong sabi

"Ayos lang talaga. "

"Bahala ka! Alis na ako."

At tuloyan na akong umalis sa lugar na iyon.
.
.
.
.
.
.
.


((#Ethan POV))

Napangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.

Actually ako dapat yong kablind date nya pero Pinagpanggap ko ang kaibigan kong si Maxx.

Kung naging mabait lang sana sya kay Maxx baka pumayag akong makasal sa kanya. Pero binasi lang nya sa pangangatawan.

Kung ako yung nagpakita baka pumayag na iyon sa kasal. Pero pasinsyahan na lang dahil gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Sisiguraduhin ko na sya ang aayaw sa kasalang magaganap.

Sa totoo lang Ayaw ko monang magpakilala. Gusto ko mo na syang kilalanin bago ako pumayag sa gusto ng mga magulang namin.

Nang maka alis na si Eulah, Saka lang ako lumapit kay Maxx.

Matagal na kaming magkaibigan ni Maxx.

Sya lang ang nakakaalam na anak mayaman ako.

"Ang galing mong mang asar ah" sabi ko kay Maxx at umupo ako sa harapan nya.

"Mukhang hindi naman sya naasar eh. Kalmado sya habang nag uusap kami" Sabi ni Maxx

" Anong hindi. Asar na asar kaya sya. "

Ntatawa kung sabi.

" Pag nalaman ito ng papa mo Lagot ka talaga. Bakit kasi hindi nalang ikaw ang humarap. Para mkapag usap kayo ng maayos. Kaisa inisin mo sya " sabi ni Maxx

May punto naman sya kaya lang Ayaw ko talagang makasal sa kanya.

Hindi pa ako handa para makasal.

Magpapakasal lang ako sa babaing magpapatibok ng puso ko ulit.

" Ituloy mo lang ang pang aasar. Para sya ang mag back out sa kasal na magaganap. Dahil wala akong balak na magpakasal sa babaing yun" sabi ko kay Maxx

" Iwan ko sayo. . . " sabi ni maxx habang kumakain.

"sigi kain ka lang ng kain." Sabi ko sa kanya.

.
.
.
.
.
.
.
.

((#Eulah_POV))

Kaka uwi ko lang sa mansyon.

Hanggang ngayon masakit parin ang paa ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot kung kama.

Sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari kanina.

Hindi mawala sa isip ko ang mga pinag usapan namin ni Tabach*y.

Hindi talaga ako makapaniwala na isang antipatikong lalaki ang nakablind date ko at hindi lang yun saksakan na nga ng taba ang yabang pa.

Nanggigil talaga ako sa kanya.

"Ang yabang yabang ng tabach*y na iyon. Gaganti tlaga ako sa susunod. Lalaitin din kita. Akala mo sinong gwapo saksakan naman ng taba. Ayaw ko talagang magpakasal sa lalaking iyon. Never never never. Kahit maging matandang dalaga ako." Inis kong sabi.

Nahiga nalang ako sa malambot kong kama. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon ako sumisigaw sa inis.

Bakit kasi kailangan ko pang magpakasal? dahil ba wala akong trabaho? dahil ba anak mayaman ako kaya dapat sa mayaman din ako ipapa-kasal?

Hindi ba pwede na pumili ako ng taong gusto kong makasama. Pero ang tanong may pagpipilian ba ako?

Ayaw kong magpakasal . . Ang gusto ko lang naman makakita ng lalaking mamahalin ako, mamahakin ako at kaya akong ipaglaban.

gusto kong mahanap ang lalaking mamahalin ko at mamahalin ako. Pero sino at kailan ko matatagpuan ang lalaking mamahalin ko?

To be continue
💛💙💚

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now