🌺Chapter 44🌺

236 1 0
                                    

👉♥️Chapter 44♥️👈

#Eulah POV

Masaya akong naghihintay sa pag uwi ng asawa kong si Ethan. Hindi ako makapaghintay na sabihin sa kanya na buntis ako.

Nagpapraktis pa nga ako kung paano ko sasabihin.

Madaling araw na pero hindi parin sya dumarating.

Bakit kaya hanggang ngaun hindi pa sya dumarating.

Sinubukan ko syang tawagan. At nang sagutin nya ang phone nya isang babai ang sumagot. Na ikinagulat ko bakit babai ang nakasagot sa phone ni Nathan.

Bigla ulit ako nakardaman ng kirot at pananakit ng puso ko. Pinakalma ko ang sarili ko. Baka ka officemate lang nya ang babaing iyon.

"Hello nasaan si Ethan " mahinahon kong tanong at pinapakalma ang sarili ko.

" Naiwan ni Ethan ang cellphone nya dito sa bahay .... "

Diko na tinapos ang sasabihin ng babai at ni off kona ang cellphone ko.

"Alam kung hindi yun si Summer, ibang babae yun. Pero sino? Bakit nasa bahay sya ng babaing yun? Ano nanaman ba ang ginagawa doon ni Ethan? "

Ang dami nanamang gumogulo sa isip ko. Hindi ko maiwasang mapaluha nalang.

Naiinis na ko ngayon.

Mula ng magtrabaho si Ethan sa companya ng papa nya ang laki na ng ipinagbago nya. Yung parang hindi ko na sya kilala hindi tulad ng dati na iniinis nya ako pero ngayon hindi.

bibihira lang kaming mag usap dahil wala na syang oras saakin.

Minsan late na syang umowi kaya hindi ko talaga maiwasang ma paisip ng masama. At dagdag pa itong nasaksihan ko na may babaing sumagot sa cellphone nya. Lalo talga akong napapa isip.

Pumasok nalang ako sa kwarto at nilock ko talaga ang pinto. Ayaw ko syang papasukin. Bahala sya kahit dina sya umowi.

Habang hinihintay ko sya sa kwarto naramdaman kong dumating sya.

Binubuksan nya ung pinto ng kwarto. Akala ko kakatok sya at magpupumulit na pumasok pero bakit hindi man lang sya kumatok.

Ayaw ba nyang pumasok sa kwarto?
Dahan dahan akong sumilip sa labas ng kwarto.

Nakita ko doon nahiga si Ethan sa sofa.

Bakit? Bakit sya nag bago ng ganito.

Hindi ko ulit maiwasan na mapaiyak nalang. Napapasuntok nalang ako sa dibdib ko pakiramdam ko kasi hindi na ako makahinga sa subrang sakit ng nararamdaman ko.

Nahiga nalang ako sa kama at doon ibinuhos ang sama ng loob ko.

Kinaumagahan ay late na ako nagising nakita ko bukas na yung pinto ng kwarto.

Baka nagpalit lang sya ng damit kanina .

Pwede pala nyang buksan iyon kagabi pero bakit d sya pumasok  sa kwarto.

Diko naman maiwasang maging malungkot.

Bumangon na ako. wala na sya sa bahay. 9 am na pala ano ba ang aasahan ko doon. Sempre aalis sya ng maaga para makapagtrabaho.

Inabala ko nalang ang sarili ko na magluto para sa almusal ko.

Habang naghihiwa ako onion ay bigla ko nalang naramdaman na may yumakap mula sa likuran ko.

"Good morning Honey! "

Sabay halik sa pisngi ko.

Hindi pala sya umalis ng bahay.

Hindi ko sya kinibo. dahil diko sya kinibo ay pinaharap nya ako sa harapan nya.

" What wrong? May nangyari ba? Bakit dimo ako kinakausap? Dahil late na akong dumating sa bahay kagabi kaya naglock ka ng pinto? "

Nakasimangot lang ako at ayaw ko syang titigan.

"Honey! Galit kaba? Kausapin mo naman ako please.!"

Pamimilit saakin ni Ethan dahil ayaw ko syang kausapin..

"Hoyyy. . Kausapin mo naman ako ano ba ang nangyayari sayo"

Sa subrang inis ko pinagbabatok ko ang masculado nyang dibdib.

Katatapos lang nyang maligo kaya wala syang sout pang itaas.

"Aray... Hoy ano ba ang nangyayari sayo. Bakit kaba ganyan."

Hindi ko namang mapigilang mapaluha kaya nyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit kahit d nya alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

"Bakit ba ayaw mong sabihin kung bakit ka nangkakaganyan? Hindi ako manghuhula. . Hindi ko mahulahan ang galit mo saakin? Tell me now? Bakit ka nagagalit saakin?"

"Ikaw kasi... . Alam kung may babai ka. Kaya ako nagagalit sayo. Sabi mo mahal mo ako. Pero bakit naghahanap ka parin ng iba. Nakaka inis ka." Naiiyak kong sabi.

"What are you talking about. . Wala akong babae. Hindi ako naghahanap ng iba. Mahal kita kaya bakit ako maghahanap ng iba." Pagpapaliwanag ni Nathan. Mahigpit nanaman nya akong niyayakap.

"Kung wala kang babai. Sino ung nakasagot sa phone. Wag kang mag dinay babai yun.. naiwan mo daw yun sa bahay nya. . Anong ginagawa mo sa bahay ng babaing yun. Tapos hating gabi kana umowi".

Natawa lang siya.

"Bakit natatawa ka diyan? Bakit nagpapatawa ba ako? Hindi naman ah.." iyak kong sabi at naiinis talaga ako kasi may gana pa syang pagtawanan Ko. . Umiiyak nanga ako at galit tapos pinagtatawanan pa ako.

" Galing ako sa bahay kagabi. May family dinner kami dumating kasi ang ate ko. At malamang si Ate yung nakasagot sa phone ko. Kaya taha na honey wag kanang umiyak"

Hindi ko alam kung hihinto ba ako sa pag iyak. Nyakap ko nalang sya ng mahigpit. Ang boung akala ko kasi may iba na syang babae.
Kung ano ano tuloy naiisip kong masama.

Iniangat nya ang mukha ko sa mukha nya. At pinunas ang mga luha ko na kanina pa tumotulo.

"Paano ba kita mapapataha? Ahh.  Ganiito nalang mamili ka dito hahalikan kita o hahalikan mo ako? "

Nang mapansin nyang masama na ang tingin ko sakanya ay binawi nalang nya ang sinabi nya.

"Sigi ako nalang ang hahalik sayo." Pilyo nyang sabi.

Pinigilan ko ang labi nya na halikan ako sa pamamagitan ng kamay ko.

"Bakit mo ako pinigilan".

"Mabaho hininga ko. Kagigising ko lang. "

"I dont care."

Kinuha nya ang nakaharang na kamay ko sa labi nya at hinalikan na nya ako. Dahil gustong gusto ko ang mga halik nya ay napawi ang galit at sama ng loob ko sa kanya.

To be continue.

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now